CHAPTER 2

57 3 0
                                    

CHAPTER 2

Laureen's POV:

"T-teka lang tita Jez...", nagpa-panic kong pigil sa paghila sakin ni Tita.

Hindi pa man kami nakakalabas ng gate ng bahay namin, nagbabakasakali parin akong pakiusapan si Tita na next time na lang pumunta sa kanila.

"Sige na Laureen.. please?? Pagbigyan mo na si Tita ang dami ko nang utang sayo dahil ngayon na lang ulit kita makakasama.. Dalagang-dalaga ka na oh!",

"Pero Tita okay lang po talaga ako. Bukas na lang po ak---",

"Sige naaa~ ", with matching puppy eyes pa si Tita!

Aww.. Kelan pa natuto magpa-cute si Tita Jez?

"Halika na darling !!", sigaw ni tita Jez sabay hila ulit sa akin !

Waaah! Mukhang talo na ko dito kay Tita! Tuluyan na niya kong hinila palabas ng gate.

"Laureen, kung nahihiya ka kay Harry, dahil dun sa nakita niya k---",

"Waaah! Tita please wag niyo na po ipaalala...", pagsusumamo ko sabay takip sa mukha ko.

Pakiramdam ko na naman kasi yung dugo ko sa katawan napunta na lahat sa pagmumukha ko!

Imagine mo naman na isang lalaki? Makikita kang naka-panty lang accidentally?

Aba! Gugustuhin mo nang wag na kayong magkatagpo!

Hindi ko ba namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay nila.

Nagpanic agad ako nung makita kong tinutulak ako ni Tita papasok ng gate!

"T-Teka po.. Kyaaah! Tita Jez nahihiya ak---", naputol yung sinasabi ko nung makita kong lumabas si Harry sa bahay nila.

"Oh nandiyan ka pala anak!",

"Ano ba yan ang ingay naman ng minions na yan!", savi niya na halatang naiirita sakin.

Napa-simangot ako at umayos ng tayo kasi naalala ko ang higpit ng kapit ko sa gate nila..

Kaasar!! >_< bigla atang parang gusto kong manuntok ng pader!

Tapos ano daw? Tinawag niya kong minions? Tss. Iba na talaga ugali!

"Haynaku! Wag mo na nga pansinin yan Laureen! Tara na sa loob.",

Yun! Hinila na naman ako ni Tita papasok ng bahay nila pero di na ko nagpumiglas pa.

Nung dinaanan namin si Harry na nasa gilid ng pinto, tinignan niya lang ako sumula ulo hanggang paa.

Nakakainsulto naman yung ganun! Lalo na at lalaki pa tumingin sayo ng ganun? Para kang kinikilatis!

Pagpasok ko sa bahay nila, hindi pa man ako nakakalayo sa pintuan, napahilamos na ako ng mukha gamit ang mga palad ko.

Ang Kalat kasi! Puro magazines sa flooring at balat ng junkfoods. Sinasadya ba talaga niya toh dahil alam niyang darating ako? Oh imagination ko lang ito dahil ganiyan na talaga siya nagbago?

"Naku Harry kahit kailan talaga napaka-tamad mong lalaki ka!", naiinis na sambit ni tita Jez at niligpit yung kalat ni Harry.

Ito namang si Harry pumasok na dito sa loob at halata mong kababangon pa lang niya dahil gulo pa ang buhok niya at naka boxer shorts pa!

Hindi man lang nagawang mahiya sa harap ko!

"Hoy. Bakit ka nakatitig sakin? Alam ko namang gwapo ako babae kaya wag mo na ipahalatang masyado kang naga-gwapuhan sa tulad k--- aww! Aray! A-aray Ma!", pagyayabang niya pero bigla siyang piningot ni Tita Jez.

Till the End with You *ONGOING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon