"Oh! Asan na yung mga school supplies mo?" Tanung nya sa binata ng mapagtantong mga gamit nya sa pagpipinta ang bitbit nito.
Napakamot ito ng ulo. Hindi na ito tumingin sa kanya at basta nalang itinuro si Greg. Ang kaibigan nilang accountant at isa sa founding member ng org.
"Baka kasi mabitawan nya eh mga pintura to at brushes." Tipid na sagot nito at basta-basta nalang umalis at sinalubong ang papaakyat pa lang na mga kasama nila.
Napangiti sya ng de oras.
Alam ng binata kung gaano nya kamahal ang mga gamit nya kahit mukha ng hindi kamahal-mahal ang mga pagmumukha ng brushes nya dahil overworked na.
Walo silang founding members ng org.
At sa walong taon nila, marami na ring silang mga bagong myembro. May mga juniors na ang mga ito maliban sa kanya.
Siguro dahil mahirap rin ang pera sa mga katulad nya kaya walang nagkakainteres na sumali na katulad nyang artist. Kawang-gawa ang ginagawa nila. Wala na ngang sweldo, sariling pera mo pa magagamit kung minsan dahil sa kulang din ang pondo galing sa mga sponsors nila.
Sya ang gumagawa ng murals sa mga itinatayo nilang mini libraries. Sa kanya nakatoka ang pagpapaganda ng lugar at buildings dahil sa totoo lang, sya lang ang artistic sa boung grupo.
Kadalasan sa kanila ay mga guro, gaya ni Ryan. Meron silang mga accountants, engineers, business owners at ang natatanging couple na chef sa grupo.
Ginagawa nila ito dahil halos lahat sila, naranasan ang hirap ng buhay maikayod lang ang pag-aaral. Gusto nilang sa maliliit na paraan ay makatulong at makapag-inspire sila nga mga bata na mag-aral kahit gaano pa kahirap ang buhay.
"Isang batyang pawis ang naiwala ko paakyat meged!" Komento ni Marie ng makarating ang mga ito sa kinaroroonan nya. "Sasama na talaga ako sa inyo ni Ryan at Felix next time pag aakyat kayo ng bundok ng hindi naman mawindang ang beauty ko sa mga ganitong lakad natin." Anito.
"Wag na Mar' baka itapon lang kita sa bangin." Komento naman ni Felix habang humihingal pa. Nagtawanan ang lahat dahil totoong mareklamo si Marie. Lahat na yata ng immersions at maging gala nila ay mga reklamo ito. Pero kahit ganun ay ito pa ang unang naghahanap ng locations sa mga ganitong lakad nila.
Habang nakikitawa syay napansin nyang pumwesto si Ryan sa likod nya. Kahit hindi nya ito nakikita ay nararamdaman nyang andun ito. Alam nya dahil sa kakaibang tibok ng puso nya. Kahit kelan ay hindi pa sya dinaya ng dibdib nya.
Agad nyang naramdaman ang pagbukas ng bag nyang nakasukbit pa sa likod nya at ang paglitaw ng tumbler nya sa harap nya.
Walang sali-salitang kinuha nya ito at uminom.
"Felix, makiramdam ka rin katulad ni Ryan oh!" Angil ni Marie ng mapansin ang ginawa ni Ryan. Sa mga ganitong pagkakataon ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso nya. Kahit pasaring lang iyon ng mga kaibigan at laging dinadaan sa biro ay alam nya ang gustong ipahiwatig ng mga kaibigan.
"Manigas at manuyo ka dyan Marie." Pabirong sagot ni Felix.
Matapos makapag set-up ng tent ang mga lalaki sa labas ng lumang daycare center ng barangay na iyon ay naging abala na ang lahat para sa hapunan maliban sa kanya.
Isa sa mga maraming biyaya na hindi naibigay sa kanya ay ang abilidad sa pagluluto. Kahit itlog pa yan ay hindi nya mga iwasto-wasto sa pagluluto.
"Star, kausapin ka daw ni Sophie. Tutulong lang ako sa pagluluto." Tawag pansin sa kanya ni Ryan habang nililinisan nya ang loob ng daycare center.
"Mama Bituin, I got a star kanina kasi I help teacher pick some trashes outside." Dire-diretsong saad ng bata na naka high pitch pa. Ng mapatingin sya kay Ryan ay nakangiti ito dahil rinig na rinig ang matinis na boses ng bata kahit hindi naman naka loudspeaker ang phone.
"Really? Wow, what a very good girl." Sagot nya rito. Agad na sumenyas ang binata na lalabas na saka muling ngumiti.
Letseng ngiti na yan!
Sambit nya sa loob-loob.
"I miss you Mama Bituin. Hindi ka nag went dito kanina morning. I only saw, Mommy Marie, Mommy Samantha, Daddy Felix, ahmm-m Daddy Geeg too." Bumaba na ang pitch ng bata.
Halos isang buwan na rin silang hindi nagkikita ni Sophie dahil sa papalapit nyang art exhibit. Hinarangan ni Ryan ang bata sa schedule nya dahil alam nitong kukulitin sya ng sobra-sobra.
"Oh! I'm sorry Sophie. Mama Bituin is staying at her workplace kasi because of work."
Mama ang tawag sa kanya ng bata habang Mommy at Daddy sa mga kaibigan nila. Wala namang nagturo sa bata na iyon ang itawag sa kanya pero basta nalang sya nitong tinawag na Mama. At dahil sa loob-loob nya'y gusto nya kaya hinahayaan nya nalang rin at hindi na itinama ang bata.
"Yaahh! Papa told Lola Luz that you are very tired na daw and you didn't sleep properly na. I'm mad at your work na Mama Bituin. Bad na sya sayoo."
And who would not love this adorable little bear? Ang cute2x. Kung makapagsalita, akala mo sinong matanda. She may not know what Amanda's reason for leaving this child at maglaho nalang na parang bula pero she can't agree to the idea of leaving a child just like that.
"Mama Bituin? Take care kayo ni Papa at ni Mommy at Daddy ko na marami at ni Ate ko at Kuya ko na marami dyan ha. I wov you Mama Bituin. I'll sleep na because it good night na."
"Good night baby bear. I love you too." Sagot nya sa bata.
"Oh! Did Papa already say I wov you to y-y..."
"Heyy Sophie..." Agad nyang narinig ang nagbabantang boses sa background ni Mama Luz, ang mama ni Ryan bago naputol ang tawag.
Ano daw?