"Ano?"
Ano bang sinasabi ng binata?
"I am not Sophie's biological father." Sagot nito. Muling napaupo ang binata.
"Paanong nangyaring hindi ikaw ang ama ni Sophie? Ryan, what's going on?"
Three years old noon ang bata ng basta iniwan ni Amanda ito sa mga magulang ng binata. Andun sya ng datnan nila ng binata ang bata na natutulog sa sofa ng bahay ng mga magulang nito.
"I don't know how to tell you this Star..."
"Please tell me..."
Sophie is almost eight years old. What the hell's been going on sa ilang taon nito at nila na kasama ang bata kung hindi pala ito anak ng binata?
"She is Amanda a-and..." He paused while staring at her intently. Makikita sa mata nito ang pagdadalawang isip at takot.
"C'mon Ryan, spare me the suspense." Napapadyak na sya ng paa sa frustration.
Ano ba talaga?
"She's Johns' daughter?"
Agad na napakunot ang noo nya. "Sinong John?" Takang tanung nya.
Wala silang ibang kakilalang John maliban sa classmate ni Greg at sa ex nya. Hindi pwedeng si John na classmate noon ng kaibigan nila dahil bakla ito.
Then a realization hits her.
"Are you referring to John, my..."
"Ex."
Agad syang napaupo. Nilayasan sya ng lakas sa boung katawan na hindi nya mawari.
"Pero paanong...?" How come na ang ex nya ang ama ni Sophie?
"Graduating tayo ng ipakilala sa akin ni Amanda si John." Saad ng binata.
Ibig sabihin nun, mas naunang magkakilala si John at Ryan kesa sa kanya.
"Ng malaman ni John na kaibigan kita ay kinausap nya akong ilakad sya sayo. Di ako pumayag kasi hindi maganda ang loob ko sa kanya. That time I thought na dahil iyon sa nagseselos ako sa ideyang magiging boyfriend mo sya. Pero si Amanda ang naghanap ng paraan, hanggang sa naging kayo nga."
Oo, naalala nya noon na laging may magandang salita si Amanda patungkol kay John. Mabait naman sa kanya noon ang binata kaya binigyan nya ito ng chance.
"Nung sinabi ko sayong nakita ko si John na may ibang kasamang pumasok sa motel..." Agad syang tiningnan ng binata na nag-aalangan. Agad na napalaki ang mata nya.
Ibig sabihin, si Amanda ang babaeng nakita nito na kasama ni John?
"Si Amanda ang kasama nito." Kumpirma nito. Mas lalong kumabog ang dibdib sya sa mga nalaman.
"Ryan, why didn't you tell me?"
"I don't want you to get hurt..."
"Sa tingin mo hindi ko deserve malaman? Ryan, malalaman ko din naman." Hindi nya alam ang gusto nyang maramdaman sa mga nalaman. "Alam ba nila Greg ito?" Tanung nya sa muling nilingon ang binata. Nakaupo at nakayuko ito. Marahan itong tumango bilang sagot.
"So ako lang ang walang alam? Ginawa nyo akong tanga?" Mahina ngunit madiin nyang saad. Alam nyang mahal syang mga kaibigan pero hindi nya maintindihan kung bakit itinago ng mga ito sa kanya ang totoo.
Kaya pala kasabay ng paghihiwalay nila ni John noon ay naghiwalay din ito at si Amanda.
"Hindi ganun yun Star." Napatayo ito at hinawakan ang balikat nya. "I knew you would be much more devastated kung nalaman mong si Amanda ang ibang babae ni John. We knew how much you tried to be close to her kahit na tinatarayan ka nito. I can't imagine the pain you would feel lalo na pag nalaman mo nga ginawa nila iyon kasi..." Napatigil ang binata. Nakatitig lang ito sa kanya.
"Ryan, just tell me everything. Andito na tayo." Pakiusap nya. It's not like pag may malaman sya ay muling mapupukaw ang nararamdaman nya sa dating kasintahan.
Noon pa man ay alam nyang hindi naman ganun kalalim ang pagmamahal nya kay John. Talagang nasaktan lang ang pride nya noon sa nalaman kaya nagmukha syang depressed pagkatapos ng break-up nila.
"I appreciate that you want to protect me that time pero I also deserve to know the truth."
Napabuntung-hininga ito. Saka inalalayan syang muling umupo.
"Before you and John met, nalaman ni Amanda na..." Nagdadalawang-isip itong sabihin sa kanya kaya hinawakan nya ang kamay nito.
"Let me know our truth Ryan."
Nang lingunin sya ng binata at bakas sa mukha nito ang paghihirap ay marahan nya itong nginitian saka tinapik tapik ang kamay nito.
She knew he meant no harm. Hindi naman talaga sya galit na hindi nito sinabi sa kanya ang totoo. Siguro ay galit sya na hindi nalaman mula pa noon ang totoo kasi kung nalaman nya, baka ay mas naging mas malakas ang loob nya para kay Ryan dahil alam nyang wala syang masasagasaan, lalo na nung akala nya ay muling nagkabalikan ang dalawa ng muling bumalik si Amanda.
"Alam ni Amanda na ikaw ang totoong mahal ko."
"Ryan..."
"Kaya natatakot akong sabihin sayo kasi kung tutuusin, ako ang may kasalanan ng lahat. Alam naming niligawan ka lang ni John dahil sa utos yun ni Amanda. She blackmailed the whole gang na pag nakipag break ako sa kanya ay sasaktan ka nya emotionally." Muli, isa-isang pumatak ang luha sa mga mata nito.
"I don't want you getting hurt Star. Who knows what Amanda can do to you."
Naiintindihan nya dahil alam niya kung gaano ito kagaling magpanipula ng tao at sitwasyon.
"Tingin mo hindi ko sya kakayanin Ryan?" Tanung nya. Agad na napalingo ang binata.
"No, no. Hindi ganun ang ibig kong sabihin Star."
Agad nyang niyakap ang binata. "Bakit ba naging mahina tayo mula pa noon Ryan?" Tanung nya. Agad na sinagot sya ng binata ng isang mahigpit na yakap.
"Baka kung sinabi mo noon pa man, baka naging mas malakas ang loob kong ipaglaban yung nararamdaman ko sayo. Alam mo naman na diba?"
Agad syang bumitaw sa binata.
"Mula noon hanggang ngayon, ikaw ang mahal ko."
Ang gaan sa pakiramdam ng harap-harapan nyang sinabi ang isang bagay na higit isang dekada nya ng gustong sabihin sa binata.
Natagpuan nya na lang ang sariling nakapikit habang ramdam ang mga labi ng binata sa labi nya.
Napakasarap sa pakiramdam. Ito ang halik na pinapangarap nya mula pa noon.
"I'm sorry for being such a coward Star." Saad nito ng matapos ang pinagsaluhan nilang halik.
"And I'm sorry if I will not take this feeling of ours any further Ryan." Saad nya.
Agad na napakunot ang noo ng binata.
"Sa ilang taon Ryan, I think I'll need.. I think we need to think things again."
Nasa mukha ng binata ang pagtataka.
"We've been walking the same road for years pero we've never ever cross that road and met halfway. Sa tagal at sa haba ng nilakad natin ng sabay pero hindi magkasama, I think it's best for us to think things much more deeply." Agad nyang inabot ang dalawang kamay ng binata. "Are we really ready to cross our road? Are we really ready to take the risk na never nating ginawa sa ilang taon na mahal natin ang isat-isa?"
"Star, I know I'm sure. I love you."
Napakagandang pakinggan.
"I know, and I love you too Ryan. But I need to think all this too. Yung ako lang. Kasi I'm sure that I love you mula pa noon pero hindi laging tama yung pagkakataon. I want this time to be sure. Is this time, our time?"