Confessions

5 1 0
                                    

"S-star..." Muli syang tinampal ng dalaga.

"Shhh..." Ang naging tugon nito sa kanya.

"Akalain nyong 12 years ko na syang mahal?" Saad nito saka muling humalakhak. "12 years na akong kinakabahan pag andyan si R-ryan." Naging pabulong ang pagsasalita nito saka muling nagpalinga-linga.

"Bakit ka kinakabahan?" Tanung ni Marie.

"Aba ewan..." Ipinukpok nito ang sariling kamay sa dibdib nito. "Di naman ako ganito kay Simon at John nun."

"At ni Albert?" Tanung Reymar, patungkol sa ex nito nung 2nd hanggang 3rd year college palang sila.

"Si Albert?" Muli itong humalakhak. "Hindi ko boyfriend yun. Hindi nyo alam?"

Agad syang napalinga sa mga kasama. Kita din sa mga mukha ng mga kaibigan ang pagtataka.

Hindi nito naging boyfriend si Albert?

Pero akala ko...

"A-ahh o-oo, hindi ko pala nasabi kasi iyang si R-ryan, naunahan ako n-nung nasa Novaliches t-tayo." Yumuko ito at napansin nya ang pagkinang ng mga mata nito.

Umiiyak ito.

"Pinakilala nya si A-amanda satin nun." Saad nito saka humagulhol.

Hindi nya na mapigilan ang sarili at agad na niyakap ang dalaga. Para syang binagsakan ng napakaraming malalaking bato sa nalaman.

All this time?

All this time when he thought he didn't have a chance from the start, na akala nya kailangan nyang ibaling nalang sa iba ang pagtingin dahil akala nya kaibigan lang talaga ang turing ni Star sa kanya noon.

"H-hoyy, ano ba" napatawa ang dalaga habang pinipilit na kinakalas ang mga yakap nya. "Baka makita tayo ni Ryan, o-oh shit!"

Napalaki ang mga mata nito ng mapagtantong sya ang kayakap nito.

"K-kanina ka pa andyan R-ryan?" She cracked her voice while asking him. He nodded while sadly smiling at her.

"Oh shit." Napayuko ito pero imbes na  tumakbo palayo ay isinandal nito ang ulo sa dibdib nya habang tutop ng mga kamay nito ang sariling mukha. "How much did you heard?" Tanung nito.

Muli, niyakap nya ng mahigpit ang dalaga. "I was here from the start."

Napahagulhol ang dalaga sa loob ng bisig nya.

They are standing there in the middle of a shocked friends under the starlights.

It's time to face his fears. He forgot that Star have her own fears too yet she faced it unintentionally tonight.

Marahan nyang hinahagod ang likod ng dalaga. Humihikbi pa ito.

Matapos ng nangyari kanina ay iniwan sila ng mga kasama para makapag-usap.

"Tubig pa oh! Inom ka pa." Saad nya sa dalaga. Tumalima naman ito at agad na tinungga ang tumbler na dala-dala nya.

Kasalikuyan silang nasa pwesto kung saan nila inaabangan ang pagsikat ng araw. Ngayon, puro bituin at ilaw mula sa kabayanan at sasakyan sa baba ang nakikita nila. Malamig ang simoy ng hangin.

Agad nyang inayos ang kumot na ipinulupot nya sa dalaga kanina.

"Aren't you gonna ask me?" Basag ng dalaga sa katahimikan.

Sa totoo lang, kinakabahan sya. Sa tanang buhay nya, ngayon lang sya kinabahan ng ganito katindi.

"I'm sorry!" Amg tanging nasambit nya.

Agad syang nilingon ng dalaga. Kita sa mga mata nito ang pagtataka at pagtatanung. "For what?" Tanung nito.

"For being such a coward. I'm sorry I didn't know that from the start, I've been hurting you so badly. I am sorry I didn't know." Hindi nya napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata nya.

Kung alam nya lang mula pa sa umpisa, kung sana naging matapang lang sya.

"R-ryan, I, I feel inlove with you and i choose to still love you. Freewill ko lahat yun. Nung nasasaktan ako, kagustuhan ko yun kasi sinunod ko yung puso ko. Walang pumilit. Dahil sa akin yun, wala kang kasalanan."

"Star, I loved you even before who got to formally introduced to each other."

Muli syang nilingon ng dalaga. Nakakunot na ang kilay nito.

"Nakita kitang tinulungan noon ang isang pusa na tumawid ng kalsada. I've really wanted to talk to you that time but before I got close, sinalubong ka ng halik sa noo ni Simon."

Naaalala nya pa kung paanong parang dinurog ang puso nya noon ng makita ito at ang dati nitong nobyo noon.

"Ni hindi ko alam ang pangalan mo noon pero para akong dinaya noon ng panahon at pagkakataon sa nakita ko. Ang sakit sa dibdib." Agad nyang pinahid ng braso nya ang mga luhang pumapatak.

"Ryan.."

"I loved you exactly, 14 years ago Star. Third year pa tayo nun."

"I-i, I don't have any idea R-ryan."

Mapait syang ngumiti. "Hindi naman ako gago. Kahit alam ko sa loob2x ko na gusto kong sana maghiwalay kayo ni Simon, nakikita ko noon na masaya ka. Ng magkita ulit tayo nung 1st year college tayo at kayo parin, nasabi ko sa sarili ko na, kailangan ko ng isuko yung nararamdaman ko sayo." Agad nyang kinuha ang kamay ng dalaga at agad iyong hinipan. Nanlalamig ito.

"Kaya nung ipinakilala mo sa amin si Annie at ng magpakita ito ng interes sa akin ay sinabi ko noon sa sarili ko na baka sya na yung, ibibigay sakin ng pagkakataon na maaring makapagpalimot sa akin na mahal kita. Alam kong mali ako sa rason kong iyon." Agad nyang tinitigan ang dalaga sa mga mata nito.

Umiiyak ito ng tahimik habang nakatingin rin sa kanya.

"Mabait si Annie. Sa maikling panahon ay minahal ko na rin sya dahil kamahal-mahal naman talaga ito. Pero ngayon ko lang naiintindihan  ang mga sakit sa mga mata noon." Ninagkan nya ang mga kamay nito. Ayaw nyang marinig ng dalaga ang pagpiyok ng boses nya.

"R-ryan..."

"Masakit sa akin nung nalaman ko na naghiwalay kayo matapos lang ang isang buwan na naging kami ni Annie. Ang daming 'kung sana' sa isip ko nun Star." Hindi nya napigilang humagulhol. "Kung sana naghintay ako. Kung sana hinintay ko na baka merong tayo. Na baka may pag-asa ako. Na baka tayo naman pala kasi my intentions were pure."

Niyakap sya ng dalaga.

"Kung kelan handa na akong kalimutan ka. Pero Star kahit kelan, hindi ka nakalimutan ng puso ko. Kahit minahal ko si Annie at Amanda, palaging may Star sa puso ko."

"Sorry R-ryan. I didn't know you were also hurting. Akala ko ako lang noon. Akala ko, habang tanaw kita noon na kasama si Annie at nung si Amanda, akala ko ako lang yung nasasaktan." Hagulhol na saad nito.

Agad nyang hinawakan ang mukha ng dalaga.

"Shh... Wala kang kasalanan. Hindi tayo napagbigyan ng panahon sa loob ng napakaraming taon. Ang naging kasalanan natin ay naging duwag tayo . Naging duwag ako Star."

Napakahirap pag kalaban mo ang pagkakataon at oras. Napakahirap magmahal na nagbabase ka sa akala mo. Kung siguro naging matapang lang sya noon. Kung siguro naghintay lang sya noon at hindi sumuko sa paghihintay, kung sana sinabi nya at hindi sya natakot, baka hindi na sya umabot pa sa mas malaking 'kung sana' ng buhay nya ngayon.

Road WalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon