History

13 4 11
                                    

Walang mapagsidlan ang kaba nya habang papalapit si Ryan sa kinauupuan nya.

Nasa isang immersion sila sa isang liblib na bayan ng San Nicolas.

Dala-dala ng binata ang isang malaking bag at kahon ng mga educational at art supplies para sa mga mag-aaral sa barangay na kinaroroonan nila.

They've been a part of this program for 8 years dahil sila at ang anim pa nilang kasamahan ang founding members ng PADAYON.

Aside from the 8 years of being in the organization, magkakaibigan sila mula pa 3rd year college pero sa hindi malaman-lamang rason ay palagi parin syang kinakabahan tuwing nasa malapit o tuwing sila lang dalawa ni Ryan.

They've known each other for 12 long years. First year college palang sila ay magkakilala na sila. Not exactly friends in definition but also, not stranger.

The first time they met in a group study for a minor yet toxic subject, alam nyang may iba na sa kanila.

Pareho silang awkward sa isat-isa. Alam nyang hindi lang sya ang nakakaramdam nun dahil ramdam nya rin ang awkwardness mula sa binata.

"Star, na'sayo ba yung camera ko?" Tanung nito saka nilapag ang dala sa paanan nya.

"Oo, nasa bag ko." Tipid nyang sagot.

Ganun sila. Yung walang salitaan pero  parang alam na alam na nila ang gustong sabihin ng bawat isa.

Kanina, habang nasa kotse sila ay basta nalang nitong inabot sa kanya ang camera at gamit nitong personal ng hindi nagsasalita. Tahimik nya ring itinabi ang mga ito na animo'y alam na alam nya ang ginawa.

Hindi na nakikialam ang mga kaibigan nila dahil ng minsan silang tinukso, dalawang boung buwan silang nag-iiwasan. Nasanay nalang din siguro ang mga ito sa galawan nilang maski sila ay hindi din maintindihan.

Oo, mahal nya si Ryan, matagal na, pero laging hindi nagtutugma ang panahon nilang dalawa.

Nung magkakilala sila ay may kasintahan sya habang naging girlfriend nito sa Annie isang buwan matapos nyang ipakilala ang kaibigan sa study group nila. Dahil sa alam nyang lolokohin nya palang lalo ang nobyo nya noon ay honest syang nakigpag hiwalay rito. Hindi sya naghahangad noon na magiging sila ni Ryan, ayaw nya lang talaga na lokohin ang dating nobyo dahil alam nya na hindi na ito ang tinitibok ng puso nya.

3rd year na sila ng maghiwalay si Ryan at Annie. Hindi nya din maintindihan kung bakit dahil parehong compatible ang dalawa at higit sa lahat, napakabait at understanding na nobya si Annie.

Ng mga panahong yun ay may matagal na syang masugid na manliligaw, si Albert. Wala na syang mahihiling rito dahil pasok ito sa ideal man type nya. Akala na nga ng lahat ay sila na pero hindi dahil alam ni Albert kung sino ang mahal nya.

Nung sana ay sasabihin nya at iklaru sa bagong boung barkada na hindi naman sila ni Albert ay naunahan sya ni Ryan. Ipinakilala ng binata sa barkada ang bago nito, si Amanda.

Isang boung buwan rin syang halos walang tigil sa kakatanggap ng commisioned paintings noon para lang iwasan ang binata dahil nasasaktan sya kahit hindi naman dapat.

Ng makagraduate sila at agad na maitatag ang PADAYON ay nagpapakita lang sya tuwing meetings for immersion at sa immersions nila mismo. Naging abala na rin kasi sya sa trabaho bilang isang professor sa isang art school nga kasisimula lang rin.

There she met John. Isa rin itong artist na kagaya nya. Ang alam nya ay kaibigan din ito ni Amanda.

Hindi boto ang boung barkada kay John at hindi nga ito nagkamali dahil mismong si Ryan ang nakahuli na may imino-motel na pala itong ibang babae. Ng mga panahong iyon ay nag-break rin ito at si Amanda.

She was devastated at that time. The whole gang was there pero mas lalo na si Ryan. Ito ang dumamay sa kanya sa mga panahong alam nyang hindi ang puso nya ang nasaktan sa panloloko ni John kundi ang ego nya.

Naging magkadamay sila sa mga pinagdadaanan nila noon.

Ryan was there when she was in her lowest at that season of her life and he was there in every victories she had.

Yung akala nyang papunta na sila sana sa matagal nya na ring pinapangarap ng lihim, biglang dumating si Sophie. Ang cute ang magandang bata na basta nalang iniwan ni Amanda sa mga magulang ni Ryan, claiming that Sophie is Ryans' biological daughter.

There she realized that maybe, they are not just meant to cross the path of romance. Maybe, they were friends because they are meant to be friends.

Road WalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon