Boung gabi na hindi lumabas si Star sa tent nito. Hindi nga ito kumain ng hapunan kasabay nila.
Kilala nya ang dalaga. Nagtatago ito pag napapahiya ito o nahihiya ito. Hindi naman sya nag-alala dahil napansin nya ang ilang supot ng bake ensaymada sa basurahan nito sa labas ng tent kaya alam nyang busog itong natulog.
Star is a brave woman only in some instances. If it is school related then nawawala ang hiya nito sa katawan. Ibang Star naman ito tuwing nagpipinta.
For the past years after college, Star did a good name on her own in the art industry. Kung tutuusin nga, ito ang pinaka successful sa kanilang lahat yet Star will always be the Star he/they know once she is out in her game.
She's a soft spoken woman. In his eyes, she's like a fragile woman but she's not. Nasa personalidad lang talaga ng dalaga ang pagiging napa introvert lalo na pag kasama nito ang boung barkada.
It is like, she is the real Star whenever she is silent, she is afraid or she is shy.
She's different from anyone else. She is his star. She may not be aware but she always shines and make his life better.
He never saw that judgement in her eyes when she knows he had a daughter. He never saw her judge him or their friends because of all the chaos they have made.
"Hey." Pukaw pansin ni Rona sa kanya habang pareho nilang tinatanaw ang dalagang natutulog sa upuang dati nilang inuupuan tuwing ganitong nagbubukang liwayway. "We just have to let her be right?" Tanung nito.
Napatango lang sya.
"Dating gawi Rons, dating gawi."
Boung araw nyang dinistansyahan ang dalaga. Kahit napakaabala nila sa araw na yun ay palagi paring sumasagi sa isipan nya ang mukha nito kagabi. Ang magaganda nitong mata na nangungusap sa kanya.
Maraming tao ang hindi naiintindihan ang sitwasyon nila ng dalaga. Maybe he is one of them too.
Pero kasalanan nya naman kasi. Kung sana nagkaroon lang sya ng lakas ng loob. Kung sana matapang sya at kung sana kaya nyang harapin lahat ng hindi nya masasaktan ang dalaga.
"Greg, I've already finished everything. May be tomorrow, I should head back first. Kailangan ko pa kasing asikasuhin ang mga paintings ko para sa exhibit." Rinig nyang saad nito.
When he looks at her, she was also there looking at him. Slightly smiled lips but apologetic eyes.
She smiled!
Ng gabing iyon ay muling nakisabay sa kanila ang dalaga. She even sat on his side when they are eating their dinner.
Kung pwede lang tumambling mula sa tutok ng bundok pababa dahil sa tuwa ay ginawa nya na.
It only took 24 hours for her compared to the several months na pag-iiwas nito sa tuwing dumadating sila sa mga ganung sitwasyon.
Isang masayang kwentuhan ang naganap matapos nilang maghapunan kasama ng mga residente sa lugar na iyon. Matapos magsiuwian ng mga ito ay agad na nahagikgikan si Reymar at Donnie habang nilalabas ang isang mild drink.
And what really surprises them is for the first time, uminom si Star.
May pagtataka man sa kanilang lahat ay hinayaan nalang nila ito dahil sa tapos na rin nan ito sa trabaho nito sa immersiong iyon.
Nakakadalawang baso pa lang ito ay kakaiba na itong magsalita at basta-basta nalang kung humagikhik.
"Don, wag mo ng bibigyan." Saway nya sa kaibigan.
"Oyy! Wag ka-ang KJ R-yan ahh. Maglalaro pa tayo..." Saad nito saka nagpalinga-linga. "...ng iy-yan..." Saka itinuro ang isang bote ng wala ng laman na inumin.
Wala ni isa sa kanila ang lasing kasi napaka mild lang ng inuming iyon, pero dahil sa hindi pa umiinom si Star ng kahit anong may alcohol content, ay mabilis ang naging tama ng inumin rito.
"S-spin daa bo-ttle. Ako una magtatanung." Anas nito saka mabilis na pinaikot ang bote.
Agad na naging taya si Donnie.
"Donss' why so fuckboy? Bad iyan." Naging tanung ng dalaga na agad namang ikinahalakhak nilang lahat.
Hindi pa man kelan nagtanung si Star kay Donnie sa pagiging babaero nito. Lagi lang nitong pinapaalalahanan si Donnie sa importansya respeto sa babae. Palagi iyon, paulit-ulit.
Naging masaya ang naging gabi nila. Pero nakasimangot na ang mukha ni Star kahit kelan hindi pa ito nagiging taya.
"Anu ba yan? Matutulog nalang ako. Ayaw sa akin ng bote na yan." Himutok nito.
Akma na sana itong tatayo paalis ng bigla itong pinigilan ni Reymar.
"Ito na Twinkelers! Tanong nalang kita, no bottle na." Saad nito saka napadako ang tingin sa kanya.
Agad nyang dinilitan ito ng mata.
Alam nya ang ibig nitong gawin.
"Ayy g-gusto ko iyan." Tili naman ng dalaga saka muling umupo sa tabi nya. Kinakabahan sya sa mangyayari.
"Okay Bituin. Ano si Ryan sa buhay mo?" Dire-diretsong tanung ni Reymar. Agad na napatahimik ang lahat pati na ang ibang volunteers na nandun. Lahat ng mga ito ay nasa kanila ang boung atensyon.
"Reymar naman..." Puna nya ng bigla syang tinampal ng dalaga.
"Shhh... Quiet ka lang dyan, baka marinig tayo ni Ryan." Saad nito saka humagikhik.
Siguro dahil sa madilim ang pwestong kinauupuan nilang dalawa kaya hindi sya nakikita ng lasing nang dalaga.
"S-secret lang ito guys-s ahh!" Muling saad nito saka lumingon-lingin na animo'y hinahanap sya. Nakalimutan nitong sila ang magkatabi mula pa kanina.
"Mahal k-ko sya, akalain n-nyo yun? Pirstyeeer college pa. Si Annie naman kasi, alam l-lang na c-crush ko si Ryan, jinowa nya a-agad. Kasalanan ko naman, may boyf-friend akong tao, na fall ako kay R-ryan. Alam nyo yun?"
Agad na napalingo ang mga kaibigan nila.
"Buti nga naintindihan ako nun ni Albert ng makipag..." At sumenyas itong may sumasabog gamit ang dalawang kamay. "...break. Alam nyo bang sila na nun ni Annie?" Muli itong napahalakhak.
"Sakit nun nuh. Mahal nila ang isat-isa at ako nandun din, nagmamahal ng patago. Sana all Annie!"
Napatanga nalang sya sa narinig.