The fear of being

2 0 0
                                    

Kung ilang minuto sila sa ganung posisyon ay hindi nya alam. Basta ang alam nya lang ay kahit na masakit ang ulo nya mula sa alak na nainom at sa iyak nya ay magaan ang pakiramdam nya. Kung dahil ba sa lahat ng nalaman nya o dahil sa init ng yakap ng binata para sa kanya ay hindi nya alam.

Napakagaan sa pakiramdam ng yakap at haplos ni Ryan sa kanya. It is like she is finally home. His embrace feels like home.

Sophie!

Agad syang napabitaw sa binata ng maisip ang bata.

Hindi pwede. Hindi maari.

"Star? Bakit?" Marahang tanung ng binata sa kanya. Ramdam nya na sa bawat hagod ng mga daliri nito sa kamay at pisngi nya ang pagmamahal.

No!

"Heyy!" Kita sa mukha nito ang pagtataka.

Kahit gaano nya kagustong maging kanya ang binata ay hindi pwede. Hindi nya pwedeng ilayo kay Sophie ang pagkakataon na pagdating ng tamang panahon ay muling mabobou ang pamilya nito.

Uuwi ulit si Amanda. Pag magaling na ito ay babalik din ito sa mag-ama nito.

Hindi nya pwedeng kunan ng masayang pamilya ang bata dahil sa mahal nya si Ryan at alam nyang mahal din sya ng binata.

"Si Sophie R-ryan..." Muli syang napahagulhol. "Si Amanda. Oh my god!" Mabilis syang kumilos at tumayo upang makalayo sa binata.

"Ano bang pumasok sa isip ko?" Himutok nya sa sarili.

"Hey! Star." Agad syang hinawakan ni Ryan ng magtangka syang umalis.

"No Ryan, this is not right. Oh please Amanda, I'm so sorry." Hindi na matigil ang luhang pumapatak mula sa mga mata nya. "Ryan no. Si Amanda, si Sophie, masasaktan ko sila. This can't be Ryan. I'm not a home wrecker. We can't love each other. Masasaktan natin sila."

Agad syang niyakap ng binata pero pilit syang kumakalas.

Yes, masaya sya sa nalaman nyang mahal sya ng binata. Mas nauna pa itong mahalin sya kaysa sa kanya. Masaya syang malaman na all these years, kahit nung iniwan ito ni Amanda at bumalik ito, mahal parin sya ng binata.

Masaya syang may katugon ang pagmamahal nya sa taong alam nyang boung buhay nyang mamahalin.

But she is not selfish. Hindi pwede. Hindi na pwede. Babalik si Amanda. Babalikan noto ang mag-ama nito. Nagpapagamot lang ito sa Amerika pero babalik ito sa piling ng pamilya nito.

Hindi nya pwedeng nakawin kay Sophie ang pagkakataong mabou muli ang mga magulang nito at lalaki itong may mga magulang na kasama.

She should know better. Iniwan sila ng papa nya para lang sa ibang babae nito. Alam nya ang pakiramdam ng walang ama na kasama.

"Ryan, ayokong maging kagaya ni papa at ng kabit nya. Ayokong maranasan ni Sophie lahat ng naranasan ko."

"Star..."

"No Ryan..."

"Star, just listen. Please, just listen..." Nakahawak na si Ryan sa mukha nya habang hinagkan sya sa noo.

"Star, Sophie is not my daughter."

What?

Road WalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon