Sunrise

9 4 11
                                    

"Hey!" Pukaw atensyon ni Ryan sa kanya. May dala-dala itong dalawang umuusok na mug at agad nitong inabot sa kanya ang isa.

"Good morning" bati nya rito.

Nag-aagaw palang ang liwanag at dilim sa lugar na iyon at dahil nasa tuktok sila ng bundok ay kitang-kita ang mga ilaw sa kabahayan sa paanan ng bundok na unti-unting namamatay.

Isa sa gusto nila sa ginagawa nilang ito ay ang presko at malamig na hangin na hindi nila nakukuha sa syudad.

Tahimik na tumabi ang binata na may saktong distansya sa kanya. Papasikat na ang araw dahil sa unti-unti ng nagkukulay dilay na kahel ang silangan.

Kaya madalas sila at kasama si Felix sa mga pag-akyat ng bundok dahil sa mga ganitong tanawin. Sa kanilang magbabarkada ay silang tatlo lang ang mahilig sa nature. Ang iba nilang mga kaibigan ay masyadong wili sa city life pero hindi naman ito maarte lalo na pag ganitong nasa immersions sila.

Aside from being a teacher, Ryan is a passionate photographer at laging sa binata sya kumukuha ng reference photo sa mga pinipinta nya.

"Smile!" Saad nito. Hindi pa sya nakakalingon ay narinig na nya ang click mula sa camera nito.

Agad naman syang ngumiti saka nilapit sa mukha nya ang kapeng dala nito.

Without favouritism ay ito ang paborito nyang gumagawa ng kape. Hindi lang naman sya nag-iisa dahil ang boung org. ay ito ang paboritong taga-gawa ng kape.

"Akin na yan. Kuhanan ko kayong dalawa." Agad na saad ni Reymar na kanina lang ay nakikipaghagikhikan kasama ni Marie habang nag titiktok sa may damohan.

"Usog Ryan. Nakakaloka, 10 years na tayong fwendsip di pa rin kayo mapagdikit." Himutok nito habang ininawasiwas ang animo'y beauty queen na kamay.

Wala silang nagawa ni Ryan kundi ang magdikit at ngumiti sa camera. Ramdam nya ang pag-init ng pisngi kahit napakalamig ng paligid.

"Perfecto" Saad nito at muling inabot pabalik kay Ryan ang camera. Muli itong bumalik sa pwesto nila kanina ni Marie at muling tinuloy ang naudlot nitong sayaw kanina.

Muli, isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa kanilang dalawa.

Halos hindi sya makahinga ng maayos dahil sa nasa tabi at nakadikit pa rin sa kanya ang binata. Ito yung pakiramdam na hindi nya mawari pero gusto nya.

She's chaotically in peace with him sitting with her.

She may not understand what they are but she is happy being with him. Hindi sya nanghahangad ng kung ano man para sa kanilang dalawa.

She understands that there are things in life na hindi pwedeng ipilit kahit hindi pa man nasusubukang ipilit. Siguro sadyang ganun ang nakatadhanang mangyari sa kanila ni Ryan.

There were times in the past that she knows he tried to walk pass the boundaries they have but end up not walking through it dahil sa palaging hindi akma ang pagkakataon.

When before she wished that she and Ryan would end up together, ngayon ay mas naiintindihan nyang baka hanggang magkaibigan lang silang dalawa.

She knows Ryan treated her differently compared to their other female friends. Hindi sa pag-aassume pero ramdam nya ang kaibahan ng tingin nito sa kanya kesa sa iba yet Ryan never tried to cross that line she hoped he would cross.

She is at the point of her life that being with Ryan as a friend is more important than risking the path of romance na hindi nila alam kung sila hanggang sa dulo.

May ganun nga siguro talaga. You both know that you love each other pero masyado lang kayong takot dahil sa palagi kayong bigo tuwing sinusubukan nyong humakbang patungo sa isat-isa.

Road WalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon