Aiden POV
DALAWANG LINGGO na ang nakakaraan pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na wala na kami ni Alexa dahil sa walang basehan na balita at simpleng pictures nung COB party."Hey! Men, wag ka nang malungkot diyan dahil marami pang babae na mas deserving sayo!" Sabi ni Chase. Habang nasa bar counter kami at umiinom ng hard drink dahil sa totoo lang masakit pa rin ang nangyari saamin ni Alexa. Lalo na nung nakipag break siya saakin sa harap ng maraming tao
"Pre, iba si Alexa. Alam mo naman kung gaano siya ka-impluwensya diba?" Sabi ko. Kaya narinig ko ang buntong hininga niya, "so, anong plano mo? Alam mo naman mahirap suyuin si Alexa. Lalo na sa nangyari sainyo ngayon...halos kalat na break up video nyo sa school" sabi nito. Napabuntong hininga na lang ako at uminom
Maya-maya dumating na rin sina Niero, Nathan at Nash. Kaya mas naging masaya pa ang inuman namin dahil sa mga drinks na i-order ni Niero. "Nga pala, bago tayo magkalimutan dito. Meron akong ipapakilala sayong babae" sabi nito. Kaya napuno ng sigawan ang pwesto namin. Lalo na nung pinakilala na niya saakin ang babae
"Meet Sabrina, matagal ka na yang gustong makilala" sabi nito at pinaupo pa nito sa tabi ko. "Pre naman, alam mo naman na may issue pa ako sa school eh!" Pero tila wala ito narinig at patuloy lang ito sa paginom
"Okay lang yan, Aiden!" Singit ni Nathan. Kaya wala akong nagawa kundi kausapin ang babaeng katabi ko. Wala naman masama kung kakausap muna ako sa ibang babae diba?
Bumalik lang ako sa realidad nung marinig ko ang bulong niya sa tenga ko na mas lalo nagpainit ng nararamdaman ko. "Labas tayo" kaya nagpaalam agad kami kina Niero pero napatigil kami sa paglalakad nung makita ko ang isang babae na pasuray-suray maglakad. Mukhang hindi siya sanay magsuot ng heels
"Bakit siya nandito?"
"Ola! Sabi ko na nga ba dito kita makikita" sabi nito. Kaya narinig ko ang ilan bulungan ng mga kaibigan ko sa likod ko. "Anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang suot mo" tanong ko pero imbes sagutin niya ang tanong ko tumawa na lang siya
"Overprotective ka naman, bro! Bakit ikaw lang ba ang pwedeng pumunta sa bar!" Sabi nito. Napatango na lang ako dahil may point naman siya. Hindi lang kasi ako sanay na makita siya dito sa bar dahil napaka homebody nito.
"Nga naman, anyway, meet my friends...si Chase at ang Othello Cousins...sina Niero, Nathan at Nash" pakilala ko. Kaya isa-isa niyang kinamayan ang mga ito, "hey! nice to meet you! eh, sino itong babaeng kasama mo?"
"S-Si Sabrina, f-friend ko rin"
"Hi, Nice to meet you!"
"Finally, nakilala ko na rin ang mga kaibigan mo. Anyway, my name is Alyana. Aiden's elder sister" kaya halos napanganga ang mga ito nung marinig nila ang sinabi ni Ate
"Elder Sister? Diba siya yung kasama mo nung COB party nung last week?!" Singit ni Nathan. Tumango ako, "tama ang narinig nyo, she's my sister. Ayaw nyo kasi maniwala saakin eh!" Maktol ko.
"Teka, meron ba ako hindi alam? Aiden"
"Marami po kasing nakakita sainyo nung COB party last week. Kaya akala ng iba 'other girl' kayo ni Aiden dahil marami ang hindi nakakaalam na may kapatid si Aiden" singit ni Nash. Kaya napatakip ito ng bibig
"Seriously?!"
"Yes, ate. Naging blind item ako nung valentine's day at ayun ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Alexa" sabi ko pa. Kaya napaupo na lang siya at nagulat ako nung inubos niya ang bote ng beer na nasa lamesa. "Ate!"
YOU ARE READING
Dakilang third wheel
RomanceAnong magagawa ng fake news? Well, diyan lang naman nagkilala sina Cezanaih Cassidy na isang writer/leader ng Journalism Club at si Aiden Delgado na isang varsity player at heartthrob sa St. Fatima College. "Fine, hindi ko itutuloy ang binabalak k...