05

9 1 0
                                    

>"Simple, Be my girlfriend"

>"Pagisipan mo ang sinabi ko, Cezanaih. Pareho tayo magbe benefit sa deal na ito"

Ayan ang katagang ilan araw nang gumugulo sa isip ko. Halos mabaliw na ako kakaisip sa punyetang deal na yan. "Nak, ayos ka lang ba?" Tanong ni Papa. Habang kumakain kami kasama ang dalawa kong pinsan na sina Lexi at Seth.

"Ayos lang po ako"

"Are you sure, naih?" Tumango ako at pilit akong ngumiti dahil ayokong mag-alala si Papa sakin dahil masyado na siya maraming iniisip sa trabaho niya. "Anyway, kamusta na ba yung issue nyo sa club?"

"Okay na po yung issue, tito. Nalaman na namin kung sino yung sumabotahe sa club namin" sabi ni Lexi. Napatango na lang ito at napangiti. "Mabuti naman kung ganoon, basta kapag kailangan nyo ng legal action tungkol sa taong sumabotahe sainyo, tawagan nyo lang ako" sabi nito at kinuha nito ang chapa at sumbrero nito

"Salamat po ulit, Tito"

"Anything, siya, aalis na ako at marami pa akong aasikasuhin na kaso sa office" sabi nito at hinalikan niya ako sa noo at saka, daling-dali umalis. Kaya kami na lang tatlo ang natira sa mesa. "Ano nakapag desisyon ka na ba sa offer na binigay ni Aiden?"

Umiling ako, "ewan ko kung tanggapin ko pa ba yung alok niya saakin. Lalo na hindi natin siya kilala. Baka mamaya may gawin na naman siya saatin" sabi ko. Habang nilalantakan ko ang tsokolate na binigay nila saakin pang tanggal umay. "May point ka, pero nakita mo naman yung ginawa niya nung last monday. Diba, lumuhod pa siya para mapatawad mo lang siya"

"True, talagang nawindang ako nung ginawa niya yun. Besides, nag promise siyang tutulungan niya tayo ayusin yung system natin diba?" Singit ni Seth. Kay mas lalo pati ako naguluhan dahil nagtatalo ang puso ko at isip ko dahil pareho silang may point. "Eh, paano sila Kiella, Eloisa, Ken at Andrei. Alam kong magagalit sila sa gustong mangyari ni Aiden"

"Nako, si Andrei lang naman ang against!"

"Korek ka diyan! Halata naman may gusto sayo si Andrei" napailing ako dahil grabe ang pagshi ship nila saamin ni Andrei kahit totoo naman ay magkaibigan lang kami

"Napasok nyo na naman yung tungkol kay Andrei" sabi ko. Kaya natawa na lang yung dalawa, "pero nasa sayo pa rin ang desisyon kung papayag ka sa gusto ni Aiden or hindi. Basta kahit anong mangyari nandito lang kami ni Seth" sabi ni Lexi. Ngumiti ako dahil malaki pa rin ang tiwala nila saakin

Napatigil naman kami sa paguusap nung biglang tumunog ang phone ko at napanganga ako nung makita ko ang isang post sa wedsite namin. "Naih, basahin mo ito" kaya agad kong kinuha ko ang phone niya at binasa ko ang apology letter ni Aiden

"He's admitting the crime, Naih"

"Panigurado, siya na naman ang pinagu—teka! Naih saan ka pupunta?! Uy" pero hindi na ako sumagot at dumeretso na agad ako sa basketball court kung saan nagpractice sila Aiden. "Wow, look who's here!"

"Are you looking for someone, Cezanaih?"

"Nasaan si Aiden?"

"Ah, wala dito. Nasa mini gar—hey!" Hindi na ako nagdadalawang isip puntahan siya sa mini garden. Mukhang tama nga ang sinabi ni Niero nandito nga siya at naglalaro ng maliit na bola. "Hey, you found me. Siguro nabasa mo na ang ginawa kong letter" sabi nito. Habang patuloy pa rin ito sa paglalaro ng bola

"Bakit mo ginawa yun? Aiden"

Kaya napatigil ito sa pagsalo ng bola at dahan-dahan siyang lumapit saakin. "Because, I want to prove myself na hindi kita niloloko...na gagawin ko talaga ang sinabi ko sayo last time" At nagulat ako nung hinapit ang bewang ko kaya mas lalo akong napalapit sakanya. "What are you doing?! Get off me!"

Dakilang third wheelWhere stories live. Discover now