HALOS isang buwan na ang nakakaraan matapos mabalitaan ang tungkol sa pagsabotahe sa journalism club na halos pinagusapan ng mga estudyante ng St. Fatima College. Ngayon ay halos nabaon na limot ang nasabing issue at tila bumalik lahat sa dati. Ano kayang nangyari?
"Good morning, mga ka-chikas! Ready na ba kayo sa mainit-init pang chika?!" Masayang sabi ni Kiella. Napailing ako habang pinanonood ko sila sa live. "Nako, Kiella! kinakabahan ako sa chika mong yan, pero sige, ano ba yang chika mo ah?!"
"Anak, bumaba ka na! Kakain na" kaya daling-dali akong bumaba at napangiti ako nung makita ko si papa na naka-apron pa, "good morning, pa" bati ko at saka ko siya niyakap. "Mukhang good mood ka, princess"
"Naglalambing lang, pa" at agad akong umupo sa paborito kong pwesto para tikman ang niluto niyang pancake at kape. "Sorry nga pala kung hindi ako nakauwi nung isang araw. Ang dami ko kasing inasikaso sa kaso na hinahawakan ko ngayon" paliwanag nito. Ngumiti ako at hinawakan ko ang kamay niya
"Naintindihan ko po, pa"
Kaya ginulo niya ang buhok ko at pinagpatuloy niya ang pagkain. Kami na lang dalawa kasi ni daddy ang magkasama dahil namatay si Mama sa sakit na Cancer. That time, sobrang lungkot ni daddy dahil hindi niya matanggap na wala na si Mommy kaya para maibsan ang kalungkutan niya. Binuhos niya ang lahat ng oras niya sa trabaho...sa paghawak ng mga mabibigat na kaso. Kaya sanay na rin ako mag-isa sa bahay. Mabuti na lang talaga at palagi kong kasama ang mga pinsan kong sila Lexi at Seth.
Bumalik lang ako sa realidad nung sunod-sunod ang tunog ng phone ko. Kaya napaalam muna ako sandali kay Papa bago ako sagutin ang tawag. "Hello, isda. Bakit ka napatawag? May problema ba?"
📱: Ikaw ang blind item nila Seth?!
"Ha? Ako y-yung blind item n-nila?"
📱: Oo, naih. I-check mo kaya sa page nyo
Kaya lihim akong napangiti dahil umaayon ang lahat sa gusto kong mangyari. "T-talaga, wait! Titignan ko" at binisita ko ang page namin kung saan nakita ko ang sinasabi ni Arielle picture namin dalawa na magkasama sa mini garden at may caption pang 'dating na ba sila?'. Napangiti pa nga ako nung mabasa ko ang samu't-saring komento ng mga estudyante.
💬 : FOR REAL?!!
💬 : Mukhang naman bagay sila
💬 : HALA! Paano na si Ate Alexa :<
"Nakita mo na?! Please tell me na fake news yung dating issue nyo ni Aiden" sabi ni Arielle. Kaya napakagat ako ng labi dahil kailangan kong magsinungaling sakanya para magwork yung plano namin dalawa
"Cezanaih, are you still there?"
"Y-Yes, we are dating"
"DATING?!!" Muntik pa ngang mahulog yung phone ko dahil sa gulat. Halos magkasabay kasing sinabi nila ang katagang yun. Kaya agad akong nagpaalam sakanya dahil panigurado papagalitan ako ni daddy. "Tama ba yung narinig ko? May dinedate ka?"
"Ahm, let me explain"
"You have 30 minutes to explain, princess" seryoso nitong sabi. Kaya wala akong nagawa kundi ikwento sakanya ang lahat dahil ayoko maglihim kay papa dahil ayaw din ni papa sa taong sinungaling. "Hmm, gusto ko makilala yang Aiden na yan. Sa sabado day off ko. Kaya papuntahin mo siya dito" sabi nito. Gusto ko pa sanang kumontra kaso tinignan niya ako ng masama at saka, hinalikan niya ako sa pisngi. "No more buts, princess. Kailangan sa sabado nandito siya"
YOU ARE READING
Dakilang third wheel
RomanceAnong magagawa ng fake news? Well, diyan lang naman nagkilala sina Cezanaih Cassidy na isang writer/leader ng Journalism Club at si Aiden Delgado na isang varsity player at heartthrob sa St. Fatima College. "Fine, hindi ko itutuloy ang binabalak k...