Alexa POV
Papasok palang ako sa office ng USSG nung marinig ko ang sigaw ng mga kaibigan kong sina Felise at Zia. Mukhang kagagaling lang nila sa marathon dahil halos pawis na pawis ang mga ito. "Saan kayo galing? Bakit pawis na pawis kayo?""Girl, kailangan mo itong makita!" At pinakita niya saakin ang isang larawan ni Aiden na may kasamang babae sa loob ng classroom. "Siya yung girl yung sinasabi namin sayo! Mukhang siya ang new girl ni Aiden" singit ni Zia. Kaya zinoom ko ang picture at nagulat ako nung nakilala ko kung sino ang kasama ni Aiden
"Si Cezanaih? Yung president ng journalism club. I through magka-away sila ni Aiden because of issue sa ginawa ni Aiden?" Sabi ko. Habang nakatingin pa rin sa picture nila
"Issue? What issue?"
Napailing ako at pumasok na lang ako sa office dahil marami pa akong papers na aasikasuhin. "Hey, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko!" Pangungulit ni Felise. Napabuntong hininga ako at pinaupo ko sila
"The hacking issue, pinagtripan nilang paglaruan ang grupo nila Cezanaih dahil sa pinalabas nilang balita tungkol sa other girl ni Aiden...naalala nyo na?" Sabi ko. Habang inaayos ko ang nakakalat na papers sa mesa ko, "yes, I remember na. Yun ang naging cause ng break up nyo ni Aiden, right?"
"Exactly! Kaya nagulat ako nung makita ko ang balita sakanilang dalawa...na sila na? Like, paano nangyari yun?" Sabi ko pa. Habang inaalala ang ilan issue bago nila binalita ang tungkol sakanila, "so, ibig sabihin... fake yung pictures na ginamit nila? Yung sweet moment nila sa room kanina?"
Ngumisi ako at nagsimula na ako magtipa sa laptop ko. "Maaari, you know... mahihirapan si Aiden maghanap ng ipapalit saakin. Alam nyo naman kung gaano ako ka-impluwensya dito sa campus"
"Of course, you're the queen!"
"So, hindi ka nagseselos sakanilang dalawa?" Sabi ni Zia. Kaya tinaasan ko siya ng kilay, "why would I? Besides matagal na kaming wala ni Aiden. Kaya wala na ako paki kung sino kalandian niya. Besides I know babalik din siya sakin" kaya napuno ng tili ang loob ng office ko
"I love your confidence, sissy!"
"I'm just stating the fact, Felise"
Maya-maya umalis na rin ang kaibigan ko dahil nandoon na ang kanilang sundo. While me nandito pa rin ako sa loob ng office at inaayos ko ang papers ko. "Argh, boring"
Kaya sinarado ko muna ang laptop ko at agad kong kinuha ang phone ko. Pagkabukas ko palang marami na agad unread messages ang bumungad sa akin from different gc's. Kung pwede lang talaga ako magleave sa mga gc's ginawa ko na
*TING!
@aiden_ posted a story.
"Hmm, let me see" at agad kong tinitignan ang bagong story ni Aiden at napangisi ako nung makita ko kasama niya si Cezanaih sa mini garden at kumakain ng street foods. "Seriously, street food date? So cheap ah"
"Poor girl, ilan weeks lang kayo ni Aiden" bulong ko at napag desisyon ako na i-stalk ko ang feed ng ex-boyfriend ko at nagulat ako nung wala na ang mga pictures namin magkasama! Even his birthday message niya saakin last month wala na din!
Ang weird. Dati kasi kahit maghiwalay kami nandoon pa rin ang pictures namin together but now, wala na at pinalitan niya ng picture nila Cezanaih. How dare him?!
"Anong pinaplano mo, Aiden"
NUNG sumunod pang mga araw nakita ko ang sunod-sunod na post ni Aiden. Nakita ko kung gaano kasaya si Aiden nung kasama niya ang tatay ni Cezanaih at nainis ako dahil sa mga comments ng mga ibang tao sa post
YOU ARE READING
Dakilang third wheel
RomanceAnong magagawa ng fake news? Well, diyan lang naman nagkilala sina Cezanaih Cassidy na isang writer/leader ng Journalism Club at si Aiden Delgado na isang varsity player at heartthrob sa St. Fatima College. "Fine, hindi ko itutuloy ang binabalak k...