"Good morning, Blue Vikings! Siguro naman nakapag recharge na kayo sa dalawang araw na pahinga nyo sa training" sabi ni coach. Habang nandito kami sa court para sa panibagong training dahil hindi dapat kami makapante sa performance namin nung first game.
"Alright, so, Chase you need to focus sa susunod na game. Medyo naging pangit ang performance mo nung first game" paalala nito. Napatango na lang ito. Kaya nagpatuloy sa sermon si coach about sa magiging training namin ngayon
Habang ako naman ay busy sa paghahanap kung saan ko pwedeng dalhin ngayon si Cezanaih. Ilan linggo na kasi kami hindi nagkikita dahil naging busy ako sa training at iba pang activities at alam kong busy din siya sa club. "Tss, common na ito"
Habang tinitignan ko ang themed parks, coffee shops and arcades na near lang saamin pero wala akong niisang nagustuhan sa mga yun. I want something new...yung gusto niya talagang puntahan yung lugar na yun. "Check her account, dummy" bulong ni Niero.
Kaya napatigil ako sa pag-scroll ng phone at doon ko napagtanto na nakatingin na pala silang lahat saakin. "Are you listening, Aiden?" Tanong ni coach. Tumango na lang ako at tinago ko ang phone ko sa bag. "He's not listening, coach. Kanina pa yan nakatingin sa phone niya!" Sumbong ni Nathan
Kaya tinignan ko siya ng masama. "Para ba yan kay Cezanaih?" Tumango ako. Kaya napuno na naman ng sigawan ang buong court. "So, for real na ba ang relationship nyo ni Ms. Reporter?" Hindi ako makasagot dahil medyo naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko para kay Cezanaih
"Oy! Wag nyo munang i-hot seat si Aiden!"
"Siya, tama na yan at magsimula na tayong maglaro" sabi ni coach. Kaya bumalik sa pagiging seryoso ang buong team at nagstart na nga kami mag training
Nakakapagod man, masaya pa rin kami dahil nabibigyan namin ng karangalan ang school. Isa pa, kahit papaano napapansin ako ni daddy lalo na kapag ako ang tinatanghal na MVP sa laro. "Nash, Aiden focus! Nawawala na naman kayo!"
Nagtagal din ang laro namin ng isang oras. Bago pumito si coach. Kaya napaupo agad ako sa bleachers dahil sa sobrang pagod. "Nice one, pre! Ang galing mo kanina" sabi ni Chase at pabiro niya ako sinuntok sa braso
"Ikaw rin, nga pala, kamusta si tita?"
"She's totally okay, nakalabas na din siya ng hospital. Kaya nagamit namin yung binigay mong pera. Salamat ah" ngumiti lang ako at tinapik ko ang balikat niya. Napatigil naman kami sa paguusap nung biglang mag-aya si Niero na gumala dahil wala naman kaming pasok bukas dahil holiday
Pero tumanggi agad ako at nagpaalam sakanila na pupunta ako ng locker room. Napaupo muna ako dahil marami pa ang nakapila sa shower area. Kaya agad akong tinignan ang Instagram feed ni Cezanaih at napangiti ako nung makita ko ang iba't ibang picture niya sa mga nasalihan niyang contest. Even mga workshop na pinupuntahan niya.
"She's into writing articles" at may isa siyang post na pumukaw sa atensyon ko. Kuha siya sa isang art museum. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya sa mga pictures. Kaya tinignan ko ang ilan comments sa post
💬: Uy, saan yan? Ang ganda!
💬: Pinto art, sa may Antipolo lang
💬: Gusto ko ulit bumalik sa museum
Kaya agad ko tinignan ang lugar na sinabi niya sa comments at pagkatapos, nagpalit na lang ako ng damit at patakbong pumunta sa headquarters ng club nila. Sumilay naman ang ngiti ko sa labi nung makita ko si Cezanaih na sumasayaw ng salamin, salamin by bini
Napasandal na lang ako sa may pinto habang pinapanood siya. Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko lalo na nung makita ko siyang nakangiti at gustong-gusto niya ang sayaw na sinasayaw niya ngayon.
YOU ARE READING
Dakilang third wheel
RomanceAnong magagawa ng fake news? Well, diyan lang naman nagkilala sina Cezanaih Cassidy na isang writer/leader ng Journalism Club at si Aiden Delgado na isang varsity player at heartthrob sa St. Fatima College. "Fine, hindi ko itutuloy ang binabalak k...