Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa baba. Kaya agad napabalikwas at agad kong kinuha ang walis tambo at bumaba dahil baka may nakapasok na magnanakaw
"Sino yan?" Pero walang sumagot at patuloy ko pa rin naririnig ang kaluskos sa may kusina. Kaya tahimik akong pumunta doon at nakita ko nga ang isang anino ng lalaki na naghahalungkat sa may cabinet. Kaya hindi ako nagdalawang isip pa at pinaghahampas ko siya. "Anong ginagawa mo dito ha?!"
"Aww, princess!"
"Papa?" Kaya agad kong binuksan ang ilaw at napatakip ako ng bibig nung makita ko nga si papa. Mukhang kagagaling lang niya sa duty dahil suot pa nito ang uniporme niya. "Gosh, I'm sorry. Akala ko kasi..." Pero imbes magalit siya sakin ay tinawanan niya lang ako at niyakap.
"Anak nga kita, I miss you so much! Princess" sabi nito at hinalikan niya ako sa noo. Kaya niyakap ko din siya dahil sobrang miss ko na ang presensya niya, "I really sorry, pa. Bakit kasi hindi mo ako ginising?!"
"Ayokong maabala pa kita. Alam ko kasing pagod ka sa studies mo at sa club" sabi nito at kumuha siya ng canned beer sa ref. Kaya napabuntong hininga ako at tinulungan ko siyang hubarin ang ang jacket niya. "Hays, beer na naman, pa. Kumain ka na ba?"
"Hayaan mo na ako, princess. Minsan lang naman ako uminom eh. Siya nga pala, sinabi mo ba doon sa fake boyfriend mo na gusto ko siya makilala?" Tumango ako at pinaghanda ko siya ng pagkain
"Yes, pa"
"Good, good. Excited na ako nakilala siya" sabi nito. Habang iniinom niya ang canned beer, "pa, be nice to him. Alam ko yung mga ganyan ngisi mo...may binabalak kang masama sakanya. Pa, paalala ko po na anak siya ni Mr. Delgado" paalala ko pa sakanya habang unting-unti kong nililigpit ang mga gamit niya
"Alam ko, princess!"
Matapos siyang kumain at uminom ng ilan canned beer. Hinatid ko na siya kwarto niya para magpahinga. "Cezanaih, i-alarm mo yung phone ko ah. Para ipaluto ko yung bisita mo mamaya" paalala pa nito. Tumango na lang ako at kinumutan ko siya.
"Goodnight, pa" at pumasok na ako sa kwarto ko para ituloy ko ang naudlot kong tulog dahil mamaya tutulungan ko pa si Papa maghanda pero late na ako nagising dahil halos matatapos na si Papa sa mga lutuin niya. "Morning, princess"
"Bakit hindi nyo ako ginising?"
"Ilan beses kitang sinubukan gisingin pero tulog na tulog ka" sabi nito. Habang isa-isa niyang nilalabas ang luto nang pagkain. Kaya napanguso ako at pumunta na lang sa paborito kong pwesto.
Pagkatapos kong kumain. Pumunta agad ako sa kwarto ko para mag-ayos dahil anytime darating na si Aiden. "Ano kaya susuotin ko" bulong ko. Habang hinahalungkat ang cabinet ko dahil ayokong maging dugyot sa harapan niya
Wait, what?
"Sino siya para paghandaan ko" bulong ko. Kaya kumuha ako ang damit na sa tingin ko babagay sakin at ilan minuto pa nakarinig na ako ng busina sa labas. Kaya dali-dali akong bumaba para salubungin siya at napasipol ako nung makita ko ang porma niya ngayon.
Weird. Makita siyang naka casual outfit dahil palagi ko siyang nakikitang nakajersey shirt at pawis na pawis dahil sa maghapon na practice nila. "Huy, natulala ka na diyan. Gwapo ko no!" Napairap ako at pinapasok ko siya dahil maraming marites ang nakatingin sakanya
"Nandiyan na si Tito?" Tumango ako. Kaya hindi na naman mapinta ang mukha nito. Napailing ako at inakbayan siya, "okay lang yan, just be yourself at wala ka magiging problema kay daddy" paalala ko at tinapik ko pa ang balikat niya bago kami pumasok sa loob ng bahay
YOU ARE READING
Dakilang third wheel
RomanceAnong magagawa ng fake news? Well, diyan lang naman nagkilala sina Cezanaih Cassidy na isang writer/leader ng Journalism Club at si Aiden Delgado na isang varsity player at heartthrob sa St. Fatima College. "Fine, hindi ko itutuloy ang binabalak k...