Nagising ako nung may naramdaman akong parang may umaalis ng kumot sa katawan ko at kinabahan ako ng sobra nung makakita ako ng isang anino. "The hell, meron na naman nakapasok sa bahay!" Medyo nagulat pa nga ako nung unting-unti lumapit yung anino saakin. "Fuck!" At pinaghahampas ko kung sino ang tao sa loob ng kwarto ko
"Aww, aray! Masakit"
"Aiden! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko!" Galit kong sabi at lumayo sakanya ng kaunti dahil baka anong gawin niya saakin, "it's not what you think, naih. Pinapunta lang ako ni tito dito para gisingin ka" paliwanag nito pero hindi pa rin ako kumbinsido
Kaya narinig ko ang malakas niyang tawa, "Hoy, alam ko yang iniisip mo ah! As if naman papatulan kita no! Yuck!" Sabi nito. Kaya hinampas ko siya ng unan at pumasok agad ako sa banyo. "Bakit ka kasi nandito?"
"Hindi mo ba nabasa yung text ko sayo kagabi. Sabay tayo pupunta sa court dahil panigurado nandoon ang grupo nila Alexa" paliwanag nito. Habang nasa labas ito ng CR. Napairap ako
"Get out! Maliligo na ako"
"Bilisan mo" huling sinabi niya bago siya lumabas ng kwarto ko. Kaya napailing na lang ako at binilisan ko ang paliligo at pag-aayos. Pagkatapos, bumaba na ako kung saan nakita ko sila ni daddy na naguusap. "Finally, natapos ka na rin!"
"Tss!"
"Dito ba kayo magbreakfast?" Umiling ako. Kaya pinag baunan niya kami ng pagkain, "there, kung kaya kong humabol...hahabol ako para makanood ng first game mo" sabi pa nito at hinalikan pa ako ni daddy sa noo
"Sige po, alis na po kami" at pumasok na kami sa sasakyan niya. "Alam mo na gagawin mo mamaya ah. Gusto ko yung makitang nagseselos si Alexa saatin" paalala pa nito. Napairap ako
"Basta galingan mo mamaya"
"Of course, princess" hindi ako makaimik dahil sa kakaibang nararamdaman ko ngayon lalo na nung tinawag niya ako sa palayaw ko. Mostly kasi si daddy lang ang tumatawag sakin ng 'princess'. Kaya parang may kung ano sa tiyan ko nung si Aiden na ang tumawag sa palayaw ko. Eto ba yung sinasabi nilang kilig?
"No, never!" Kaya napatingin saakin si Aiden at weirduhan sa inaasal ko ngayon, "sinong kaaway mo? are you okay?" Pero wala siyang nakuhang sagot at tumingin na lang ako sa labas dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig ko.
After 2hours of driving. Nakarating na kami sa venue kung saan gaganapin ang first game nila Aiden. Halos mapuno ng kulay blue at green ang loob ng court dahil sa mga estudyante na sinusuportahan ang kani-kanilang basketball team
"Paano alis na ako, hinihint—"
"Wait, may ibibigay ako sayo" at nagulat ako nung may sinuot siyang hair clip sa buhok ko, "there, bagay pala sayo may hair clip" sab nito at inayos pa niya ang buhok ko. Kaya napaiwas ako ng tingin dahil ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. May sakit na ba ako sa puso? At nagiging iba ang tibok nito?
"T-Thankyou, goodluck sa game mo" at ginulo ko pa ang buhok niya bago ako tumakbo papunta sa mga kasamahan ko. Kaya narinig ko na naman ang ilan asar nila sakin. "Shems, lumalayag ang ship ko!"
"Tumigil nga kayo!"
"NaiDen for the win!" Sabi pa ni Seth. Napailing na lang ako at umupo sa pwesto ko, kung saan kita ko ang bawat anggulo ng laro. Medyo natahimik nga mga kaibigan ko nung umupo sa tabi ko si Alexa
"So, totoo pala ang balita na dating na kayo ni Aiden" ngitian ko lang siya at hindi ko na siya pinansin dahil magsisimula na ang laban nila Aiden. "Cezanaih, warning ko lang sayo to ah. Wag kang masyadong magtiwala sakanya dahil anytime pwede ka niyang traydorin...just like ginawa niya sainyo last time" at ngitian niya din ako
YOU ARE READING
Dakilang third wheel
RomanceAnong magagawa ng fake news? Well, diyan lang naman nagkilala sina Cezanaih Cassidy na isang writer/leader ng Journalism Club at si Aiden Delgado na isang varsity player at heartthrob sa St. Fatima College. "Fine, hindi ko itutuloy ang binabalak k...