"Our winner is *Drum Roll* Candidate number 8" Sabi ng Emcee.
"Francine Shachi Andrade"
Oh ayan may panalo na pwede na bang umuwi?
May lumapit sa akin at nilagay ang corona sa ulo ko at sash sa balikat ko. Ibig sabihin?
AKO ANG NANALO??
"WHOOOO! ANG GANDA MO PALA SACHI.!!"
"LILIGAWAN NA KITA SACHI."
"PAPAKASALAN NA KITA AGAD!!"
Ilan lang yan sa mga narinig ko. Grabe hindi ko akalain. Eh puro iniisip ko ay ang mag pahinga. haha!
"You look dazzling" Namula naman ako sa sinabi ni Zeke.
Pagdating ko sa School kapansin-pansin talaga ang picture na nasa Gate. Alam niyo kung bakit? Malamang hindi niyo alam. Hala kinakausap ko sarili ko? Haha!
Picture ko lang naman po ang nakalagay sa isang malaking tarpaulin sa gate.
Sa hallway maraming bumabati sakin, nagbibigay ng Flowers at chocolates. Pero di pa ako nakapasok ng classroom may umakbay sa akin, di na ako mag tataka alam ko na kung sino, si Zeke. :3
"Ang dami ng fans ng bestfriend ko ahh? haha"
'Di naman mahalaga ang mga yun eh. Ikaw ang importante sakin' bulong ko.
"Huh? May sinasabi ka ba?" Huminto kami at tinignan niya ako.
"Wala. Guni-guni mo lang yun Haha! Tara na nga." Nauna na ako sa kanya baka kasi makita niya ang pamumula ng pisngi ko. Nakakahiya.
Zeke's POV
'Di naman mahalaga ang mga yun eh. Ikaw ang importante sakin'
'Di naman mahalaga ang mga yun eh. Ikaw ang importante sakin'
'Di naman mahalaga ang mga yun eh. Ikaw ang importante sakin'
'Di naman mahalaga ang mga yun eh. Ikaw ang importante sakin'
Paulit-ulit ko yang narinig sa utak ko. Parang sirang plaka.
Narinig ko kanina yung sinabi niya. It was clear and loud enough to be heard. Nag maang-maangan lang ako kanina na hindi ko narinig. Ibig sabihin ba nito? May pag-asa na ako? O baka naman niloloko niya lang ako? Aish!
***
Haha! Ok ba?
Btw, medyo matatagalan siguro ako sa pag UD nito busy na kasi. Pero I'll try my best to Update.
Vote and Commemt. Kahit Nega okay lang. Hindi ako magagalit. Thank You po! :*
-Shin-