Illusion 5

14 2 0
                                    


Ilang araw na ang lumipas simula nang manalo si Sachi sa contest. Marami na ang bumabati sa kanya at nag bibigay ng kung anu-ano. Pero may isa talagang nakakapagpagabag sa akin. Si Migs manliligaw ni Sachi.

"Hi Sachi! :)" Bati niya. Tss gwapo pa naman ako dyan.

"Ahh, ito oh Flowers at Chocolates para sayo!"

"Hello Migs ahhm, Thank You! " Bati din niya habang ang lawak ng ngiti.

"Tss" Umalis ako kasi BAKA na isturbo ko ang dalawa. Pero buti pa si Migs kaya niyang sabihin sa lahat na Mahal niya si Sachi, kaya ko naman kaso baka layuan niya ako. Ayoko nun ang hirap.

Sabay sana kaming uuwi ni Sachi kaso...

"Hey Sachi. Hatid na kita?" Pag iinsist niya. Bwesit! Epal talaga to eh. May moment na nga kami ni Bestfriend nakipag-agawan naman. Litche! -__-

"Hmm, Zeke sabay na tayo sa kanya total madadaanan niya naman yung bahay niyo at bahay namin, Ok lang ba sayo?" Aba dapat lang hindi ko pa lubos na kilala yang si Migs kahit na Magkaklase kami noon.

Tumango na lang ako. "Okay lets go" Si Sachi na sa Passenger seat ako naman nasa back seat. Chaperon ang lagay ko nito. Kumusta naman yun?

"Thank you ulit Migs. Ahhm, pasok ka muna."

"Ahh Wag na may dinner kasi kami nila Mommy kaya next time na lang"

Sumakay na siya ng Kotse niya.

"Best, Pasok na ako ahh? Umuwi ka na rin. Kita nalang tayo bukas! :)" Nag wave na sakin saka pumasok ng bahay nila. Ako? Pumasok din Alangan namang lalabas ako? Aish! Ano na bang nangyayari sakin.

Araw-araw ganon na lang, hinahatid ni Migs si Sachi madalas na lang kaming magbonding. Kung sa Classroom naman kunting Kwentuhan lang. I really miss her.

"Zeke may sasabihin sana ako sayong importante." Sabi niya. Nang magkita kami sa playground ng school. Ngayon kulang ulit siya nakita ahh.

"Huh? Ano naman yun?" Importante?

"Kasi...Kami na ni Migs" Bakas sa mukha niya ang Saya. Pagkasabing-pagkasabi niya sa mga salitang yun, parang dinurog ang puso ko. So? Sila na pala. Ano pa bang magagawa ko? Edi Suportahan siya.

"W-wow! Congratulations Sachi." I Said and fake my smile. "Ahh, btw mauuna na ako marami pa pala akong gagawin. Hindi ka ba ihahatid ni Migs?" Pag iba ko ng usapan, masyadong masakit ang balita niya.

"Ihahatid, may dinaanan lang siya. Oh andyan na pala" Sabay turo sa papalapit na si Migs at Tumayo.

"Oh Pare, pauwi ka na? Sabay ka na saamin" Nang aasar ba siya? Kasi kung Oo, malapit na akong maasar. Psh!

"Hindi na may gagawin pa kasi ako eh. Sige una na ako sa inyo "

Umalis na ako, masakit? Sobra.

Habang nakahiga ako naaalala ko nanaman ang sinabi sa akin ni Sachi.

"Kasi...Kami na ni Migs"

"Kasi...Kami na ni Migs"

"Kasi...Kami na ni Migs"

"Kasi...Kami na ni Migs"

"Kasi...Kami na ni Migs"

"Kasi...Kami na ni Migs"

"Kasi...Kami na ni Migs"

Pakshet talaga! Ang sakit. Bwesit!

***

I fell inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon