Magpakatatag ka ha? Ayokong umiiyak ka. Kahit anong mangyari wag na wag kang susuko, Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Paalam...
Kilala ko ang boses na yun, boses ma matagal ko nang mahal, ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng Puso ko. Pero, bakit siya nagpapaalam? Iiwan ba niya ako?
"Sachi gising ka na, nandito na si kuya gising ka na please miss ka na namin, di mo ba kami na miss? Gising ka na ha? Mahal na mahal ka ni Kuya bunso. " Nagising ako dahil sa binitawang salita ng Lalaking mahal ko at sa garalgal na boses ni Kuya, nahalatang umiiyak.
Unti-unti kong minulat ang mata ko. Puting Kisame, puting bulaklak, Puting dingding at pamilya ko, si Kuya, Mommy and Daddy. Hospital, I was in the hospital. May benda ako sa ulo bali naman ang kanang paa ko masakit pero mas masakit kung iiwan ako ni Zeke.
Naalala ko yung nangyari, si Zeke! Okay lang ba siya? Bakit siya nag papaalam? Naguguluhan ako. Duguan siya noong huli ko siyang nakita. May nangyari bang ma--- No! Hindi, hindi! Naiiyak na ako!
"Kuya, asan si Zeke bakit wala siya dito? Okay lang naman siya diba? diba? " Hindi ko na mapigilan ang Umiyak! Bakit di sila sumasagot?
"ANSWER ME! WHERE IS ZEKE??!! IS HE OKAY?!! " Bakas sa mga mukha nila may nangyari talaga kay Zeke.
"Shhh. Tahan na." Hinagod ni mommy ang likod ko. Niyakap ko siya.
"Mommy ano ba talaga ang nangyari kay Zeke? Bakit siya nag papaalam sakin? Bakit mommy?" Di sumagot si mommy, nanatili paring siyang nakayakap sakin.
Kumawala ako sa yakap ni mommy.
"Gusto kung makita si Zeke mommy, gusto ko nang makita ang bestfriend ko." Hinayaan ako ni mommy ma ibuhos ang lahat sa iyak.
May pumasok na doctor saka may ininject sa akin. Bigla akong nanghina, hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako mga dakong alas tres na ng hapon. Pilit kong tumayo at tinanggal ang I.V ko. Lumabas ako
kahit masakit ang paa ko kakayanin ko para kay Zeke para sa taong mahal ko pero di man lang niya alam.
Papunta na sana ako malapit sa may hagdan ng may nakakita saking nurse.
"Ma'am bawala po kayo diyan, rules po ng Hospital yun ma'am. Mapapagalitan po ako ma'am, balik na po tayo." Sabi ng nurse. Umalis muna siya sandali. Pagbalik niya may Wheelchair siyang dala.
Umupo ako, di ko mapigilan ang umiyak. Asan ba kasi si Zeke? Bakit di nila sabihin sakin?
"Miss? May Patiente ba kayong Zeke Garcia? " I ask. Di ko na matiis, Im badly miss him.
"Hmm...Merom po pero Inalabas kahapon kasi daw sa America na daw siya I-papagaling. Nasa state of coma. Bakit po kaano-ano po niyo ang patiente? " America? Bakit?
"B-bestfriend ko." na matagal ko nang mahal. Nakarating kami sa kwarto ko, pagpasok namin nakita ko si Daddy na may kausap na doktor si Mommy umiiyak habang niyayakap ni kuya. Nabigla sila sa pagpasok namin. Dali-dali akong niyakap ni mommy.
"Saan ka ba nag punta Sachi Pinagaalala mo kami." Naiiyak na din ako. Bakit hindi nila sinabi sakin? bakit?!!
"Bakit hindi ninyo sinabi sakin na nasa amerika na si Zeke?" Tanong kung lahat sa kanila pero nag ka tinginan lang sila. "Ano? Bakit ayaw ninyong sumagot?" Naiiyak nanaman ako!
"Calm Down Baby o-operahan lang si Zeke doon babalik din sila, kaya tahan na anak" Sagot ni Mommy habang hinahagod ang likod ko. Naiiyak ako lalao. Zeke babalik ka di ba? Gagaling ka di ba? Di mo naman ako iiwan di ba?
Nakita ko ang Isang Doktor na may itinusok sa IV ko unti-unti na akong nakatulog.
"Mahal kita Zeke" mahina kong sabi. Hanggang sa nakatulog ako.
****
Ayos ba? HAHAHA! sorry po kung sabaw. comment lang po kahit nega okay lang at least nag comment kayo di ba?
Love,
-Shin-