EYS's POV
*riiiinggg~~~~ *riiingggg~~~
“Hoy babae! Hanggang kailan mo ba hindi sasagutin yang tawag ni Hero? Sakit sa tenga ha?! My gosh!” napasulyap muna ko sa cellphone ko na tumutunog bago ko nilingon si Miles. I pouted. At niyakap ulit ung pillow na hawak ko. Nandito kami sa may sala ngayon habang nakaupo sa may sofa nasa may left side ko naman si Gio. I heard him shrug... kanina pa kasi tawag ng tawag si Looney sakin at wala akong balak sagutin. Bahala siya! Mamuti muna ang uwak! Kainis siya! Biglang tumayo si Miles sa pagkakaupo niya at sinundan ko naman siya ng tingin. Asar niyang kinuha ung phone ko at saka niya pinatay ito. Pagkalingon niya sakin nginitian ko naman siya dahil sa ginawa niya. Akala ko kasi talaga sasagutin niya.
“Naririndi na ko kaya pinatay ko na. Kay?! O My Ghad lang talga! Ang wrinkles ko!” pffft.... maarteng pagkakasabi niya saka siya nagtungong ng kusina. Napabuntong hininga naman ako at napasulyap na naman sa may cellphone ko. Hindi ko aakalain na ayon ang surprise niya sakin kaya niya ko pinapunta sa may condo niya. Bwsit talaga siya! Oo na! Suprise na surprise na nga ko eh! Sobrang tuwang tuwa ko na tipong gusto ko siyang sapakin!
“Waaaaaaaaaaaaaah!” napatalon akong bigla sa pagkakaupo ko ng marinig kong sumigaw si Gio. Patakbo akong nagtungo ng kusina para tignan siya.
“Anong nangyari?! Bakit?! May sunog ba?! Nasaan?!” tarantang tanong ko sa kaniya. Tumawa naman ang gaga.
“Hahahahaahahah! Wala na kasi tayong ingredients para sa babaunin natin sa trip bukas. Hello?! Malayo kaya ang Vigan!.” napailing na lamang ako.
“Eh bat kailangan pang sumigaw?!” inis na sambit ko.
“Para magtigil ka sa kakamukmok mo! Hala! Sige maggawa ka na ng sandwich habang naggro-grocery ako. Kay?”
“Teka! Isama mo na ko!” susundan ko pa sana siya para isama ako pero huminto siya sa paglalakad at naghand gesture siya.
“Nope! Dito ka na lang...maggawa ka ng sandwich diyan. I can handle myself alam ko pa naman papunta sa supermarket eh. Damihan mo paggawa ah?!” napa-pout na lamang akong pabalik sa may table para umpisahan na maggawa ng sandwich.
After 5 mins...
*ding *dong
Ha?! Kabilis naman mamili ni Gio? Tinanggal ko ung white plastic gloves sa kamay ko at saka ako nagtungo sa may pintuan baka naman may nalimutan lang siya kaya siya bumalik ulit. Pagkabukas ko ng pinto ibang pigura ang nasa harapan ko. Isasara ko na sana ung pinto ng bigla niyang iharang ung paa niya..
“Teka wait!...” sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Bish, Please? You're not my style! (Hiatus)
Romance"Bish, please?. You're not my style!" - Hero Lounne Dominguez