NOT MY STYLE 5: I wont let you go

68 3 0
                                    

---------------------------------------------------> 

A/N: Sorry for the typo's and grammatical error's 

INFO: 5 months lang ang itinagal ng relation nila Ethan at Eys dahil sa pangyayari 'yon. Kaya wag ng kumontra. -____________- naudlot lang nama nang pagmamahal nila dahil sa epal si Miranda at si Brix. Mahal na mahal nila ang isa't isa noong mga panahon na naging sila. kay? 

Goodnight Bishers! ^3^

 --------------------------------------------------------xx

One week na ang nakalipas simula mangyari ang araw na 'yon. Ang araw na sinabi na sakin ang lahat lahat ng katotohanan ni Ethan. Na naframe-up lang siya ni Miranda at ni Brix. Hindi ko inaakala na ta-traydurin siya ng sarili niyang bestfriend na si Brix. 5 months pa lang kami na mangyari 'yon. Matagal ko ng alam na may gusto si Miranda kay Ethan ang akala ko ay ayos na sa kaniya na maging kami ni Ethan. Hindi ko aakalain na pati ang bestfriend nito ay kailangan niya pang kontyabahin. Nalaman ko pang kaya naggawa ni Brix na traydurin siya ay dahil sa nilason ni Miranda ang pag-iisip nito kapag ginawa niya ang pinaplano nito ay mapapasakaniya si Miranda pero nagkamali siya. 

Ngayon, malinaw na sakin ang lahat. Hindi ko pa rin masasabing sa loob ng one week ay nabalik na ang nararamdaman ko kay Ethan. Para kasing may mali eh...o sadyang nakamove-on na talga ako sa kaniya?.

Sa loob ng one week, ginawa lahat ni Ethan para makabawi siya sakin. Lagi niya kong binibigyan ng oras...okay. Sabihin na natin na kulang na lang ay tumira siya sa condo unit ko dahil halos araw araw ay lagi ko siyang kasama. Hatid sundo niya ko lagi. Every morning nagdadala siya ng bouquet of roses, pinagluluto niya ko palagi ng breakfast, lunch at dinner. Yung typical na lalaking gumagawa ng efforts para sa taong mahal nila. Kulang na lang ay gawin niya kong reyna dahil sa pagsi-silbi niya sakin. 

Napatawad ko na naman siya eh...sinabi ko pa sa kaniya na baka wala na siyang oras para sa sarili niya at sa trabaho niya. May mga responsibilidad din naman siya sa company niya. Pero ang sabi niya ay 'ok lang' daw lahat ay gagawin niya at ayaw niyang palampasin ang oras na magkasama kami kaya pinabayaan ko na lamang siya.

“Ms. Eys.” nabalik ako sa realidad ng tinap ng secretary ko yung balikat ko. 

“Ok lang po ba kayo?” lumingon ako sa kaniya at saka ako malumanay na tumango at ngumiti naman ako. 

“Ok!...And 1, 2, 3. Turn!. Siguraduhin niyo na sa bawat pagturn niyo ay hindi kayo magkakabunguan ah?!” sigaw ng nagre-rehearse sa mga models.

Pinapanood nga pala namin yung mga nagre-rehearsal na mga models para bukas sa fashion show. Bukas na gaganapin ang event at may tiwala ako sa sarili ko na magiging successful ang show bukas. Napadako na naman ang mga tingin ko kay Gadzilla. Nakaupo ito sa may tabi nagpapahinga at katabi niya ang iba pang mga models na popular na naka-close na niya. Pambihira! Tignan mo nga naman hindi ba?! Akalain mong magkakaroon siya ng kaibigan?. Eh, sa saksakan ng kahambugan ang isang 'yan eh!. Arrgggggg! Bakit ba kumukulo na naman ang dugo ko sa kaniya?!

Bish, Please? You're not my style! (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon