CHAPTER 8

32 0 0
                                    

"Hay! Sa wakas after how many years nakarating na rin tayo!" nagunat unat pa si Miles pagkababa niya ng kotse. Bigla namang lumapit sakin si Ethan para kuhanin yung bag ko kaya lang pagkakuha niya sa may bag ko kasabay no'n ang kamay ni Looney. Kaya parang naghawakan sila ng kamay accidentally. Napatingin na lang talga ko sa kamay nilang dalawa. 'WOW! BROMANCE!' sa isip-isip ko. Hahahah! Letse! Utak ko talaga! Tapos napatingin naman ako sa kanila. Matalas ang tingin nila sa isa't isa. Tinaas ko ng bahagya ang kilay ko tapos tumingin ako kay Looney kasabay no'n ang pagtanggal ko sa kamay niya sa may bag ko. Kumunot naman ang noo niya. Hindi ko siya pinansin at tumingin kaagad ako kay Ethan sabay ngiti.


"Salamat Ethan." sambit ko pagkakuha niya sa bag ko. Nginitian din naman niya ko tapos no'n pagkalakad namin tinignan ko ng masama si Looney na nakatingin na rin ng masama sakin. Ha! Kala mo ha?! I thought.


"Ay! Halika na Hero! Pasok na tayo sa loob. Ano pa bang hinihintay mo diyan?" huling narinig ko kay Miles bago na kami makapasok ng tuluyan sa loob.


"I missed this place." Ethan said. Habang tinignan niya ng kabuuan yung rest house. Lagi kaming nandito ni Ethan twing summer noong kami pa. Marami rin kaming naging magandang memories na hinding hindi ko makakalimutan. By looking back on the past, nagkatinginan kaming dalawa ni Ethan sa isa't isa at napangiti na lamang.


"Ok Guys! Kailangan na natin magdecide ung saan ang magiging kwarto natin." nawala ang tingin namin sa isa't isa ng madinig namin ang boses ni Miles kaya parehas kaming nakatingin sa kaniya ngayon.


"Hmmm.. Lahat ng kwarto nasa second floor. 6 bedrooms kaya kahit saan pwede gamitin. Bahala ka na kung saan mo gusto." sagot ko sa kaniya.


"Oh! Well sabi mo eh! Basta magkatapat tayo ng kwarto! Ok?" nagnodd na lang ako sa kaniya. Saka naman kami nagsi-akyatan sa second floor. Ang kinuha kong kwarto yung sa may harapan para makikita ko yung view sa labas tapos si Miles naman sa may katapat ko ganun din yung kaniya. Nakikita niya din yung view sa may labas. Tapos yung dalawa bahala na sila kung saan nila gusto.

Humiga muna ko may kama para makapagpahinga. Napagod kasi ako sa byahe. Napatingin na lang ako sa may ceiling. Wala akong ibang naiisip kung hindi si Looney. Nakakainis! Sa kabila ng panloloko niya sakin nagagawa ko pa siyang isipin! Peste! Eh kung tapyasin ko kaya ang baba niya sing tulis ng half-moon?! Kaimbyerna! Bakit kasi sinama pa siya ni Miles eh! Hindi ko naman magawang mainis kay Miles dahil kung tutuusin bakasyon lang dapat naming 'tong dalawa. Nasama lang si Ethan at si Looney. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.


.....................................


"Miles!" napashrug ako. Ano ba 'tong si Miles? Nakita ng natutulog ako eh. Gumulong ako pakaliwa.


"Pssssst! Miles! GISING!" Rinig kong sigaw niya.


"AY POWSANG KINALBOW!" napabangon ako ng wala sa oras dahil sa tinis ng boses niya. Baklang bakla ang boses niya! Anes! Tinignan ko siya ng masama tapos nilapadan niya naman ako ng ngiti.

"Bumangon ka na! Anong oras na kaya! Hindi ka pa nagla-lunch! Alam mo namang ayaw kitang nagugutom!" Grabe! Hyper ng bestfriend ko. I just blink my eyes twice while looking at him. Magsasalita na sana ako ng bigla niya kong hatakin at kinaladkad ako pababa hanggang sa may dining area.

Ay Juicecolord! Hindi pa nga ko nakakahilamos! Nadatnan ko na yung dalawa na tahimik lang habang kumakain. Napatingin pa nga silang dalawa sakin ng makita na nila kami.


"Moof!/Eys!" kumunot ang noo ko dahil sabay na naman silang dalawa. Hindi ko na nga lang pinansin.


"Miles. Maghihilamos lang ako. Bababa din ako kaagad." pag-papaalam ko sa kaniya.

"Sige! Bilisan mo ha? Ng makakain ka na." Jusme! Para namang 'tong si Mommy kung makapagsalita.  Tumango na lamang ako sa kaniya at umakyat na ulit ako sa may kwarto ko. Nadinig ko pa nga yung huling tanong ni Baba ay este! Ni Gadzilla yung tanong niya kay Miles as if naman obvious na obvious na eh.

"Galit na naman siya?" tanong niya.


Umiling na lamang ako.


Matapos kong magtooth brush at makapaghilamos nagpalit na rin ako ng damit. Matapos no'n ay bumaba na rin naman ako kaagad dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Pagkababa ko hindi ko na nadatnan si Gadzilla kung saan siya nakaupo kanina. Inaya na naman na ko kaagad ni Miles na maupo sa may tabi niya at pinagsandok niya ko ng kung ano ano sa may plato ko.


"Lumabas lang saglit si Hero." sambit ni Miles. Tumingin naman ako sa kaniya.


"Bakit? Tinatanong ko ba?" inis na sambit ko naman. Umiling siya tapos napatingin ako kay Ethan na nakatingin na rin sakin. Arrrgggg! Nakakainis! Saan ba kami dadalhin ng bakasyon na 'to?


After naming kumain, lumabas kami ni Ethan sa may veranda. May sariling swimming pool kami dito sa may resthouse kung saan matatanaw namin ang dagat. Nakakarelax dito kahit medyo mainit pa. Umupo kami sa may swing at parehas lang kaming nakatanaw sa dagat.

"Moof." basag ni Ethan sa katahimikan.


"Hmmmm.." tugon ko naman at napatingin sa kaniya. Hindi ko mawari yung tingin niya sakin parang nalulungkot ito na naguguluhan na hindi ko maintindihan. Iniwas niya yung tingin niya sakin at saka siya napabuntong hininga binaling niya ulit yung tingin niya sa may dagat habang ako naman ay hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya.


"May sasabihin ka ba Ethan?" malumanay na tanong ko. Hindi pa rin siya tumitingin sakin. Napansin ko din ang paglunok niya.


"Gusto ko lang malaman mo na mahal kita." inaasahan kong lilingunin niya ko para tignan at tatayo siya sa may kinauupuan niya at hahawakan niya ang kamay ko. Pero ang sabi nga 'Do not assume unless otherwise stated'. Nanatili pa rin siyang nakatingin mula sa malayo. Alam kong sincere siya sa sinabi niya dahil nararamdam ko 'yon kaya lang may part lang talaga sa kaniya na hindi ko mapagtanto dahil feeling ko parang may kulang. Parang may mali. Parang may tinatago siya sakin.


"Kung maibabalik ko lang yung panahon para hindi mangyari 'yon. Gagawin ko. Ayoko ng ganto tayo Sem." this time tumayo siya't pumunta sa may harapan ko. Itinayo niya ko at hinawakan niya ang kamay ko. Tinignan niya ko sa mga mata. Lungkot at pagkabigo ang nababasa ko mula sa kaniyang mga mata.

"Ayoko ng ganito tayo. Gusto kong ibalik yung dati. Yung masaya tayong parehas na kahit nag-aaway man tayong dalawa hindi pa rin tayo naghihiwalay yung balik ulit tayo sa dati. Gustong gustong gusto kitang bumalik sakin Sem. Gusto kitang angkinin at naiinis ako sa sarili ko dahil naduduwag na ko. Naduduwag ako dahil alam ko kahit hindi mo sabihin sakin. Alam ko at nararamdaman ko na mahal mo siya." biglang tumulo ang mga luha niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumalik lahat ng memories sa utak ko. Mula sa panliligaw, kung paano kami naging masaya kung paano kami mag-away kung paano lahat lahat. Bumalik lahat ng ayon sa utak ko at hindi ko na din mapigilan ang mapaiyak ng dahil na rin sa bumalik din yung sakit na naidulot niya sakin. Yung mga panahon na akala ko niloko niya ko. Tapos ngayon, sa lahat ng mga sinabi niya. Hindi ko din mapigilan hindi maramdaman yung sakit na nararamdaman niya. Why life is so unfair? Bakit kailangan pang humantong ang lahat sa ganito. Kung nalaman ko din ba kaagad na naframe-up lang siya maaayos din ba namin kaagad yung gusot na nangyari? Magiging maayos din ba ang lahat at babalik kami ulit sa dati?

"Naiinis ako sarili ko dahil kung kailan huli na doon ko pa nalaman na niloloko na pala ako ng dalawa.  Kung alam ko lang. Gagawin ko ang lahat para maayos natin yung relasyon na binuo natin. Pero sa tingin ko...." hindi niya na naituloy yung susunod niyang sasasabihin dahil bigla siyang pumiyok at patuloy ang pagluha niya. Ramdam na ramdam ko ang panghihinayang at pagkadisappoint niya sa nangyari saming dalawa. Bakit ganun ang buhay? Pinunasan niya ang luha niya gamit ang kanang kamay niya pero hindi pa rin niya inaalis yung kaliwang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Pero sa tingin ko Sem.. nawawalan na ko ng pag-asa. Nawawala na ko diyan sa puso mo. Minsan sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat at hindi ako magpapatalo sa kaniya pero nawawala na yung self-confidence ko sa sarili ko dahil sa twing titignan mo siya. Naalala ko na ganun ka ding tumingin sakin dati noong tayo pa. Yung tingin na may pagmamahal. Hindi ko maiwasang hindi mainsecure sa kaniya dahil yung babaeng mahal ko ay mahal siya."


"I'm sorry." halos pabulong na tugon ko. Pinunasan ko ang mga luha niya na patuloy lang sa pagtulo. "I'm sorry Ethan. I'm so sorry." halos paulit-ulit na sambit ko sa kaniya. Umiling-iling siya. Ngingiti tapos iiyak. Ganun ang emosyon niya. Pinunasan niya yung mga luha ko.


"Ayoko ng makita kitang umiiyak ng dahil sa akin. Patawarin mo ko sa lahat ng sakit na ibinigay ko sa'yo Sem." umiling ako. Dahil hindi naman niya kasalanan ang nangyari. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tinignan ko siya sa mga mata niya.

"Wala kang kasalanan Ethan. Wala kang kasalanan." pagkasabi kong 'yon. Hinawakan niya yung dalawa kong kamay na nakalagay sa may pisngi niya. Huminga siya ng malalim pagkatapos noo'y ngumiti na siya sakin.


"Mahal na mahal kita Sem simula pa noon mapaghanggang ngayon. Diba nga ang sabi ng mga Jejemon. Ikaw lang zhapat na!" pakshet! Napatawa akong bigla sa sinabi niya at sa gesture niya. Talagang ginaya niya pa yung tono ng pagsasalita ng Jejemon.


"Kainis ka!" sambit ko habang natatawa.

"Pinapatawa lang kita, Moof." hinawakan niya ulit yung kamay ko. "Moof, gusto kitang maging masaya. Hindi mo na kailangan pang mahirapan sa pagpili saming dalawa. Dahil alam ko sa sarili ko na kahit ipaglaban kita siya at siya pa rin naman ang pipiliin mo. Kahit na sa ganto humantong ang paghihiwalay natin sana maging magkaibigan pa rin tayo." ngumiti ako sa kaniya kasabay no'n ang pagtango ko. Inayos niya yung strand ng buhok ko na nakasabog sa mukha ko. Isinukbit niya iyon sa may tainga ko.

"I love you, Moof." aniya. Saka kami nagyakapan sa isa't isa.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bish, Please? You're not my style! (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon