We Meet Again
👑💎👑
Azura's P.O.V
"Oh My G!"-sigaw ni Chika sa harapan ko habang hinihintay ang susunod na Teacher dahil kakatapos lang ng 1st Subject namin at balik school nanaman
"Makakasama mo si Prince Zeldrid at sa palasyo pa mismo!"-birit naman ni Sanya na akala ko sila yung nakakuha ng reward
Ang yes that's the price of being the Queen of the Night na makakasama mo si Prince Zeldrid at sa palasyo ang punta niyo mismo
"Ang swerte mo Ghurl! Sana ako nalang Ikaw"-sabi pa ni Chika na parang inggit na inggit
Kung tutuusin nga kahit wala ng ganyan eh mas gusto kong kahit wala ng meet up achuchu achuchu dyan dahil sa putragis na Spokening Dollar na yan nakakahiya tuloy
"Swerte nga? Eh mas gusto kong kumain nalang sa dorm kesa umalis"-sabi ko at nilingon ang labas ng bintana ko at pinagmasdan ang field kung saan walang katao-tao
"Gaga chance mo na yoon malapitan ang isang Prinsepe tapos sa palasyo pa tapos sasabihin mo yan?"-sabi ni Sanya na katabi ni Chika at parang nag De-Day Dream ang dalawa
"Looks Who's here"-agaw pansin ng kadarating na si Sasha with the alipores at nakita ko ang naputol na Day Dream ng dalawa at tinignan ito ng masama
"Inggit ka lang"-sabi ni Chika with taas kilay pa
"Pano naman eh you just use magic kaya"-sabi ni Ryli na nasa kanan nito sabay kusilap pa
"Yeah"-sabat naman ni Ami sa kaliwa nito na sinangayunan ang sinabi ni Sasha
"Duh! Kita mo naman kagabi na halos walang make up si Azura kesa naman sainyo na mas sobrang kapal tulad ng Dictionary sa library"-sabi ni Chika na siyang ikinatawa ng ilang mga kaklase namin na nakarinig
"You witch!"-sabi ni Sasha at akmang mang magpapakawala ng powers ng itaas niya ang kamay niya ng dumating ang sunod namin subject Teacher kaya nag siupoan na sila
"Hindi pa tayo tapos witch"-sabi ni Sasha at dinuro duro pa si Chika
"Yeah! yeah? Sasha the bitch"-sabi ni Chika na ikinatawa ni Sanya
"You're the bitch here"-duong sabi ni Ryli at Ami saka bumalik sa kanilang upuan
Nagtuloy ang klase hanggang sa susunod na klase hanggang sa mag bell hudyat na break time na kaya napa yes ang mga kaklase ko at nagsiayos na ng mga gamit at umalis na
Pansin ko na hindi pumasok ang apat na Prince sa buong klase kaya marami ang nagtaka na hindi ko nalang din pinagtuonan ng pinansin
Lumabas na kaming tatlo papuntang Cafeteria ng biglang may nabuhos na kung ano saakin at maraming nagsitawanan kaya sinilip ko yung dalawa pero si Sanya lang ang kasama kong nabuhosan at nakita kong nasa ibang puwesto si Chika
'Sorry' yan ang pagkabasa ko sa sinabi niya kahit hindi ko rinig pero hinayaan ko nalang din kasi mabilis ang pangyayari
Pinunasan ko ang muka ko at tinanggal ang ibang itlong na nasa damit ko at hindi na pinansin ang mga komento ng nga taong nanunuod at dumiretsyo nalang pero hindi pa ako nakakalayo ay may natapon nanaman sa itaas ko at isa itong flour
Talagang balak niyo ako lutuin huh, ganon na ba ako kasarap...
Napangisi ako sa mga pinagiisip ko kaya umalis nalang ako doon at dumiretsyo sa dorm iniwan ko na yung dalawa dahil alam ko namang doon din sila pupunta kaya nauna na ako
Nagbanlaw agad ako at nagpalit na ng damit saka umalis hindi ko na pinansin yung dalawa kasi wala akong balak mamansin ng kahit na sino dahil nandito nanaman yung init na nararamdaman ko sa puso ko
Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon oo medyo galit ako pero wala akong pake dahil tinapunan lang naman ako ng kung ano dyan, kaya ba nila yoon ginagawa kasi ako naging Queen of the Night kagabi? Or iba? masyado silang hibang
Hindi ko na lang pinansin ang nararamdaman ko at hinayaan nalang ang mga paa ko kung saan man ako nito dadalhin
Bigla akong nagising sa realidad ng pansin kong tumigil ako sa paglalakad at nakita ko ang sarili ko na nasa isang gitna ng mataas na bushes kung saan papunta sa isang secret garden kung saan nakatira ang maliit na Dragon kaya naman dagli kong hinanap ang lagusan at saglit pa ay nahanap ko na ito at hinila ang bukasan nito saka bumukas
Pumasok ako rito at ganoon nalang ang mangha ko ng ganon padin ang ganda ng nito pero mas namunukadkad at maraming bulaklak ang nadagdag kaya dagli akong lumapit sa may open veranda at hinanap ang maliit na dragon pero wala akong nakita kaya nadismaya ako saka umupo sa gilid ng fountain at niluglug ang mga kamay ko
Ilang saglit lang ng hindi ko namalayan ang oras ay nakatulog ako sa ganoong position
....
Naalipungatan ako ng may bagay na kumikiskis sa mga hita ko kaya napabalikwas ako ng higa at pagtingin ko sa bagay na yoon ay ganoon nalang ang takot ko ng makita ko ang isang malaking dragon
"S-serenity!?"-bulalas ko ng mamukaan ko ito dahil hindi ako makapaniwala na ganto na siya kalaki at naging navy blue ang kulay nito hindi tulad noong maliit pa siya ay matingkad na kulay blue
"Ang l-laki mo na ah"-sabi ko at binaba ang ulo niya sa harapan ko kaya kinuskus ko ang uluhan nito
"So you're here again"-sabi ng kung sino at si Mj pala ang tags alaga ni Serenity
"Ah...eh...ih...oh...uh..."-sabi ko sabay tampal ng nuo dahil sa kalokohan ko
"Hindi ba't sinabi ko na sayo na bawal ka dito"-mautoridad na sabi nito
"Sorry napadpad lang"-sabi ko kaya akmang aalis na ako ng marinig ko si Serenity na parang naging mabangis na dragon
"Anong nangyayari?"-sabi ko habang nanginginig sa takot na nilingon ang dragon
"Sorry"-sabi ni MJ at tinignan ko ito na nakaluhod ang isang tuho nito at naka yuko sa harap no Serenity na siyang ikinatigil ni Serenity
"Huh?"-takang sambit ko
"Serenity wants you to stay"-sabi ni MJ ng makatayo na ito
Ano daw?! Stay?! Puta nakakausap niya yung dragon!?
"Nakakausap kayo?"-tanong ko habang tinitignan silang dalawa
"No but I can read Her moves"-sabi nito na ikinatango ko nalang
"Okay"-tangin saad ko nalang at lumapit kay Serenity at nilaro laro ito kahit may konting takot ako rito dahil sa sobrang laki nito
'I Miss You'
👑🖤👑
BINABASA MO ANG
Your Missing Highness (SLOW UD)
Fanfiction_______ Kilalain si Azura Bassel,noon pa man ay maaga na siyang naulila sa pamilya,hindi niya alam kung ano ang tunay niyang pagkatao subalit dumating ang isang araw na hindi niya inaasahan na pangyayari... Matagal na niyang gustong malaman kung si...