Guard
👑💎👑
Azura's P.O.V
"Wag kang lalapit!"-sigaw ko sa dragon pero parang wala siyang narinig dahil sa dahan-dahan pa itong lumapit sakin
Pumikit ako ng papalapit na siya at nabigla sa nangyari kaya naimulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang hindi inaasahan
Umikot lang naman siya sa paa ko at ikiniskis ang panga niya sa hita ko at humiga pa ito na parang nagpapahinga pa sa tabi ko
Ng hindi ito gumalaw ay tinignan ko ito pero nakatulog na ito kaya dahil sa wala kami sa lilim ay dahan-dahan kong hinawakan at binuhat na siyang ikinagising niya
Kaya dahil sa takot ay bigla ko itong nabitaw at umatras pero ang baby Dragon ay lumapit sa kamay ko kaya nawala ang takot ko at hinawakan ang ulo nito na parang isang aso
"Tara sa lilim"-sabi ko sakanya na ikinasaya niya dahil tumatalon siya kaya tumayo ako at pumunta sa swing at nakita kong sinusundan ako ng baby Dragon
Ng nakaupo na ako sa may swing ay kinuha ko si baby dragon ng nasa paanan ko na siya at pinatong sa hita ko habang hawak-hawak ko kaya para itong nakatayo
"Ang cute mo naman"-nakangiti kong sabi at bigla siya gumalaw galaw na parang nagustohan ang papuri ko
Ang rupok?(≧▽≦)hahaha
"Anong pangalan mo?"-sabi ko at biglang may nahulog mula sa leeg nito na isang leash at may naka-ukit dito na sulat na cursive
"Serenity"-basa ko sa collar niya at bigla niya binuksan ang mga pakpak nito na parang lilipad pero hawak-hawak ko pa ito
"Ganda naman ng pangalan mo"-sabi ko at biglang ngumiti habang nakalabas ang dila nito na parang aso
Bigla siyang bumaba at umikot-ikot na parang may gustong ipakita sakin si Serenity kaya tumayo ako saka naglakad si Serenity sa kung saan na sinundan ko lang din
Pumunta kami sa gilid ng fountain doon sa may bandang corner at nagtatalon ito na parang may gustong ipakita si Serenity kaya sinubukan kong kapain at may nakapa ako tulad noong kanina kaya sinubukan kong ikutin pero hindi siya gumana
Napatingin ako kay Serenity na nakaupo lang sa gilid ko habang nakatilit ang ulo at labas dila na parang aso
Dahil sa ginawang niyang pagpapacute ay sinubukan ko sa ibang side hanggang sa maitulak ko ito paharap at tumunog ito at nagsimulang magbukas at may isang hallway lang na may carpet at sa mga gilid nito ay may patag na damuhan habang may mga bulaklak na nakapalibot dito
Sumilip ako sa magkabilang side kung may tao para safe kaya ng wala akong makitang tao ay lumabas ako na sinundan lang ni Serenity
Habang naglalakad kami ay may nakita akong papalapit na bagay sa puwesto ko kaya bumaba ako para takpan si Serenity at ng may tumunog sa harapan namin ay may nakita akong nakatusok na pana sa may karpet kaya sinundan ko yoon kung saan nanggaling at may nakita akong taong bumaba sa isang puno dahil merong puno sa mga gilid
Naka suot ito ng kawal at may maskara ito habang papalapit ito samin ay nakatutuok sakin ang palaso
Napaayos ako ng upo at binuhat sa likod si Serenity para itago
"Sino ka?"-kunot nuo kong tanong habang hinahawakan si Serenity sa likod ko
"Ako dapat ang nagtatanong niyan"-sabi nito at boses lalaki
"Eh?"-napangiwe ako dahil sa hindi ko alam na dahilan habang nakakunot ang nuo ko
"Saan mo dadalhin yan?"-tanong niya at Alam kong si Serenity ang tinutukoy niya
BINABASA MO ANG
Your Missing Highness (SLOW UD)
Fanfiction_______ Kilalain si Azura Bassel,noon pa man ay maaga na siyang naulila sa pamilya,hindi niya alam kung ano ang tunay niyang pagkatao subalit dumating ang isang araw na hindi niya inaasahan na pangyayari... Matagal na niyang gustong malaman kung si...