Chapter 5 🖤

40 6 9
                                    

Portal

👑💎👑

Azura's P.O.V

"Gising"-sabi ng kung sino at naramdaman ko ang pagtapik nito sa akin kaya napamulat ako at unang kong nakita ay ang lalaking naka business attire na isa sa kasama ni Sophie

"Andito na ho tayo"-magalang na sabi nito saka umalis sa harapan ko at hinayang nakabukas ang pintuan ng sasakyan at doon ko lang napagtanto na nasa lib-lib kaming lugar ng tignan ko ang labas ng sasakyan

"Bakit po dito?"-kunot nuo kong sabi ng makababa ako at lumapit kanila Sophie na nasa harap ng isang malaking  sira-sirang mansyion

"Dito ang daan"-sabi ni Sophie na ipinagtaka ko

"Eh"-sabi ko dahil sa hindi ko alam kung nag jo-joke ba ito or hindi

Biglang binuksan ng lalaking gumising sakin  ang compartment ng sasakyan at binaba ang mga gamit ko kaya kinuha ko na ang bagpack ko sa backseat at tig-isa naman ng maleta ang dalawang lalaking

"Pano po yung sasakyan niyo?"-sabi ko ng nasa bukana kami ng sirang mansyon dahil hindi nila alintana ang sasakyan nila kung may magtangkang magnakaw dito

Tinignan ko si Sophie na tinanguan ang driver kanina at biglang nag snap ang lalaki kaya kunot nuo kong tinignan ang sasakyan at nakita mismo ng dalawa kong mata ang biglang pagwala nito ng parang bula

"What?!"-bulalas ko ng makita ko mismo kung pano naglaho ang sasakyan at medyo napatulala pa ako sa bigla dahil sa hindi ko alam kung ano gagawin o i-re-react

"Ang Dean na ang magpapaliwanag sayo lahat"-sabi ni Sophie at nagsitiuna ng maglakad papasok sa loob ng sirang mansyon kaya sinundan ko siya para sana tanungin kaso hindi ko nabigla ako sa nakita

Nang makapasok kami sa loob ng mansyon ay namangha ako sa laki dahil kahit na sira-sira ito ay ma-i-imagine mo talaga ang ganda nito dahil sa mga malalaking bahagi ng mansyon ang naiwan dito at mga bagay na mukang hindi nagalaw

"Ano po itong lugar?"-magalang na tanong ko habang nilibot ang paningin sa buong lugar habang papasok

"Ito ang dating hideout ng Limang kaharian"-sabi ni Sophie na nagbigay sakin ng maraming katanungan sa isipan

Kaharian? Kingdom? Palasyo? Reyna, Hari?! Ano?(☉。☉)!

"Kaharian po...as in kingdom?"-patanong kong sabi na parang hindi makapaniwala kaya nilingon niya ako saglit bago magpatuloy sa paglalakad

"Oo"-maikli niyang tugon saka dumiretsyo sa parang covered lanai kung saan patungong likuran ng mansyon

"Pero bakit po nalumaan na?"-tanong ko na ikinatigil niya kaya tumigil din kami sa paglalakad

Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay dumiretsyo lamang ito sa likod na sinundan namin kung saan medyo magubat dahil sa mga nagkalat na dahin at nagtataasan na mga damo

"Bakit po dito?"-tanong ko habang papunta sa masukal na daan dahil gubat na ang tinatahak namin hindi tulad kanina na ayos pa ang daan

"Portal"-maikling sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad

Ano daw?

Pumasok kami sa parang pader na mataas na puro ugat at damo ang nakapalibot dito sKa lumusot sa may maliit na butas na tao lang ang kakasya at pagpasok namin ay bumungad sakin ang maliit na mga damohan na napapalibutan na mataas na na pader na may mga ugat-ugat at mukang sampung(10) katao lang ang kakasya sa parisukat na damuhan

Your Missing Highness (SLOW UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon