Chapter 6 🖤

34 6 4
                                    

Welcome

👑💎👑

Someone's P.O.V

"Dumating na sa siya, Mahal na Reyna"-sabi ng lalaking pinagutusan kong bantayan ang bata

"Out"-tipid kong sabi na siyang yumuko ang ito saka umalis

Just.wait.and.see.

•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'

Azura's P.O.V

Nang papunta na kami sa school na sabi ni Sophie ay namangha pa ako kanina ng ituro niya ang mukang palasyo na nakikita ko sa gitna kanina at yoon din daw ang magiging school ko

Kasalukuyan kaming nakasakay sa karwahe at tinatahak ang kalsadang napapaligiran ng mga damo, iba't-ibang mga halaman, makukulay nparu-paru, matagaas na mga puno, nagsisiliparang mga ibon at iba pa habang ang mga paligid nito ay kumikinang

At oo karwahe ang sinasakyan namin ngayun pero hindi lang ordinaryiong karwahe dahil limang (5) kabayo ang gamit nito at may mga pakpak din ang mga ito na parang nasa fairytale

Ang ganda...

Ilang sandali lang ay natatanaw ko na ang gate ng school na lilipatan ko at ng makarating kami sa mismong tapat nito ay nahiya pa ang taas ng Eiffel Tower sa Paris dahil sa taas nito pati nadin ang mga mas mataas na pader

Makikita mo ang loob ng entrance ng school mula sa labas dahil gawa sa bakal ang gate na mukang hindi kaagad masisira kahit pasabugin mo ng bala ng canon at may naka lagay na pangalan ng school sa gate na Eshima University at kulay ginto ang mga letra samantalang ang gate ay kulay gray

Ilang saglit lang ay bumukas ito at bubungad sayo ang mala 8ft. na fountain na nasa gitna at sa likod nito ang entrance kung saan may nagaantay na hindi kantandaang lalaki nasa 50's at mga nakasuot din ng pang business attire at ganoon din ang dalawang lalaki sa likod nito

Nang maka rating kami sa mismong tapat ng entrnce  ay tumigil na ang karwahe at pinagbuksan kami ng dalawang lalaki na nasa likod ng matanda kanina saka inalalayan kaming bumaba dahil medyo mataas ang karwahe

Pagkatapos kunin ng mga kasamang lalaki ni Sophie ang mga gamit ko ay sumunod kami kay Sophie kung saan kinakausap niya ang matanda na may kasamang dalawang lalaki sa likod

Pagkatapos nilang mag usap ay ibinigay ng dalawang lalaki ang maleta ko sa dalawang lalaki na kasama ng matanda at sumunod ito sa likuran ng matanda

Nang bumukas ang pintuan bale double door siya at sobrang taas nito kaya pagpasok namin ay isang hallway lang tumambad sa  saamin na ang kulay ng theme ay puti at may mahabang carpet na mukang aabot hanggang dulo na kulay blue at may black na mga linya sa magkabilaang gilid nito at may mga malalaking chandelier din sa mga high ceiling at mga flag sa taas kung saan nakaprinta ang logo ng school

Habang naglalakad ay may nakikita akong malalaking portrait ng mga tao at sa baba ng malaking litrato ay mahabang lamesa na may mga kandila na nakalagay doon at mga libro about sa taong nasa picture

"Mga sinaunang Reyna at Hari"-biglang sambit ni Sophie sa unahan habang naglalakad at walang lingong sinbai kahit hindi ko pa natatanong

Advance...

"Aahhh~"-sabi ko habang patango-tango at tumitingin sa iba pang litratong nadadaanan namin

Ilang saglit pa ang paglalakad namin ng tumigil kami  at doon ko lang nalaman na nasa tapat na kami ng isang malaking double door katulad ng nasa harapan kaso maliit lang ito ng kaonti saka nilibot ko ang panongin sa paligid at may dalawang hallway sa magkabilaang side kung saan may makikita kang mga malalaking bintana kung saan makikita mo ang nagsisitaasang mga puno

Your Missing Highness (SLOW UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon