Chapter 22🖤

13 2 0
                                    

Service

👑💎👑

Ark's P.O.V

Kasalukuyan kaming pauwi ng biglang napatigil si Arata kaya napatigil din kami saka tinignan siya

"Ayos ka lang?"-tanong ni Mat-Mat habang nakakunot ang nuo niya

Umiling lang si Arata saka nagpatuloy ito sa paglalakad at nauna na samin na sinundan lang namin

Makalipas ang ilang hakbang ay biglang bumulagta si Arata kaya nataranta kami at mabilis na inalalayan ito at pansin ko ang pag inda nito

Walang kaming sinayang na oras at agad kaming tineleport ni Diego sa Hospital at pagkarating ay agad siyang inasikaso ng mga staff

Not again.....

"Anong gagawin natin kung laging ganto?"-biglang sambit ni Mat-Mat habang naghihintay kami dito sa wating area

"I don't know"-sabi ko saka sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko

This is getting worse?....I guess?....

"What if kung ipaalam natin sakanya?"-suggest ni Diego na ikinatingin namin ni Mat-Mat sakanya

"Are you insane?"-kunot nuo kong sabi dahil sa sinabi niya

"Yoon lang ang madaling gawin"-sabi ni Diego saka nagkibit balikat ito

We're really sorry bro(ー_ー゛)

~~~KINABUKASAN~~~

Azura's P.O.V

"Ayos ka lang ba talaga?"-nagaalalang tanong ni Sanya habang inaayos ang buhok ko

Kasalukuyan akong inaayusan ng dalawa dahil ilang oras nalang ay magsisimula na ang party, inaayusan nila ako kasi hindi ko alam mag ayos

Dinaig pa nga ng dalawang to ang mga dadalo sa sikat na party dahil sa gara nilang magayos

Bale ang damit ni Chika ay isang fit & flare na spaghetti straps na maypagka gradient na kulay gray at white habang may mga ibang abubot sa damit niya samantalang si Sanya ay isang A-line na illusion na kulay light green na may Green linings at may mga abubuot din sakanyang damit

"Isa pa kukutusan ko na kayo"-sabi ko saka kinamot ang isang kilay ko dahil sa kinati ito

"Pero in fairness mala dyosa ka ngayun ah"-sabi ni Chika na nagme-make-up sakin

"Tsk!...wag makapal ah"-sabi ko saka pumikit

"Oo,hindi naman kita gagawing Sasha the bitch"-sabi niya saka tumawa silang dalawa

Ilang oras lang ay natapos nadin sila at minulat ko ang aking mga mata at nakita ko nanaman sa salamin ang mukang matagl ko ng hindi nakikita

"Nakakatomboy ka ghurl"-sabi ni Sanya saka tinulak konti ang braso ko

"Hindi pa ba ikaw?"-pambarang sabi ni Chika na hindi pinansin ni Sanya

"Sige sis hintayin ka nalang namin sa baba"-paalam ni Sanya saka tinulak pa si Chika palabas ng kuwarto ko

Natulala ako sa sarili kong repleksyon sa salamin dahil hindi ko aakalain na ako nga ito, oo at halos walang nilagay na make-up si Chika saakin pero parang hindi ako yung nasa salamin

"Aish! Bahala na nga masquerade party naman eh"-sabi ko sa sarili saka kinuha ang binili kong dress sa kabinet ko

Sinuot ko na ang dress kong fishtail na kulay black na may konting slit sa right leg at isang long sleeve na may slit din saka sinuot ang sandal na binili ko at pagkatapos ay humarap ako sa salamin

Sana makita ako nila Tita-Mama ng ganto=_=

Ilang saglit lang ay kinuha ko na ang maskara ko at bumaba na at ng makababa ako ay nakita ko yung dalawa na halos kasya yung kamao ko sa pagkanganga nila

"Laway niyo tumutulo na"-biro kong sabi saka tumawa

"Tara na nga"-sabi ko saka tinulak na sila palabas at pagkalabas ay sinuot na namin ang maskara namin saka bumaba para hintayin si Ehlly

Ng nasa harap na kami ng dorm ay napanganga ako dahil sa mga nakaabang na karwahe sa harapan

"Anong merong?"-kunot nuo kong tanong dahil wala akong magets sa nangyayari

"Oh andyan na pala kayo"-biglang sabi ng babaeng kadarating na si Ehlly at napa wow naman kami sakanya dahil ang ganda niya

Ang suot kasi niya ay isang mermaid dress na tube na kulay red with match red lipstick at may pagkared na smoky eyeshadow at mala Phoenix na maskara

"Ikaw ba yan Azura?"-biglang niyang tanong habnag nakatingin sakin kaya nginitian ko nalang siya na ikinalaki ng kanyang mata

Bigla siyang tumili at niyakap ako kaya pinagtitinginan kami agad ng maraming tao

"Ang ingay mo ah"-birong kong sabi ng humiwalay kami sa pagkakayakap

"Ang gnada mo talaga kahit walang ayos pero ng ayusan ka grabe sino ka?"-natatawang biro niya na ikinatawa namin

"Sira"-sabi ko nalang ng tumigil kami sa kakatawa

"Bale ano ba yang mga yan?"-bigla kong tanong sabay turo sa mga karwahe

"Hindi mo alam?"-kunot nuong tanong ni Ehlly saka tinignan ang dalawa na umiling lang

"Ang mga lalaki ang magsusundo sa mga babae"-pagkasabi niya palang noon ay napataas ako agad ng kilay kahit hindi kita

Ang dami palang alam...siguro sure akong mala suman kung lumabas ang kaluluwa nila Sasha

"Ahh~"-sabi ko nalang habang tumatangotango

"May nagaya na sayo?"-tanong ko at akmang ibubuka na ni Ehlly ang bunganga niya ng may lumapit na isang lalaking naka black tuxedo na mukang mamahalin at red bowtie habang naka maskara din ito ng red katulad ng kay Ehlly

"Ehlly?"-sabi niya na ikinalingon namin

"Max?"-sabi naman ni Ehlly na siyang ikinangiti ni Ehlly

Aba may ibang alindog din pala itong babae na ito?ರ_ರ

"Max mga kaibigan ko pala, sis si Max partner ko"-sabi ni Ehlly habang pinapakilala kami sa partner niyang si Max na siyang kinamayan naman namin

"Nice to meet you"-sabi naming tatlo saka nginitian ito

"Sige una na kami"-sabi ni Ehlly saka kinuha ni Max ang kamay nito saka inalalayan papunta sa isang karwahe

"Aba! Aba! Aba! May pagganon pa ang gag*"-sabi ni Sanya na ikinatawa namin ni Chika

"Duma-da-moves lang kamo"-sabi naman ni Chika na ikinangiwi namin ni Sanya

"Kayo, may partner na kayo?"-tanong ko sakanila

"Wala"-sabi nila

"So tara na?"-aya ko sakanila na ikinataka nila

"Wala tayong partner kaya wala tayong sundo"-sabi ko sakanila at hinila na sila pababa pero ng makababa kami ay may tatlong karwahe ang humarang samin kaya napa-atras kami

Ilang saglit lang ay sabay na bumukas ang mga karwahe at nilabas ang mga taong hindi ko inaakala na makikita ko ngayun

---sana ligtas ako paguwi koಥ‿ಥ....

👑🌸👑

Your Missing Highness (SLOW UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon