This prologue is dedicated to midnightynnezlili. Thankyou so much and loveyoulots!
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Pumunta na ako sa cafeteria'ng sinasabi niya. Pagkapasok ko, wala masyadong mga tao o customers ang nandito.
Dumiretso ako sa bakanteng lamesa at naupo, umorder lang ako ng cappuccino at nag-antay sa kanya ng ilang minuto.
Maya-maya ay dumating na ang lalaking gustong kumausap sa akin. Lumingon-lingon muna siya sa paligid na parang may hinahanap.
At nung nakita niya na ako, agad siyang pumunta sa lamesa kung saan ako naka-pwesto at umupo siya.
"Sorry if i am late." Panimula niya. "Umorder na ako ng kape. Cappuccino ang in-order ko." Sabi ko habang ibinibigay sa kanya ang kape. "Thankyou." Sabi niya at humigop na ng kape.
"So... Anong kailangan mo sakin? At anong gusto mong pagusapan natin?" Diretsong tanong ko sa kanya. "Hmm... Ang pagkatao mo?" Patanong niyang sagot sa akin.
Pagkatao ko?
At ano namang kailangan niya sa pagkatao ko?
"Anong ibig mong sabihin?" Seryoso kong tanong sa kanya. "Chill... Huwag ka masyadong mainit." Sabi niya at humigop na naman ng kape.
"Sabihin mo nalang ang pakay mo sakin dahil may mga gagawin pa ako." Pilit kong hindi maging sarkastiko kong sabi.
"Okey then. May naa-alala ka paba sa nakaraan mo?" Diretsong tanong niya sakin. Hindi ko ipinahalata ang pagtataka kong itsura sa kanya.
"What do you mean?"
Ipinatong niya ang dalawa niyang siko sa lamesa at pinag-cross ang mga daliri. "Ang totoong pagkatao mo. Hindi ka basta-bastang tao lang." seryoso niyang sabi.
At ano naman ang ipinagsasasabi nito? Hindi basta-bastang tao?
Ako???
Teka nga lang!
May alam ba 'tong lalaking 'to sa nakaraan ko?
"A-ano bang ibig mong sabihin? Direct to the point." Utos ko sa kanya. "YOU HAVE A ROYAL BLOOD. OR LET'S SAY..." Putol niya sa sasabihin niya. Nanahimik muna ako para patapusin siya sa sinasabi niya.
"YOU ARE THE LOST MAFIA QUEEN."
!!!PLAGIARISM IS A CRIME!!!
All rights reserved: 2021, JUNE 5
~msbubblykitty
YOU ARE READING
Royal Blood (COMPLETE)
RandomThere was a girl who live in simple life. She didn't know that her true family is a mafia and also a royal too. She transfer on Emerson Academy because her tita said that her big bro is a student on this school. Will she know that she is a mafia? Wi...