This chapter is dedicated to EverRuler. Thankyou so much and loveyoulots!
--------------------------------------------------------
Zarmaine's Point of View
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si tita na parang may kausap sa phone. "Oo, nasabi kona sa kanya." Sabi ni tita. "Okay... Sana...." Yun ang huling sinabi ni tita bago ibaba ang phone. "Hi tita." Bati ko sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. "Buti naman at naka-uwi kana. May importante akong sasabihin sayo." Seryosong pagkakasabi ni tita.
Agad akong kinabahan dahil seryosong-seryoso ang itsura niya. "Ahm... Tita, ano po ba yung importate niyong sasabihin sakin?" Pagtatanong ko. "Alam mo naman diba na pinapaalagaan kalang sakin ng tunay mong magulang." Pag-uumpisa niya. "Opo naman, bakit po tita?" Tanong ko ule.
"Kaya ka lilipat sa Emerson Academy ay dahil...
Nanduon ang nag-iisa mong kapatid."
"Huh? Anong ibig niyong sabihin?" Dahil naguguluhan ako sa sinasabi sa akin ni tita ngayon. "Maine... Malalaman mo na ang tunay mong pagkatao pag-lumipat kana dun." Mahinahong sabi ni tita. "T-teka lang tita. K-kaya ba ako lilipat dun dahil..." Nakakunot-noo kong sabi kay tita dahil hindi ko talaga maunawaan ang sinasabi niya sa akin.
"Kaya kita pinapalipat ng school dahil tinawagan ako ng secretary ng tunay mong magulang. Kailangan kana daw nilang makita as soon as possible." Seryosong bangggit ni tita. "Kailangan kana daw nilang makita dahil nanganganib ang buhay ng tunay mong pamilya Zarmaine." May halong pag-aalala ang tono ng boses ni tita.
"What do you mean tita? Naguguluhan ako ng sobra..." Hindi kona talaga naiintindihan ang mga pinagsasasabi sa akin ni tita. "Kapag nakita mo na ang tunay mong kapatid Zarmaine. Siya mismo ang mage-explain sayo." Mahinahong sabi ni tita. "Basta, huwag mo munang masyadong isipin sa ngayon ang tungkol dun. Isipin mo nalang yun kapag nandun kana at nakita mo na ang tunay mong kapatid. Sige na, kumain kana at magpahinga." Huling sabi sa akin ni tita bago siya pumasok sa kwarto niya.
Shocks!
Agad akong kumain, at nung natapos na akong kumain ay agad akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis.
"Ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga sinasabi sa akin ni tita? Naguguluhan ako masyado." Nanggi-gigil kong bulong sa sarili ko. Agad akong humiga sa kama at inaalala ang sinabi sa akin ni tita.
Nanduon ang tunay mong kapatid...
Makikilala mo na ang tunay mong pagkatao paglumipat kana dun...
Nanganganib ang buhay ng tunay mong pamilya Zarmaine...
"Arghh! Ano ba kase ang tunay kong pagkatao? Bakit ayaw ding sabihin sakin ni tita ang totoong ako?" Naghahalo-halo ang emosyon ko habang binabanggit iyon sa aking sarili.
Kailangan kana daw nilang makita as soon as possible...
"Nakakainis na ahh!" Sigaw ko sa sarili ko. Kinuha ko kaagad ang aking kumot at nagtalukbong para matulog.
YOU ARE READING
Royal Blood (COMPLETE)
De TodoThere was a girl who live in simple life. She didn't know that her true family is a mafia and also a royal too. She transfer on Emerson Academy because her tita said that her big bro is a student on this school. Will she know that she is a mafia? Wi...