CHAPTER 6

614 14 0
                                    

This chapter is dedicated to @SZannieh. Thankyou so much and loveyoulots!

---------------------------------------------------

Zarmaine's Point of View

Saktong 12:00 natapos ang unang klase namin at nung pagkalabas ko sa classroom ay nakita ko si Alliah na nakasandal sa pader.

Nung nakita niya na akong nakatingin sa kanya agad siyang ngumiti at lumapit sakin.

"Tara na, mag-lunch na tayo." Yaya niya sakin at sabay na kaming pumunta sa canteen.

Nag-order kami ng spaghetti, burger at cokes. Nang makaupo na kami ay nagsigawan na naman ang mga studyante.

Alam kona ang dahilan.

"WAHH! ANG GWA-GWAPO TALAGA NILA!"

"MAFIA'S I LOVE YOU!"

"GRABE! NAKAKAKILIG TALAGA SILA!"

"PERO BAKIT WALA SI ALLIAH?"

Pero bakit wala si Alliah?

WHAT THE??

Isa din siyang mafia?! Napatitig ako kay Alliah at napansin niya rin yun kaagad.

"Bakit?" Tanong niya sakin. "A-ahh a-ano... I-isa kabang m-mafia?" Kabado kong tanong sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

Anong nakakatawa sa tanong ko?

"Ang totoo... Isa akong mafia pero huwag kang matakot ahh. Gusto ko lang makipagkaibigan sayo kaya, ito laging sumasama o kasama mo." Sabay ngiti niya sakin.

"Pero, hindi naman sila magagalit kung kasama o kaibiganin moko diba?" Tanong ko sa kanya. 

"Hindi yun. Alam naman nila na friendly ako." Sabay subo ng spaghetti.

Ang bait mo naman.

"AhmAlliah. Pwede ba akong magtanong ulit?" Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Sure. Tungkol saan naman yang itatanong mo?" Sabi niya. 

"Ahm... Sino yung mafia king, mafia prince at yung mga kasama nila na paniguradong mafia?" Tanong ko.

Ipinatong niya ang siko niya sa lamesa at ipinag-cross ang mga daliri. 

"Unahin natin ang mga kaibigan nila." Panimula niya.

"Actually, apat kaming mga kaibigan nila at ako lang ang nag-iisang babae. Tumingin ka sa likod sa may kaliwa banda." Utos niya sakin at tumungin din naman ako.

"Yung kulay brown ang buhok, siya si Ash. Isa siyang magaling na traceser at hacker. Yung palangiti naman si Shawn, playboy pero magaling makakalap ng impormasyon. Isa rin siyang assasin. Yung hindi naman naka-ayos ang necktie si Lux, lagi yang seryoso pero kaya niya namang sabayan yung trip mo. Ako naman, isa ring assasin at taga-pagbantay ng mafia queen." Pagpapakilala niya sa kanila at sa sarili niya.

"Pero sino naman yung mafia king at mafia prince?"

"Yung mafia prince ay yung naka-headset at tahimik na kumakain. At yung mafia king naman katabi ni Maisie." Sagot niya sakin. 

"Ehh, anong pangalan ng mafia king at mafia prince?" Nacu-curious ako ehh.

"YUNG MAFIA PRINCE SI RAZZEL AT YUNG MAFIA KING NAMAN SI AXTON."

"Ohh..." Mangha kong pagkasabi. "Sige na, kumain na tayo." Sabi niya at ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

Nang natapos na kaming kumain ay hinatid niya ulit ako sa classroom ko." Thankyou, Alliah." Sabi ko ng may ngiti.

"Welcome." Sabi niya bago umalis. Dumiresto ako sa upuan ko at nagbasa ng libro.

Sa wakas! Tapos narin ang klase. Agad kong inayos ang gamit ko at lumabas na ng classroom. Habang naglalakad ako palabas ng gate ay may pumatid sakin.

Anak ng tokwa! Huwag mong sabihing...

"Hahaha! Buti nga sayo!"

"Akala mo papalagpasin lang ng gf ng mafia king ang ginawa mo kanina?"

"Hahahaha! Kawawa naman!"

Napapikit ako sa inis at dahan-dahang tumayo. Pinagpagan ko muna ang palda ko at tumingin sa tatlong mukhang clown.

"Ano bang problema niyo?" Mahinahon kong tanong sa kanila. 

"Utos galing sa gf ng mafia king." Sagot sakin nitong nasa gitna nila. "Nag-sorry na nga ako kanina diba?" Mahinahon kong ulit na pagkasabi.

"Kahit na, napahiya siya kanina kaya dapat lang yan sayo. Let's go girls." Sabay alis sa harapan ko.

May mga saltik ba to? Ako kaya ang napahiya kanina!

Lumabas nalang ako ng gate at dumiretso sa bus stop. Ilang segundo lang ay dumating na ang bus at sumakay na ako.

Maya-maya ay nakarating na ako sa bahay namin. Pagkapasok ko nakita ko si tita na may kausap sa cellphone.

"Ano, nagkita na kaya sila?" Tanong ni tita sa kabilang linya. "Hindi ko nga sasabihin." Sunod na sabi ni tita. 

"Tsk. Magkikita rin sila. Sige na." At ibinaba na ni tita ang cellphone niya.

Weird.

"Ohh, kanina kapa dyan?" Tanong ni tita sakin habang papalapit siya sa akin. "Hindi tita, kakadating ko lang." Sabay halik sa pisngi ni tita. 

"Sige na. Magbihis kana at kakain na tayo." Sabi ni tita at pumasok na ako sa kwarto ko.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si tita na naghahanda na ng pagkain.

Agad akong lumapit at tumulong narin. Umupo na kami ni tita at nagsandok ng kanin at ulam.

"Kamusta first day mo sa EA?"

Ayun napahiya kaninang umaga at pinatid naman bago umuwi.

"Ok naman po tita." Sabay subo ng kanin. "Nakakita kaba ng mga mafia dun?" Tanong ni tita habang nakangiti. 

"Opo, nakakita ako ng mafia. Yung isang mafia nakikipagkaibigan sakin at nakita ko rin yung gf ng mafia king at syempre pati rin yung mafia king at mafia prince." Sunod-sunod kong sagot kay tita.

"N-nakita mo na yung m-mafia p-prince?"

Gulat akong napatingin kay tita dahil sa tanong niyang iyon. "O-opo tita. Bakit po?" Takang tanong ko kay tita.

"A-ahh w-wala. Sige na kumain na tayo." At ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

Pagkatapos namin kumain ay pumasok na ako sa kwarto ko at humiga. 

"Hayst... Grabe yung school nayun. Pero mas grabe yung gf ng mafia king." Sabi ko sa sarili ko.

Nag-facebook muna ako at maya-maya ay nakaramdam na ako ng antok kaya inilagay ko na ang cellphone ko sa lamesa at natulog na ako.

ZZZ...ZZZ...ZZZ...








Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now