Shawn's Point of View
Cannot be....
Cannot be, cannot be.
CAN-NOT-BE!
Yung kaalitan ni Maisie ang matagal na naming hinahanap?! Unbelievable! Paano nalaman yun ni Razzel? Paano niya napansin yun?
"Razzel, paano mo nalaman ang tungkol dun?" Tanong ni Lux. Matagal niya muna kaming tinignan bago magsalita.
Pa-trill pa siya oh!
"Yung suot-suot niyang kwintas." Walang alinlangan niyang sagot.
"Pero hindi ko nakita o napansin manlang ang kwintas na suot-suot niya." Kunot noo'ng sabi ni Alliah.
"Yung suot-suot niyang kwintas. Tanda yun na isa kang Hudson."
"Sigurado ka ba? Paano kung Crescent nga ang pendant niya pero iba ang kulay?"
May point, may point.
"Tinignan ko ng mabuti ang kwintas niya pati ang pendant niya and it's very similar to the necklace of the Hudson."
"......"
Lahat kami ay tumahimik sa sinabi ni Razzel. Kahit ako, inaalala ko ang itsura niya kanina para maalala o mapansin ko man lang sa isip ang kwintas niya.
Natigilan nalang kami sa pag-iisip ng biglang may sumigaw at tinatawag si Alliah.
"Alliah! Alliah! Alliah!"
Agad na pumunta si Alliah sa pinto at nakita namin ang dalawang babae na hingal na hingal.
"A-alliah... Y-yung... yung babaeng kasama mo lagi..." Sabi ng babae habang naghahabol ng hininga. "Bakit? Anong nangyari sa kanya?" Singit ni Razzel.
"A-ano... Pinagtutulungan siya ng kaibigan ni Maisie!" Diret-diretsong sabi nito kaya biglang tumakbo palabas si Alliah at ganun din kami.
Sinundan lang namin si Alliah kung saan siya pupunta. Napatigil nalang kaming lahat sa pagtakbo ng may mga nagkukumpulan na estudyante, kaya sinabihan namin sila na padaanin kami para makita ang dahilan ng pagkukumpulan nila.
Para kaming na-estatwa ng makita namin ang dalawang kaibigan ni Maisie na sinasabunutan si Zarmaine at si Zarmaine naman ay pilit na tinatanggal ang kamay nitong dalawa.
Napaikyad nalang kaming lahat na nanonood sa kanila dahil biglang bumagsak sa sahing ang isa sa dalawang kaibigan ni Maisie at biglang nagmura si Zarmaine.
"Tang'na! Ang haba ng kuko mo! Nasugatan mo anit ko!"
WOW as in WOW!
Ang tapang netong babae na'to.
Zarmaine's Point of View
Buong klase akong lutang dahil hindi parin ako maka-move-on sa nangyari kanina. Tapos na ang klase namin at oras na ng uwian.
Inayos kona ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom. Nasa court na ako nang may biglang humarang sa harapan ko at ang sama ng tingin nila sakin.
Problema ng mga alipores ni Maisie sakin?
Bigla nalang akong bumagsak sa sahig dahil sa lakas na pagkakasampal ng isa sa kanila sakin.
Hindi pa nga ako nakaka-recover sa pagsampal sakin ni Maisie kanina tas sasampalin na naman ako ng mga ito!
Agad kong tinignan ng masama ang dalawa habang hawak-hawak ko ang kanang pisngi ko.
Ang saket kaya!
YOU ARE READING
Royal Blood (COMPLETE)
AcakThere was a girl who live in simple life. She didn't know that her true family is a mafia and also a royal too. She transfer on Emerson Academy because her tita said that her big bro is a student on this school. Will she know that she is a mafia? Wi...