Ellie's Point of View
Breaktime na namin ngayon kaya inayos na namin ang mga gamit namin bago pumunta sa canteen.
Napansin kolang na nakapulupot ang braso ni Zar kay Alliah. Lumapit ako sa kanilang dalawa at pinulupot ko rin ang braso ko kay Zar. Bale si Zar ay nasa gitna. Nasa likod lang namin ang mga boys dahil nasa harapan nila kami.
Nang nakarating na kami sa canteen ay agad kaming umupo kung saan nakaupo sila Maisie. "Hi Kyla, ba't ngayon nalang kayo sumabay sa amin?" Tanong ko kay Kyla pero kasama na dun si Mariane. "Ahh... May ginagawa kase kaming project ni Mariane kaya ngayon lang kami nakasama sa inyo." Sagot ni Kyla.
"Ano gusto niyo? Kami na ni Shawn o-order."
Sinabi na namin sa kanila ang order namin at sila na ang nag-order. Maya-maya pa ay nakabalik na sila dala-dala na ang mga pagkain. Kinuha na namin ang aming mga pagkain at nag-umpisa nang kumain.
"Ay! Oo nga pala. Sis, sasali kaba sa dance contest?" Tanong ni Zar kaya napatigil kami at tumingin kay Maisie. "Ofcourse! Sasali ako noh!" Hyper na sagot ni Maisie. "Kayo Mariane? Sasali rin ba kayo?" Tanong ko sa kanila. "Hindi eh. Pero iche-cheer namin kayo." Sagot ni Mariene at ngumiti.
"Pero sis, ano naman ang isasayaw natin? Remember, 2 days nalang ang dance contest it means, dalawang araw lang ang practice natin."
"Ay, oo nga noh? Kayo, ano gusto niyong sayawin?"
"Hmm... Eh kayo boys? Ano sasayawin ninyo?" Tanong ko para mapatingin sila sa mga boys. "Ewan ko sa kanila Razzel." Sagot ni Ash at sumubo ng spaghetti. "Si Axton ang tanungin ninyo huwag ako." Sagot naman ni Razzel kaya napatingin kaming lahat kay Axton.
"Fever. Fever ang sasayawin namin."
Nalaglag ang panga namin ni Zar dahil sa sasayawin nila. Kpop lover kaya kami.
Fan din ako ng Blackpink at BTS. Si Zarmaine naman, fan siya ng Blackpink, BTS, at Enhypen. Btw, back to the story na. Nagtataka silang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Zar.
"Anyare senyo?"
"Ba't kayo nakangangang dalawa?"
"Nanlaki pa ang mata ninyo?"
"S-sino ang k-kumanta ng 'Fever'?" Kabadong tanong ni Zar. Kumunot ang noo ni Axton dahil sa Ikinikilos at sa tono ng tanong ni Zar. "Kpop ba kumanta?" Nalipat naman ang tingin nila sa akin. "Oo. Enhypen ang kumanta." Sagot ni Axton habang nakakunot ang noo na nakatingin kay Zar.
"Kyaah! Seryoso?" Nakangiting malapad na tanong ni Zar. "Oo nga." Sagot ni Axton kaya inalog-alog ni Zar ang braso ko.
"Kyaah! Sasayawin nila Fever by Enhypen!" Tili ni Zar at hindi parin tumitigil sa pag-alog sakin. "A-aray Zar! Oo narinig ko, hindi ako bingi!" Inis na sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Sandali nga lang. Bakit ganyan reaction mo Maine?"
"Oo nga, don't say na fan ka ng kpop?"
"Alam mo siguro yung sasayawin nila noh?"
"Hindi lang alam, kabisado kopa!" Proud na sabi ni Zar. "Oyy, hindi lang ikaw ang naka-kabisado ng sayaw noh. Kabisado ko rin kaya!" Singit ko sa sinabi ni Zar. "Yun oh! Dun muna kami sa inyo Maine, papanoorin din namin kayong sayawin yung 'Fever'." Sabi ni Ash kaya tumango nalang kaming dalawa ni Zar.
Magiging dacerist ako mamaya hehehe.
Zarmaine's Point of View
Nandito na kami ngayon sa classroom namin at nagkwe-kwentuhan. Si Lux ay nasa upuan niya lang at nagbasa lang nang libro.
YOU ARE READING
Royal Blood (COMPLETE)
RandomThere was a girl who live in simple life. She didn't know that her true family is a mafia and also a royal too. She transfer on Emerson Academy because her tita said that her big bro is a student on this school. Will she know that she is a mafia? Wi...