CHAPTER 19

441 7 0
                                    

Zarmaine's Point of View

Uwian na at nandito kami ngayon sa van papunta sa amin. Nag-usap kase kami na duon daw sila sa bahay ngayon tutuloy. Kinulit kase nila ako ng kinulit kaya pumayag nalang ako pero magpapaalam pa sila kay tita.

Nandito na kami ngayon sa bahay namin at sabay-sabay kaming bumaba at kumatok na ako sa pintuan. Bumukas agad ang pinto at pinapasok na kami.

Bahala sila kapag hindi pumayag si tita.

"Tita, may sasabihin sila sayo." Sabi ko at ibinaba ko na ang bag ko sa sofa. Sila Razzel, Axton, Lux, Alliah at Maisie ay na kaupo sa sofa habang sila Shawn at Ash naman ay kumuha ng tubig.

Diba, feel at home lang ang dalawa.

"Ano yon?" Tanong ni tita sa kanila. "Tita, pwede po ba kaming matulog ngayon dito?" Agarang tanong ni Maisie kaya nanlaki ang mata ni tita.

"S-sigurado kayo?" Tanong ni tita sa kanila. Tinignan ako ni tita pero nagkibit balikat lang ako.

Hindi ko alam ang trip ng mga yan.

"Tita please." Sabi ni Shawn with matching cute effect pa. "Sige na po tita." Pagpupu-pumilit ni Razzel kay tita at ganun narin ang iba.

"Sige na nga." Pagsuko ni tita sa kakulitan nila. "Pero saan kayo matutulog eh dalawa lang naman ang kwarto dito." Sabi ni tita. Nagsitinginan sila bago tumingin ulit kay tita.

"Kami pong mga lalaki dito nalang po kami matutulog sa sala."

"Ayoko nga!" Sigaw ni Axton dahil hindi siya sang-ayon sa sinabi ni Razzel. Agad siyang tinignan ni Razzel na nakakunot ang noo habang siya naman ay magkasalubong ang kilay.

Kumuha muna ako ng tubig bago sila panoorin sa pag-tatalo ng dalawa.

Mukhang may magkakarambulan ah?

"Anong ayaw mo? Sinabi na ni tita na dalawa lang ang kwarto dito."

"Edi dun ako sa isa."

"Yung isang kwarto ay kwarto ni tita at yung isa naman ay kwarto ni Zarmaine!"

"Edi dun ako sa kwarto ni Zarmaine!"

Agad kong naibuga ang tubig na iniinom ko at umubo-ubo. Agad namang pumunta si Maisie sakin at hinagod ang likod ko.

Taena...

"A-anong bang pinagsasasabi mo?!" Sigaw kong tanong habang umuubo parin. "Ayoko dito sa sala matulog kaya duon ako sa kwarto mo matutulog." Sagot naman neto'ng siraulo na'to habsng naka-cross arm.

"Anong dun sa kwarto ko?! Siraulo kaba?! Babae ako at lalaki ka!"

"Eh hindi naman tayo magtatabi!"

"Sa ayaw at sa gusto mo dito ka sa sala matulog!"

"AYOKO NGA!"

"EDI UMUWI KA NA LANG!"

"Aishh! Oo na! Oo na! Dito na ako sa sala matutulog!" Sabi niya habang masama ang tingin sakin. Sinamaan ko rin siya ng tingin.

Akala niya siya lang ang marunong tumingin ng masama, ako rin noh!

"Ok..... Kumain na muna tayo bago natin ihanda ang mga higaan niyo dito. Kayo girls, duon nalang kayo sa kwarto ni Zarmaine." Pagtatapos ni tita sa usapan at pumunta na sa kusona at nag-umpisa ng maghain ng pagkain.

Tinulungan naman siya nila Ash, Shawn, Alliah at Maisie. Si Razzel ay pumunta na ng cr para makapag-palit ng damit. Si Lux naman ay naglalagay ng mga plato sa lamesa at si Axton naman ay naka-upo lang sa sofa at masama parin ang tingin sa akin.

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now