CHAPTER 8

573 17 0
                                    

Razzel's Point of View

"Zarmaine!" Sigaw ni Alliah.

Z-zarmaine? B-bakit parang pamilyar yung pangalan na yun sakin?

Tinitigan ko ng mabuti ang babaeng sinampal ni Maisie at nakita ko ang kwintas niyang suot-suot.

Para na akong chinese dahil sobrang singkit na ng mata ko para tignan ng mabuti ang kwintas. Nakita ko ang pendant ng kwintas at...

Crescent moon ang pendant ng kwintas niya.

Biglang kumunot ang noo ko dahil ang ganong pendant ay sumisimbolo bilang isang Hudson.

Napaikyad nalang ako dahil sa sobrang lakas na pagkakasampal niya kay Maisie.

"Shots." Mahinang sabi ni Ash nang dahil sa pagkagulat. Nakaupo na ngayon sa sahig si Maisie at sobrang pula ng pisngi niya.

"Hinahayaan kitang i-bully mo ako. Pero ang ayoko lang, yung pangbu-bully mo ng physical sakin." Mahinahon niyang sabi ngunit kita mo sa kanyang mata ang galit na nararamdaman niya.

Tumayo si Maisie habang tinutulungan siya ng mga alipores niya at sumigaw na ako.

"TUMIGIL NA KAYO."

Agad na napatingin samin ang lahat pero ang dalawang ito....

Sa isa't-isa nakatingin. Lumapit ako sa kanilang dalawa at pumagitna. Una ko munang tinignan ang babaeng nasa kanan ko na Zarmaine ang pangalan.

"Magbihis kana." Mahinahon kong sabi sa kanya. Tinignan niya muli ng masama si Maisie bago umalis.

Susundan pa siya ni Alliah pero hinawakan ko muna siya sa braso niya at binulungan. 

"Pagkatapos nung babaeng yun na magbihis, pumunta kayong dalawa sa tambayan natin." At binitawan kona siya.

Kahit na nagtataka siya sa sinabi ko sa kanya ay tumango siya at sinundan na niya.

Lumingon ako kay Maisie at halos umusok na ang tenga at ilong niya sa galit.

"Maisie, pumunta kana sa classroom niyo." Ako naman ngayon ang binalingan niya ng masamang tingin.

"Sundin mo ang mafia prince." Napalingon kami kay Axton-ang mafia king sa sinabi niyang iyon.

Walang nagawa si Maisie kaya umalis na siya ng canteen kasama ng mga alipores niya.

Niyaya ko silang lahat na sa tambayan muna kami pumunta. Nag-antay kami ng ilang minuto at dumating na silang dalawa.

Ikaw na ba?

Ikaw naba ang matagal naming hinahanap?


Zarmaine's Point of View

"Bwiset na yun." Inis kong sabi habang nagbibihis ako ng damit. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos, lumabas na ako ng cr.

Nakita ko si Alliah na ngayon ay nakatingin sakin at ang kanyang mata ay may pag-aalala. 

"Ok ka lang? Hindi ba masyadong masakit ang pagkakasampal niya sayo?" Sabay tingin niya sa kanang pisngi ko.

"Ok lang ako." At nagpilit ngiti nalang ako sa kanya. Napabuntong hininga naman siya at tinignan ako ng seryoso.

"Pinapapunta tayong dalawa ng mafia prince sa tambayan namin."

Agad na lumaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "P-pero... B-bakit?" Kabadong tanong ko sa kanya. 

"Don't worry, mabait yun si Razzel. Let's go?" Yaya niya sakin.Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Nakarating kami sa field ng school na'to at habang sinusundan ko si Alliah ay hindi ko parin maiwasang kabahan.

Hindi kase nakapagpigil kanina.

Konsensya naman... Kinakabahan na nga ako eh!

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa may nakita kaming bakanteng mga classroom at nagsalita na siya. 

"Nandito na tayo. Ako muna ang unang papasok." Sabi niya at pumasok na. Maya-maya ay lumabas na si Alliah at pinapapasok na ako.

Ohmygesh!

Nung pumasok na ako lahat ng mata nila ay nasa akin. Tinignan ko ang mafia prince dahil siya ang nagpatawag sakin at kakaiba ang kanyang tingin sakin. 

"U-uhm... P-pinapatawag m-mo daw a-ako?" Kabadong tanong ko sa kanya. "Yeah, may mga gusto lang akong itanong sayo." Seryoso niyang sabi. 

"U-uhm... A-ano yung mga itatanong mo?" Kabado ko paring sabi.

"Ano ang pangalan mo?" Tanong niya sakin. "Z-zarmaine." Kabado kong sambit. 

"Buong pangalan mo." Pagklaklaro niya. "Z-zarmaine... Z-zarmaine Trinidad." Naging kakaiba ang awra nila na ipinagtaka ko. Bumalik ang tingin ko sa mafia prince at parang maluluha na siya.

Anong nangyayari sa kanila? Sinabi ko lang naman pangalan ko ahh.

Gusto nang kumunot ng noo ko dahil sa mga itsura nila. "C-can i know kung sino ang magulang mo?" Halatang iiyak nato ng wala sa oras.

"H-hindi ko kilala ang magulang ko. Iba ang nag-alaga sakin." Pagsasabi ko ng totoo. 

"Kung ganon... Sino ang nag-aalaga sayo?" Napatingin kaming lahat sa mafia king at nagumpisa ng kumunot ang aking noo.

"Bakit niyo ba tinatanong?"

"Just answer our questions! Sino ang nag-aalaga sayo?" Tumaas ng kaunti ang boses niya na nagpatakot sakin ng kaunti kaya wala akong magawa kundi sagutin ang mga itinatanong nila sakin. 

"Si tita M-mellie... Mellie Trinidad." Seryoso kong sabi. Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagulat ako sa ginawa ng mafia prince.

NIYAKAP NIYA AKO NG MAHIGPIT AT UMIYAK NG UMIYAK!

Hala ka...

Anong nangyayare?!

"T-teka l-lang..." Sabi ko habang kumakawala ng kaunti sa yakap niya. 

"Sa wakas. Sa wakas at nahanap ka narin namin." Sabi ng mafia prince habang humahagulgol ng todo.

Napatingin ako sa kanilang lahat at ang mga itsura nila ngayon ay may nakanganga, nanlaki ang mga mata.

Pagtingin ko kay Alliah ay gulat na gulat ang expresyon niya. Yung mafia king naman ay hindi makapaniwala.

"A-ano bang pinagsasasabi mo?"

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin at humarap ng namumugto ang kanyang mata. 

"Ikaw... Ikaw yung matagal na naming hinahanap. Ikaw yung na--" Naputol ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang bell.

TING! TING! TING!

"Bumalik kana sa classroom mo. Oras na ng klase." Magtatanong pa sana ako ng biglang nagsalita ang mafia king. 

"Sige na." Wala akong nagawa kundi ang tumango sa kanila at mag-isang lumabas at pumunta sa classroom ko.

Ano bang nangyayari?

At ako? 

Matagal na nilang hinahanap? 

Ano bang pinagsasasabi nila?

Ang wierd nila ah!












Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now