" Alam nyo na ba kung ano ung sasalihan nyong club ? " Tanong saamin ni Aika , ngayon na kase ang start ng club week .
" Siguro sa akin , dance club ! " Sabi ni Eunice , tumingin naman silang dalawa sa akin .
" Music club sa akin . " Maikling sagot ko .
" Ay , sakin arts club ! " Sabi ni aika , nan dito kami sa canteen at tinatanaw ang mga BNH students na naglalakad .
Two weeks kase ang club week , hindi talaga ako sumasali sa mga ganyan . Pag ganito ang ganap sa BNH pumutunta ako sa ice rink at doon na nanatili , minsan hindi ako pumapasok dahil wala naman akong gagawin .
Pero ngayon , dahil may deal kami ni mommy ay sasali ako . Hindi ko alam kung makakapasok ako pero at least sumali ako di ba ? That's counted .
" Brave Night's , please assemble to the stage . Again , Brave Night's please assemble to the stage . Thank you . " Tawag sa speaker na nasa canteen , alam kong boses iyon ni ate .
Tumayo na kami at pumunta sa stage , nang makapunta ay lumabas sila sa backstage at isa isang nag lakad .
" Now here we are again and we will start another club week . I hope you are all good so that you can enter the club you want. " Bati ni SP , na si kuya Zeke . Si ate naman ay nakatingin sa amin at ng mamasid .
" Katulad ng sinabi namin sa into kahapon ay may mga club tayo , ung mga club na iyon ay makakatulong para sa inyong self esteem . Just enjoy this two weeks . " Nakangiting sambit naman ni ate .
Nagsipalakpakan sila at naghiyawan , napatingin ako kay Zack na para bang may hinahanap . Napairap naman ako , bati ba naman dito .
Siniko ako ni Eunice at tinaasan ng kilay . Napakunot naman ang noo ko .
" Bakit ? " Takang tanong ko sa kanya .
" Sinong iniirapan mo ? " Tanong nya sa akin , napalingon naman si aika at tumingin rin sa akin .
" Huh ? Wala , makinig na lang kayo jan . " Pag iiba ko ng usapan . Kahit na hindi sangayon sa aking sinabi ay wala silang nagawa at nakinig na kang sa sinasabi nila ate .
" The president from 1st to 3rd year , please come up here . " Tawag ni kuya Zeke , nan laki naman ang mata ko . Bakit kailangan umakyat !?
" Adora , tawag ka ! " Sabi ni aika at tinapik ako , ayaw ko ! Bahala sila jan !
" Garcia , ikaw ung president . Punta ka daw 'don . " Rinig kong tawag sa akin sa likod .
Binaniwala ako iyon at hindi nilingon , nagtatakang tumingin sa ate sa baba at hinahanap ako . Ako na lang kase ang wala doon .
" Adora Lyn . " Tawag sa akin ni ate , napairap at napakunot ang noo ko . Ano ba naman kase 'yan , e !
Wala na akong nagawa at lumakad na papuntang stage , ngunit ang space na lang na natitira ay sa tabi ni Ruiz . Lalo akong nainis .
Hindi ako lumapit sa kanya say halip ay sumingit ako sa gilid ni kiel at tsugi , nagulat sila pero wala na silang nagawa kundi umusog na lang .
YOU ARE READING
My Heart Is Captivated ( The Seeds Series # 1 )
RomanceZack Ruiz Ramirez , the youngest son of Ramirez Company . He has an older brother , he and his brother made a band . The band consist of five members , and their band called , " The Seeds " . Adora Lyn Garcia , the smart student and a varsity of BN...