This is the Chapter Two , Happy Reading !!
" Adora Lyn !! Gumising ka na nga di'yan ! " Sigaw ni Ate Azela , gumuling ako papakaliwa at tinakpan ang aking tenga ng unan .
" Isa ! Malalate na tayo sa school ! Unang araw pa naman , Gising na ! " Sigaw ulit nya sabay alog , wala na akong nagawa at tumayo na.
" Ate naman , e ! Sarap pa ng tulog ko , susunod na lang kase ako ! " Pagmamaktol ko kahit na nakatayo na ako .
" Hoy , Adora Lyn ! 3rd year highschool ka na ! Pede bang itigil mo na 'yang katamaran mo ?! Bilisan mo jan , dapat pag pasok ko ulit dito nakaligo at nakabihis ka na . Kundi , nako . " Sabi nya at iniwanan na ako sa kuwarto . Si ate talaga , ang aga aga talo pa si mama kung mag salita.
Natapos na akong maligo at magbihis , hindi naman ako bago sa BNH , pero ayaw ko lang talaga sa unang araw ng pasukan . Pero wala akong magawa , kahit na hindi ako nagaaral ng mabuti ay nakakakuha parin ako ng mataas na marka .
Si ate Azela talaga ang magaling sa pagaaral sa aming tatlong mag kakapatid , sumunod ako kay ate , at ang sunod ay ang bunso naming si Athena .
" Ate , ang tagal mo daw , ingungudngud ka daw ni Ate Layne pag hindi ka pa daw bumama . " Sabi ni Athena pagpasok sa aking kuwarto .
" Oo saglit lang . " Sabi ko habang ng susuklay .
Bumaba na ako sa hagdan bitbit ang aking bag , nag makarating sa hapag ay umupo na ako . Nagulat ako ng nan dito si daddy , minsan minsan lang kase namin siyang makasabay sa almusal . Kase minsan may kailangan syang gawin at minsan rin ay inabot sya ng umaga say kanyang trabaho .
Mabuti na lang ay si Ate Azela ang mag mamana ng companya ni daddy kase kung ako 'yon ? Hay nako , ewan , siguro pag labas ko 'don Lola na ako .
" Athena , nasabi sa akin ni Mrs . Velasquez na may parent meeting daw kayo this afternoon ? " Tanong ni mommy habang kumakain na kami .
" Hindi ko rin po alam mommy . " Sabi ni Athena at kumain ulit .
" Para saan ba ang meeting na iyon Azela ? " Tanong naman ni daddy kay ate .
" Para po 'yon sa safety regulations ng school , may pipirmahan mo ata kayong waiver tungkol kung sinong mag susundo sa anak nyo . Parang ganon po . " Pag papaliwanag ni ate , ako naman ay nakikinig lang dahil wala naman akong alam sa mga ganyan .
Alam kase ni ate Azela ang mga ito dahil isa sya sa mga officers ng school . Sinubukan nga nya akong pasalihin jan pero umayaw ako , ayaw ko ng stress bahala sila Jan .
" Ikaw , Adora ? Alam mo na ba ang gagawin mo ? " Tanong ni mommy sa akin .
" Opo naman , ang dali-dali lang kaya . Sasali lang ako sa isa sa mga club na gagawin ng school , tama ba ? " Tanong ko sa kanila.
" Oo at ang kapalit non ay puwede ka ng mag join sa Ice Skating Practice . " Nakangiting sambit ni mommy , pero hindi nakatakas sa akin ang tingin ni daddy sa akin . At hindi nga ako nagkamali .
" Bakit ba gustong gusto mo iyan ? Di ba magiging engineer ka ? Mas maganda iyon kase sa paggiging skater mo . " Sabi nya at humigop ng kape . Napatigil si mommy sa pagkain at tinginan si daddy .
" Hobby ko lang po 'yon daddy , Hindi ko naman sinabing magiging trabaho ko iyon . " Walang ganang sabi ko , una palang alam kong ayaw nya na doon .
" She's right hon , she just like playing with the ice . " Nakatingin sambit ni mommy pero walang sinabi si daddy at ng patuloy na lang sa pagkain .
YOU ARE READING
My Heart Is Captivated ( The Seeds Series # 1 )
RomanceZack Ruiz Ramirez , the youngest son of Ramirez Company . He has an older brother , he and his brother made a band . The band consist of five members , and their band called , " The Seeds " . Adora Lyn Garcia , the smart student and a varsity of BN...