" Adora , do you like me ? " Napatingin ako kay Zack , naglalaro kami ngayon sa garden habang sila ate at kuya Zeke ay may ginagawang project .
" Pano pag sinabi kong oo ? Anong gagawin mo ? " Matapang kong tanong sa kanya . Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko .
" Edi papakasalan kita ! So , don't you dare to have a boyfriend . Kasi dapat ako lang , ok ? When we grow up , I will marry you , got it adora ? " Nakangiting sabi nya , tumango ako at sabay kaming napatawa .
Ruiz , tingin ko hindi mo na matutupad ung sinabi mo sa akin noon . Nagiba ka na . Hindi ka na ung ruiz na kilala ko .
" Adora ! Anong ginawa mo !? " Pagalit na sabi sa akin ni daddy . Nanginginig ako ngayon habang nakatingin sa nakahandusay na katawan .
" I-i didn't mean it , daddy ! I-it was an accident ! I-i ... " Hindi ko alam ang sasabihin ko , hindi ako ang may kasalanan . Hindi ko ginusto ito !
Wala akong ginawang masama . Hindi ko iyon ginusto . Maniwala kayo .
" Adora , you killed your grandma ? "
" Kasalan ng bata iyan ! Dapat hindi mo na lang 'yan inampon ! Anak mo lang naman 'yan sa labas ! Dapat pinabayaan mo na lang iyan ! "
" Adora , I don't like you . "
" Oh , my beautiful granddaughter , adora . "
Dahil sa aksidenteng 'yon , nagbago ang buhay ko . Hindi ko kasalanan iyon ! Iniwan nyo ako sa kanya ! Kayo ang may kasalanan , hindi ako !
" Adora , adora wake up ! Adora Lyn ! " Napabangon ako at nakita si ate sa tabi ko .
" Ayos ka lang ba ? Narinig ko ang balita , patingin nga ng kamay mo . " Kahit nag tataka ay binigay ko ang kamay ko kay ate , nan dito pala kami sa clinic room .
Matapos kase kaming kumain nila aika at Eunice , tinawag sila ng leader ng club na sinalihan nila . Wala naman akong gagawin kaya naisipan kong matulog muna dito sa clinic room .
Bakit ko nga ba iyon napanginipan ? Anong ibig sabihin non ?
" Ate , kailan nga ulit ang death anniversary ni grandma ? " Tanong ko sa kanya , halatang napatigil siya bago tumingin sa akin .
" Bukas , bukas na ang anniversary nya . Sasama ka di ba ? " Mahinanong tanong nya , hindi kase ako sumasama simula noon . Umiling ako , ayaw ko .
" Adora , it's been 12 years . Hindi mo 'yon kasalanan . " Napatingin ako sa kanya at nakitang ngumiti sya sa akin , umiling ulit ako .
" Sabi nila kasalanan ko iyon , ikaw lang ang nagiisang pumapanig sa akin . Bakit , ate ? Kahit hindi mo ako kadugo ay ganyan ang trato mo saakin ? " Tanong ko sa kanya , tumabi sya sa akin at hinaplos ang pisnge ko .
YOU ARE READING
My Heart Is Captivated ( The Seeds Series # 1 )
RomanceZack Ruiz Ramirez , the youngest son of Ramirez Company . He has an older brother , he and his brother made a band . The band consist of five members , and their band called , " The Seeds " . Adora Lyn Garcia , the smart student and a varsity of BN...