Hi! So sorry ngayon lang ulit nakapag-update busy kasi ako sa klase namin... Ngayon bakasyon na kaya makakapag-update na ako ulit.
Third Grading:
Dahil mabilis ang panahon at paulit-ulit ang cycle ng buhay online class ni Jeck ay hindi niya namamalayang nakakapag-adjust na siya.
Second Grading: Rewind
Alas-otso ang schedule ng klase ni Jeck.
"Jeck, bumangon ka na at maliligo ka pa" -nakangiting sabi ni Aling Pilla sa anak.
Bumalikwas pa muna ng higa si Jeck paharap sa pader bago sumagot. "Anong oras na po?" -lalamya-lamyang tanong ni Jeck.
Sinilip pa muna ni Aling Pilla orasan bago bumaling ulit sa anak.
"Alas-sais na, bumangon ka na at magaayos ka pa ng gagamitin mo" mahinahong sabi ni Aling Pilla bago pumanhik sa ibaba.Mabilis na tumayo si Jeck at nag-unat, luminga siya sa paligid at hinanap ang kaniyang kapatid.
"Tina?" tawag ni Jeck sa kapatid. Nang hindi niya ito makita agad siyang bumaba sa ibaba upang kamain na lang. "Ma?" tawag niya sa ina. Humarap naman ito sakaniya at lumapit.
"Ano 'yon? Hinahanap mo ba ang kapatid mo?" tanong ni Aling Pila, tumango naman sakaniya si Jeck. "Nasa banyo na at naliligo" nakangiting sagot ni Aling Pilla.
Nilapag niya ang mga pagkain sa harap ni Jeck. Tulad ng nakasanayan, itlog, hotdog at sinangag ang agahan. Masayang kumain si Jeck at maya-maya pa...
"MAMA!!" tinig ni Tina ang bumasag sa katahimikan sa ibaba. Nasa taas na ito at nag-aayos ng gagamitin. Na-alerto sina Jeck at Aling Pila sa sigaw nito.
"Ano iyon?" aligagang tanong ni Aling Pilla. Nagmadali siyang umakyat kay Tina at hindi alam ang gagawin. "Bakit? Ano'ng nangyari?" hindi mapakaling tanong ni Aling Pilla.
Napapa-atras naman sa gulat si Tina sakaniya, "Nay? Yung internet mabagal!" reklamo ni Tina. Doon lang napawi ang kabalisaan ni Aling Pilla at nagugulat na nilingon ang anak.
"Sus Maryosep? Iyon lang at nagsisisigaw ka na?!" naiinis na tanong ni Aling Pilla. Bumabalik ang dating ugaling nakasanayan.
Napapakamot na lang sa ulo niya si Tina at hindi malaman ang ipapakitang reaksyon.
"Sorry na po nay. Hihintayin ko na lang pong magbilis. Hehe" napapakamot niyang sabi sa ina. Tinanguan siya ni Aling Pila bago sinamaan ng tingin at bumaba.
"Ma, ano raw po ang nangyari?" kalmadong tanong ni Jeck. Sinalubong niya ang ina mula sa hagdan.
"Mahina raw ang internet!" -Aling Pilla nung naiinis na.
"Ahh ganun po ba" - Jeck "Tapos na po akong kumain at nahugasan ko na po ang pinagkainan ko po. Aakyat na po ako para maligo" nakangiting umakyat si Jeck sa itaas at naligo.
10 minutes later...
"Kuya? Ang aga ah!" tatango-tangong bungad ni Tina sa kapatid.
"Ahh! Ang aga ng reklamo sa internet?" pang-aasar ni Jeck.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Tina.
BINABASA MO ANG
Online Class - (COMPLETED)
Historia CortaSa story na ito, mababasa mo ang kakaibang ugali at kasiyahan ng mga estudyante. Malalaman niyo kung ano nga ba talagang uri ng buhay ang meron ang isang estudyante sa loob at labas ng eskuwelahan. Kung paano siya sa kaniyang mga magulang makitungo...