The Next Day.
Nakatulugan nina Aling Pilla, Mang Raul, at Jeck ang paghahanap.. Buong magdamag na natulog si Jeck, hindi na mamalayan ang takbo ng oras.
Isang umaga, sa kalagitnaan ng kaniyang pagtulog. Mayroong isang pamilyar na boses ang gumigising sakaniya. "Kuya! Kuya!" sabi nito.
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Jeck upang siguraduhing ang tinig na iyon ay iyon ngang sa may-ari.Nung nagmulat ang kaniyang mata, dali-dali siya bumangon at hindi makapaniwalang tumingin sa babaeng nasa kaniyang harapan.
"Tina?" nagugulat at hindi makapaniwalang reaksiyon ni Jeck. Nagtatakang tumingin naman sakaniya ang kaniyang kapatid.
"Bakit kuya?!" napipikon na tugon nito, "Hoy! Para sabihin ko sayo na... Nananaginip kang pagong ka!!" malakas pa nitong dagdag.
Nagugulahang tumingin sakaniya si Jeck. Animo'y nangangapa sa sitwasyon.
"Paanong...?" nagtataka ulit niyang tanong, "Hindi ba't nawawala ka?" hindi makapaniwalang tanong pa niya.
Napapikit sa inis ang kaniyang kapatid. Nawawalan na ng pasensya. "Sinabi ng nananaginip ka eh! Paulit-ulit na lang? Ha?!" naiinis na niyang sigaw sa kapatid.
Napakamot na lang ng ulo si Jeck, dahil sa nangyari. Tumingin si Jeck sa orasan at nakitang sabado ngayon at walang pasok. Nakita rin niya ang oras, syempre dahil orasan nga. Alas sais pa lang ng umaga.
Tulad ng kaniyang nakasanayan na tuwing walang pasok ay bumaba na ito. Tama nga ang kaniyang hinala, tulog pa ang kanilang mga magulang.
"Hoy! Tina, halika nga rito??" nagmamadaling tawag ni Jeck, nilapitan naman siya ng kapatid ng may nababagot na tingin.
"Hm!" - malalim na hininga ni Tina.
"Wala na pa lang mantika?" - Jeck.
"Edi bumili ka" - Tina.
Agad na bumalik si Tina sa paglalaro niya at nanahimik ulit. Nakamot na lang ni Jeck ang kaniyang noo.
"Bubuksan ko na lang yung ref, baka may butterrr" mahinang bulong pa ni Jeck sa sarili.
Binuksan nga niya ang ref at nagliliwanag ito!! 😊
*Dan-Dan-Dan*
Merong BUTTER!!
pagkakita ni Jeck sa butter ay kinuha niya ito. Naghanda na siya ng kawali at naglabas ng iluluto. Pagkatapos niyang pina-init ang kawali ay saka niya inilagay ang butter. Pagtas ay hinintay niya ulit mag-init, saka niya sinimulan ang pagluluto.
Alas-siyete-onse na nung natapos ni Jeck ang pagluluto. Inihain na niya ang mga Fried Rice niyang may Hotdog, itlog at carrots. Hinain din niya ang Sunnyside-ups niya. Naglatag na rin siya ng plato niya sa mesa.
"Wow!" - Tina, "Mukhang mabango yan ah!"
"Yes naman po madam!" - Jeck
"Okay! Pwede na po ba kuya kumain, yieee!" - Tina
"Geh!" - Jeck.
"Aba! Napakasarap naman yata niyan!" sabi nang babaeng nasa palapag ng hagdan. Si Aling Pilla.
Lumingon naman sila sa gawing iyon at binati ang kanilang ina,
"Morning Mother" - Tina.
"Morning Mama" - Jeck.
"Magandang umaga sainyo." tugon ni Aling Pilla at saka naupo sa mesa.
Nagsimula na silang kumain.
"Hoy, Tina." pagtawag ni Jeck sa kapatid. Natapos na silang kumain at tulog pa rin ang kanilang ama. Si Jeck ay nasa lababo habang si Tina ay nasa salas.
"Hoy yer feyz!" bulong ni Tina, "Mm" tugon niya.
"Akala masama ang pakiramdam mo?" tanong ni Jeck.
"Ahh, yes... Magaling na kasi uminom na akong gamot, pero iinom pa rin para hindi na bumalik" sagot niya, "Why?" - Tina
"Wala naman" - Jeck.
Pareho na nilang tinapos ang gawaing bahay at namahinga.
Tic-Toc-Tic-Toc-Tic-Tok
Lumipas ang oras at walang ibang ganap..
To be continued
Sorry po.. Naubos na yung imaginations ko, hehe.
BINABASA MO ANG
Online Class - (COMPLETED)
Short StorySa story na ito, mababasa mo ang kakaibang ugali at kasiyahan ng mga estudyante. Malalaman niyo kung ano nga ba talagang uri ng buhay ang meron ang isang estudyante sa loob at labas ng eskuwelahan. Kung paano siya sa kaniyang mga magulang makitungo...