"Masarap sanang magpuyat at gumising ng tanghali, sayang nga lang may pasok na ngayon" - Jeck.
"Ano ba kuya, stop dreaming" - sabi ni Tina
Tawag na naman ang mother nila.
"Jeck, Tina, maliligo pa kayo, kumain na. Dadaan na naman ang bust at hindi na naman kayo makaka-abot!!" - Pagmamadali ng nanay nila.
Jeck: Ma, wait ka lang po, relax ok?
Mama: Relax!? Wag mo akong madaan-daan sa pambobola mo. Hindi ako natutuwa.
Tina: Mother, wag ka na po magalit.. hehe
Mama: Mother, mother!? Iba yata ang lagay ng aura mo ngayon ha!? Gusto mong mother, mother, mayaman ka ba?!
Hindi na lang pinansin nila Jeck ang nanay nilang araw-araw namang ganoon. Ilang sandali pa ay nag alas-sais na at malapit ng dumating ang bus. Tatalong pu't tatlong minuto naligo ang dalawa, isa sa banyo sa baba at isa sa taas.
"Beep-beep!!"- Tunog ng bus
"ANDIYAN NA ANG BUS, BILISAN NINYO, SINASABI KO NA NGA BA..."-sabi ng mama nila.
"Manong, kamusta po.. Haha"- Bati ni Jeck
Driver: Okie lang.
Sumampa na sila ni Tina sa bus at namili na ng uupuan. Pagdating sa school ay nagsitakbuhan ang mga estudyante, napansin ito ng Guidance Counselor at pinatawag sila sa office niya.
Ms. GC: Students, why are you running?
Hindi makasagot ang mga bata kaya sinabi ng Guidance Counselor, "Students, next time I dont want all of you to run when alighting the bus, ok?"
Pinapasok na ng Guidance counselor ang mga bata sa kani-kanilang mga silid. Nung pumasok si Jeck ay natapid siya nang kaniyang kaklaseng si Allissa.
Allissa: Sorry Jeck, di ko naman sinasadya ingat ka na lang next time.
Jeck: Ahh, sige okay lang..
Nagdi-discuss na si Ma'am Maalaga nung nakatulog si Alvin. Sigaw ni Ma'am Maalaga.
"ALVIN, LAGI KA SIGURONG PUYAT.. KAHAPON, HUMIKAB KA THEN NOW MATUTULOG KA!? I NEED TO TALK TO YOUR PARENTS." - sermon ni Ma'am nung magising si Alvin.
Pagkatapos magdiscuss ni Ma'am Maalaga nagpaquiz.
"Get one whole sheet of paper then number it from 1-10."- Sabi ni Ma'am Maalaga.
Nagstart na ang quiz, nagcheck at ang nakuhang score ni Jeck ay isang mahiwagang 3/10.
"Migo got the highest score 9/10. Jeck, what happened, akala ko makakaperfect score ka nanaman." - Sabi ni Ma'am Maalaga
Lunch:
"Uy si Marian, day dreaming, sino kaya iniisip nito?"- Pang-aasar na naman ni Alvin.
"Alvin, napapunta kana sa guidance office di ka pa rin tumitino." - Sagot ni Marian.
"Uh, sino naman kaya ang iniisip mo, kung si Jeck yan hindi ka nun i-ka-crush back."- Sabi ni Alvin
"Gotta go Alvin, 'pag talaga na-upgrade ko na tong kamalditahan ko, don't worry, i will make revenge for you, that's all you want diba? Have a nice Day!"- Palaban na sabi ni Marian
Nagyayam-yam naman si Alvin.
Ilang sandali pa ay nagring na ang bell, "Kring,kring"
bumalik na ang mga bata sa classroom, kalse naman ni Sir. Mabuhay ang sumunod na klase.
"Good afternoon class, how are you, siguro naman ay alam niyo na ang subject natin hindi ba?"- Pag-i-intro ni sir.
Lahat: Yes po!!
"Ok get your notebook and then copy what I'm going to write on the board." -Sabi ni sir.
"Isang mahabang sulatin na naman ang magaganap"- Bulong ni Mira
Pagkatapos magsulat at kumopya ay nagkaroon ng maikling discussion si Sir. Mabuhay.
Sir. Mabuhay: Our topic in English is Simple tense of verb, sige nga give me an example of Simple tense.
Migo: Sir, Present tense po.
Sir. Mabuhay: Simple present tense ok, another.
Jeck: Simple future tense po.
Marian: Simple past tense.
Sir. Mabuhay: Kayo ba ay nag-advance reading?
All: No!
"Ok, tense of a verb indicates the time when an action happens. For example, Classes were suspended yesterday. Were is the verb, therefore it is past tense, because yesterday is nagdaan na po "kahapon", madali lang po ba?" -Paninimula ni sir.
Pagkatapos ng isang oras wala namang naitalang reklamo sa klase ni Sir. Mabuhay. Maaga na-dismiss ang klase nila Jeck dahil sa isang after shock na naramdaman. Pinauwi ang lahat ng estudyante upang maiwasan ang anumang aberya.
"Mama, we're home."-Pagsasalubong ni Jeck
"Mother, early dismissal po kami dahil sa after shock na nangyari."
"Mabuti naman at nakauwi na kayo, alas tres pa lang. Magluluto muna ako ng marindalan." - Tugon ng kanilang nanay.
Schedule nga pala ng pasok nila Jeck ay 8-5. tatalong oras para sa tatlong subject kay Ma'am Maalaga Everyday, isang subject sa isang oras kay Sir. Mabuhay, at dalawang oras para sa dalawang subject kay Ma'am Mapinsala. Isang oras para sa lunch break at 30 minutes para sa recess.
Reminders: This story is fictional, not in real life and the characters in the story are just my imaginations. Kung meron mang pong pangalan na nabanggit ay hindi po sinasadya ng may gawa. Thank you
Natapos ng maghanda ng merienda ang nanay nila habang naglalaro sila ng online games.
"Jeck, Tina, meron na ditong kamoteng kahoy at turon, magmerienda na."-Tawag ng nanay nila
Hindi nanaman siya pinansin ng mga anak niya pero pumunta sila sa lamesa at kumuha ng merienda.
"MGA KAMAY!"- Pagpapaalala ng kanilang nanay.
Na-alarma sila kaya binitawan nila ang mga hawak at naghugas na ng kamay.
Dumating na ang takdang oras para sa hapunan, ang ulam na naman nila ay Nilagang baboy at mainit na kanin.
Sabay-sabay silang kumain at nabusog. Pagkatapos kumain ay naghugas ng pinagkainan si Jeck at si Tina naman ay pinatulog ng maaga.
BINABASA MO ANG
Online Class - (COMPLETED)
Short StorySa story na ito, mababasa mo ang kakaibang ugali at kasiyahan ng mga estudyante. Malalaman niyo kung ano nga ba talagang uri ng buhay ang meron ang isang estudyante sa loob at labas ng eskuwelahan. Kung paano siya sa kaniyang mga magulang makitungo...