HAPPY TRICK OR TREAT (Chapter 4)

16 2 0
                                    

"Yehey!! Lapit na magbakasyon"- Jeck

Sino ba namang hindi happy kapag sem-break diba? Halos lahat ata ng estudyante HAHAHA.

"Kuya ang ingay mo ang aga-aga!"- Naiinis na sabi ni Tina

Tawag sila ng mama niya dahil malapit na mag-7:00.. "Jeck, Tina, tanghali na, bangon na.."

Pagkarinig nila ng boses ng nanay nila ay bumaba na sila.

"Ma, ano po ang pagkain? Baka naman ma may iba naman, bago ba.."-Paninimula ni Tina

"Tina, hindi ka pa ba sanay na ang ulam natin tuwing umaga ay itlog, hotdog, at langgonisa? May sinangag naman ah, masanay ka nga.."- Sabi ni Jeck sa kapatid niya.

"Kuya, masama ba magtanong?"-Sagot naman ni Tina

"Hoy madam, pwede ba wag ka na ngang maingay.. pwede ba?"- Sabi ni Jeck

"Psst, ano yan, kayong dalawa di baga't kumain na lang ng walang ingay.."-Pagsasabi ng kanilang ina.

Ilang sandali pa ay dumating ang kapit-bahay nilang si Aling Matcha.

Aling Matcha: Mareng Pilla, kamusta ka na? Ako'y naparito mangungutang lang, alam mo naman.. pwede ba mare?
Tanong ni Aling Matcha.

Mareng Pilla: Naku mare, nahuli ka sa dating mo. Naipambayad ko na ng utang at tuition ng mga bata.

Aling Matcha: Ay! Sayang, oh sige mauuna na ako. Ingat Mare..

Mareng Pilla: Sige, ingat!

"Sino po yun ma?"- Tanong ni Jeck

"Si Aling Matcha, nangungutang. Alam mo naman yun basta kapag walang pera nangungutang, kapag meron naman nag-oonline shopping."- Sagot ng nanay nila.

Pagkatapos ng ilang saglit ng pasikot-sikot ay nakaligo at natapos na sila sa morning routine nila. Tumunog na ang bus.

"Kuya, the bus is here. Hurry up!"- Pagmamadali ni Tina


"Madam Tina, don't be hurry, rushed ka ba?"- Replied Jeck

"haist kuya, bahala ka na nga sa buhay mo!"- Naiiritang sagot ni Tina

Ilang minuto rin ay nakarating na sila sa school, may decorations sa mga walls at sabit sa ceiling.

"Ay, Wow! Happy Trick or treat, HAHA!!"-Sabi ni Wendy na barkada ni Tina.

"Happy trick or treat!"- Sabi naman ni Tina kay Wendy.

Kahit saan magpunta may design ang paligid. Masayang pumasok sa kani-kanilang classroom ang mga estudyante.
Si Ma'am Mapinsala naman ang teacher nila ngayon, 2 hours para sa 2 subjects.

"Good Morning Class! Is everyone here?"- Pag-aattendance ni Ma'am sa mga energy ng students niya.

All: Good Morning po Ma'am Mapinsala- sagot ng lahat.

Pagkatapos mag-attendance ni Ma'am Mapinsala ay nag-discuss na siya tungkol sa mga Likas na Yaman.

Maam Mapinsala: Ano ang likas na yaman?
Tanong ni Maam Mapinsala sa kaniyang mga students.

"Ma'am, ang likas na yaman is mga yamang nakukuha sa ating kapaligiran"- Sabi ng energetic na si Alvin.

"Very Good! Magbigay nga kayo ng uri ng likas na yaman."- Pagtatanong ni Ma'am

"Ma'am yamang tubig, lupa at mineral."- Deretsong sagot ni Jeck.

Ma'am Mapinsala: Okay, Very Good!
Sagot niya.

Pagkalipas ng dalawang oras ng pagdi-discuss ni Ma'am Mapinsala ay nagpaalam na siya dahil ang susunod na nilang teacher ay si Ma'am Maalaga.

Sa klase ni Ma'am Maalaga ay magugulo sila. Dumating na ang tinakdang oras para sa Trick or treat ng mga preschoolers. Nagbigay ng treats ang mga bata sa kani-kanilang classroom.

After lunch, tahimik na ang lahat sa pagdi-discuss ni Ma'am Maalaga sa dalawa pa niyang natitirang oras para sa dalawa pa niyang natitirang subject.

Recess:

"Ok, Students please be guided accordingly, that tomorrow there is no classes because tomorrow is All Saint's Day, Special Holiday."- Pagpapaalala ni Ma'am Maalaga.

Sa recess ay wala ring natalang kahit na anong reklamo mula sa section nila Jeck, hindi tulad nung mga nagdaang buwan. Klase na ni Sir. Mabuhay at nagsimula na naman siyang magdiscuss at nagpa-quiz.
Checking na sila nung trick or treat ang nakuha ni Mira at ni Allissa.

"Highest score 10/10 passing is 7/10. Jeck got the highest score, Marian second to the highest 8/10 and lastly Migo and Alvin, got the passing score. The rest, nice.. 5-3"- Pagbabalita ni Sir. Mabuhay.

Nagdismiss na si Sir. Mabuhay ng kaniyang klase dahil 4:50 pm na.

"Good bye class, see you again! Cleaners maiwan! Thank you and you may go."- Pamamaalam ni sir.

All: Good bye sir see you too!

Linis time:

Alvin: Psst! Janna, nakailan ka?

Janna: 5, bakit?

Alvin: Awala, sige linis na tayo.

Pagkatapos nilang maglinis ay may nakaiwan ng ballpen (Clarize's Ballpen), napansin ni Alvin kaya hinabol niya si Clarize ka ya lang hindi niya ito naabutan.

"Mama, naka-uwi na po ako"- Sabi ni Jeck pagkabukas ng pinto.

"O Jeck, ikaw lang, nasaan si Tina?"- Tanong ng nanay niya.

Jeck: Akala ko po naka-uwi na, di ko po kasi siya nakita kanina sa waiting area.

Mama: Tawagan mo nga.

Jeck: Tina, nasaan ka na?

Tina on the phone: Nasa bahay ni Wendy.. Trick or treat pauwi na po ako kuya.

Jeck: Pauwi na raw po siya ma.

Mama: Mabuti naman, sige maghain kana..

Naghain na si Jeck at dumating na ang kapatid niya pati ang tatay nila, ang ulam nila ay Upo at Galunggong.
Pagkatapos nilang kuamin ng hapunan ay naglinis sila ng pinagkainan at natulog na.



Online Class - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon