VIRTUAL GRADUATION (Chapter 14)

18 3 0
                                    

Hi guys!! Naubusan ako ng pampaload kaya ngayon lang ako makakapag-update. By the way, ending na siya 😂

**************************************************************************

Lumipas ang ilang buwan. Gagraduate na rin sa wakas si Jeck.
Maaga siyang naggising para sa paghahanda niya sa virtual graduation nila. Sa online lang naman siya gagraduate, pero pinaghandaan nila itong magpapamilya.

Naghanda si Aling Pila ng mga pagkain at si Tina ng party poppers. Sabay-sabay nilang tinunghayan ang espesyal na occasion sa buhay ni Jeck.

"Jeck, bilisan mo ng maligo baka magsisimula na ang ceremony!!" tuwang-tuwang tawag ng nanay niya. Naikamot na lang ni Jeck ang kamay niya sa ulo nung marinig ang nanay niya.

"Opo, nay!" sagot naman niya. Inayos pa muna niya ang pagsuklay bago siya bumaba papunta sa sala at in-on ang laptop niya. "Ito na wait lang po, ah." sabi pa niya.

Tutok na tutok ang mag-anak sa screen habang nags-start yung pc niya. "OMG! Kuya, you're graduated na!!!" malakas pang tili ni Tina, habang inaalog ang balikat ni Jeck.

Nainis naman si Jeck sa ginawa ng kapatid kaya pinalo niya kamay na nakahawak sa balikat niya. Nakasimangot namang tinanggal yun ng kapatid niya.

"Para yun lang eh." bulong ni Tina. Hindi naman ito rinig ni Jeck kaya hindi siya umangal.

Pagtapos ng ilang segundo ay bumukas na ang windows. "Ayan na! Ayan na!" parang kinikiliting saad pa ni Aling Pila habang nanginginig. "Ipunta mo na sa website, bilian mo!" pinalo pa niya sa balikat si Jeck na siyang dahilan para mangasim ang reaksyon nito.

Jeck- "Ma, masakit yung pagkapalo mo. Ambigat pa naman ng palad niyo." nakasimangot na sabi niya sa nanany nila.

Paismid naman siyang nginiwian ng nanay niya saka nagtuloy sa panonood..

"Kuya, iandar mo na!" malakas na utos pa ni Tina. Inopen naman ni Jeck yung website ng school nila para mapanood ang ceremony.

Naabutan nilang kinder pa lang ang nag-aawarding kaya hinintay pa nila ito. Nung, lumipas angsampung minuto ay innounce na ang section nila Jeck. Nagsitalunan naman ang manonood nung banggitin isa-isa ang mga honor student.

"Kuya Jeck! Valedictorian ka!!" masayang sigaw pa ni Tina at naitakip naman ni Jeck ang kamay sa tenga niya.

Aling Pila: Ang galing naman ng anak ko!!" sigaw din ni Aling Pila.

Sa sakalagitnaan naman ng panonood ay may kumatok sa pinto nila... "Ako na lang po ang magbubukas." paalam ni Tina. Tumango si Aling Pila saka pinatuloy ang pagtili.

"Ang galing mo naman, WAAAAH!" sigaw ni Aling Pila.

Binuksan naman ni Tina nang kalahati yung pinto ni saka sumilip don, "Hi, Aling Matcha." mahinay niyang bati at mataray naman siyang tinitigan ni Aling Matcha. "Ano pong maipaglilingkod ko?" matamlay na tabong ni Tina.

Nakapamaywang na namaypay si Aling Matcha bago sumagot, "Ang iingay niyo! naggigising ang mg akapit-bahay!" pasugod nitong sigaw. Napailag si Tina.

Mapagkumbaba siyang ngumiti, "Pasensya na po.." malumanay niyang pagpapaumanhin, pero maarte lang siyang tinalikuran ni Aling Matcha at saka kekembot-kembot na tumawid. "Bakla." mahinang bulong pa ni Tina sa sarili.

"Sino yung tao?" tanong ni Aling Pila kay Tina nung makabalik ito sa kinauupuan nila. Nakangiting nilingon naman siya ng anak.

"Si Aling Online Shopping po." pabulong na sagot ni Tina at nagtaka si Aling Pila sa sagot niya.

Aling Pila- "Sino kamo?" pagtatanong niya.

Tina- "Si Aling Matcha, mother." nakangiwing sagot ni Tina at tumango-tango naman si Aling Pila.

"Buti 'di pautang." bulong ni Aling Pila saka nakangiting nanood ulit.

Nakangiti sila hanggang sa natapos ang virtual graduation ni Jeck.

Tumayo si Jeck at pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom nang biglang, "Kuya." mahinang tawag sakaniya ni Tina.

"Mm?" sagot naman niya habang umiinom sa baso.

"Recog ko po bukas." nanginginig na saad ni Tina. Nilingon naman siya ni Jeck at nginitian.

"Don't worry, manonood kami." nakangiting sabi ni Jeck na hinawakan pa siya sa balikat bago tinalikuran.

Nakangiting sinundan pa siya ng tingin ni Tina bago ito sumandok ng kanin. Habng nagsasandok siya ay dinig niya ang ingay ng boses ng nanay nila. Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot at idinaan na lang iyon sa pagngiti.

"Naku! Anggaling-galing mo talaga!" puri ni Aling Pila kay Jeck. Nahihiyang ngumiti naman si Jeck sakaniya.

Jeck- "Ano ka ba, ma. HIndi ah!" tanggi pa ni Jeck. Napalingon siya kay Tina nung tahimik itong naupo, "Si Tina nga yun ma eh." sabi naman ni Jeck. Nilingon naman siya ni Aling Pila at takang pinagkunutan. "Recognition niya bukas." yun lang ang sinabi ni Jeck at wala ng nagsalita pang iba.

Tahimik silang nananghalian. Hindi naman sila pwedeng lumabas dahil may virus na kumakalat kaya sa bahay lang sila nagcelebrate at naghanda ng kaunting pagkain. Adobo ulit, palabok, kanin at ang paborito nilang longaniza.

Dumaan ang gabi at naunang umakyat si Tina. Sinundan naman siya ni Jeck at sinamahan sa kuwarto. Nakaupo si Tina sa kama niya at nakatulala sa labas ng bintana. Naupo rin si Jeck sa kama niya sa tumingin sa labas ng bintana.

"Ever since you became an honor student, ikaw na ang magaling." hindi inaasahan ni Jeck ang sinabi ng kapatid kaya niya nilingon ito. "You are the best, and always best" patuloy pa ni Tina, nakinig lang sakaniya si Jeck, "How about me? Ano namang saysay ko?" mahinang tanong ni Tina.

"Everyone has their own purpose." sagot ni Jeck. " Maybe, yung purpose mo is hindi mo pa napapasakamay or hindi mo pa kayang i-handle. That's why you think that you don't have any purpose."

"Sa tingin mo po ba kuya, I am worth it?" biglang tanong ni Tina at napangiti naman si Jeck.

"Of course, you're worth it." nakangiting sagot ni Jeck. "Ano bang problema mo at laging yan ang tanong mo?" tanong naman sakaniya ni Jeck.

"Naiinggit ako sayo, kasi maraming proud sayo. Lahat ng ginagawa mo masaya sila, sakin? Ha? Parang mali pa." naiiyakna sagot sakaniya ni Tina.

Nakatingin lang siya sa bintana at hindi inaalis ang tingin doon. "Bakit hindi mo itry na maging strong?" tanong sakaniya ni Jeck, at doon pa lang siya nilingon ni Tina. "Pray to God, and wish to have strength. Because, he's our strength." nakangiting patuloy ni Jeck. "Alam mo, i-surrender mo lahat ng burdens mo sakaniya. Lahat ng hirap, sakit, inggit, lungkot, at poot mo."

"How?" nagtatakang tanong ni Tina.

"Be with him. Ask him to be with you. And he will be...with you." sagot naman ni Jeck bago tumayo saka siya iniwan.

"Oh ano na?" excited pang tanong ng nanay nila nung makababa si Jeck. "Kakain ba siya? Bukas ang recognition niya ano, awarding katulad nung iyo...diba, birthday niya rin bukas." mahinang sabi ni Aling Pila at nanlaki ang mata nina Mang Raul at Jeck.

"Bukas?" sabay na tanong ng mag-ama at nagtatakang tumango naman sakanila ang kasama.

"Bukas." sagot naman niya, "Ano ba naman kayo, para kayong mga walang paki kay Kristina!" galit na pinaghahampas sila ni Aling Pila.

Nagtakbuhan sila sa kusina at doon sila gigil na pinaghahampas ulit ni Aling Pila.

To be Continued 😉



Online Class - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon