TINA'S SPECIAL DAY 💖 (Chapter 15)

20 3 0
                                    

GOOD DAY!! EVE!! AFTIE!! 😊

Umaga na at ngayon ang araw na pinakahihintay ni Tina...

Bumangon si Tina at pumasok sa banyo upang maghilamos. Tinignan niya ang kaniyang sarili sa salaman ng may malamlam na mata at sinabing, "Happy Birthday Tina!" mahinang bigkas ni Tina sa sarili.

Binilisin na niya ang pagligo para makapaghanda na siya sa special na araw niya. Samantala, si Aling Pila naman ay maagang naggising upang mamalengke. Kaunti lang naman ang binili niyang mga handa sapagkat wala ng silang budget.

Katulad ng dati nilang handa longaniza, pancit at mga sarsyadong ulam.

Nang matapos si Tina sa pagligo ay dumeretso siya sa computer niya para buksan iyon.

FB POST:
Uy! Birthday ko ngayon!!! 😁
Discarded

Lumipas ang ilang minuto, habang siya ay busy sa paglalaro ng online games ay may kaluskos siyang narinig mula sa pinto nila. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at dahan-dahan siyang bumaba.

Tina- "Sino yan?" natatakot na tanong ni Tina habang bumababa siya sa hagdan nila.

nang sa wakas ay makababa na siya ay nagtago siya sa likod ng pinto, dahil agad itong bumukas.

"Hay, sa wakas naka-uwi na rin." napapabuntong-hiningang saad ni Aling Pila. Pagkapasok niya ay isinara niya agad ang pinto, kaya naman sa hindi inaasahan ay nakita niya si Tina. Gulat siyang tinignan ng ina, habang tikom ang bibig naman siyang nakatitig sa inia. "Hala! Anong ginagawa mo diya?!" nakahawak sa dibdib na saad ni Aling Pila.

Napakamot ng ulo si Tina, "Kasi po akala ko po, magnanakaw." paliwanag niya.

Napaatras si Aling Pila at natatawang pinagmasdan ang anak. "Hindi ba't espesyal sayo ang araw na 'to?" nakangiting pagtatanong ni Aling Pila at matamlay na tumango naman si Tina sa ina.

'Buti pa si mama, naalala niya. Paano kaya sina kuya at papa.' -Tina

Lumapit naman si Aling Pila sa anak niya nung mapansing matamlay ito. Nag-aalala niya aitong pinakatitigan saka niyakap. "Bakit ka naman nalulungkot. Birthday na birthday mo eh, nakabusangot ka. Ampanget mo tuloy." salubong ang kilang na reklamo sakaniya ni Aling Pila.

Natatawang kumalas siya pagkakayakap at saka sinenyasang sumunod ang anak sakaniya.

Masaya nilang ginawa ang mga agahan nila. Mabilis na dumaan ang oras dahil may gingawa sila, bumaba na si Jeck habang nagkukusot pa ng mata.

Jeck- "MORNING!" malakas pa niyang bati.

Nangunot ang noo niya at saka ngumuso dahil wala siyang narinig na tugon mula sa ina at kay Tina na busy pa rin sa ginagawa.

"Kala mo naman, masarap magluto di naman." kakamot-kamot niyang pagpaparinig kaya nung malingunan niyang muli ang kasama ay halos mapatalon siya sa gulat. "Ma?" kunwaring natatawang sambit ni Jeck nung pamewangan siya ni Aling Pila.

Galit at nanliliit ang matang tinitigan siya ni Aling Pila, "Tandaan mong ako ang nagturo sa'yong magluto!" pasigaw na sabi ni Aling Pila sa mismong harap ni Jeck.

Pilit na ngiting napatango na lang si Jeck sa ina.

"Mamayang tanghali ang recognition ni Tina, 'no, ma?" tanong ni Jeck, pero kagaya kanina ay walang sumagot sakaniya. "Okay, talk to the hand." natatawang bulong ni JEck.

Hinarap naman siya ni Aling Pila saka inilapag ang ulam at kanin nila sa hapag. "Oo, ikaw kaya ang nagsabi!" para pang nagagalit ni tugon ni Aling Pila sa kaniya. Nakangiting tumango-tango naman si Jeck.

Online Class - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon