Morning:
"Yahoo!! Walang pasok, alas dose na. Woohoo!!"- Jeck
Tina-"Kuya, wag ka ngang maingay, nakikitang tulog pa yung tao eh."-Sabi ni Tina ng nakapikit.
"Jeck, gumising ka na alas dose na manananghalian na tayo."- Pagtawag ng nanay nila Jeck.
Bumababa si Jeck ng may pakamot sa ulo. Nagpunas siya ng lamesa habang humihikab.
"Jeck, wag kang humikab kapag naglilinis ng lamesa baka mapasukan ka ng langaw sige ka."- Pananaway ng nanay niya.
"Ma, bakit po ba hindi niyo pa po ako pinatulog ng lubos, may pupuntahan po ba kayo ni tatay?"- Tanong ni Jeck sa kanyang nanay.
"Araw baga ng mga patay ngayon Jeck, dadalaw tayo sa puntod ng mga ninuno natin."- Sagot ng nanay niya.
"Nasaan naman po si tatay?"- Tanong ni Jeck sa nanay niya ulit.
"Nasa labas namamalengke para sa babaunin natin sa sementeryo at bumubuli ng kandila para pagdalaw natin ay sisindihan natin ang kandila para maipagdasal sila."- Sagot ng nanay niya.
Ilang minuto pa ang lumipas, nakapaghain na si Jeck at tinawag na ng nanay ni si Tina para kumain para makaalis sila ng maaga.
"Tina, gising na may pupuntahan pa tayo."- tawag ng nanay niya.
Hindi pa bumababa si Tina kaya naisipan na ni Aling Pilla na akyatin siya para gisingin.
(Open door)
Kinalabit siya ng nanay niya at sinabi, "Tina, bumangon ka na baka mapanaginipan mo pa ang lolo at lola mo."
"Ma, natutulog pa po, wag ka naman po manakot, babangon na po ako."- Sabi ni Tina.
"Siguraduhin mo lang, aantayin kita sa ibaba."- Sermon ng nanay niya.
Trenta minutos na ang lumipas eh hindi pa bumababa si Tina kaya sumigaw na si Aling Pilla na halos ang mga ugat niya ay lalabas na.
"TINA, WALA KA BANG BALAK NA GUMISING, IIWANAN KA NAMIN MAG-ISA AT ANG KASAMa MO RITO ANG MGA LOLO'T LOLA MO, TANDAAN MO ARAW NG PATAY NGAYON."- Inis na tawag ng nanay nila.
Dumating na ang tatay nila at sila na ay naghanda dahil malapit na silang umalis, pagka-akyat ni Jeck sa kwarto si Tina ay tapos ng maligo.
"Kuya, I'm finish. How about you?"- Tanong ni Tina
"Madam, kanina pa po."- sagot naman ni Jeck
Tinawag na sila ng nanay nila at umalis na pagkatapos.
Nung makarating sila sa sementeryo ay hinanap nila ang puntod at sinindiahn ang mga dalang kandila at ipinagdasal ang kanilang mga kaluluwa.
Pauwi na sila nang makasalubong nila si Alvin.
"Jeck, ikaw pala yan."- tawag ni Alvin.
"Alvin, oo nga nagkita pa tayo."- sagot ni Jeck
"Jeck, nga pala naiwan ni Clarize ballpen niya isasauli ko na lang pagpasok natin sa Monday."- Pagkwento ni Alvin
"Ok, bahala ka, mauna na kami."- Sagot ni Jeck habang nagpapaalam.
Kumaway naman pabalik si Alvin.
Hapon na sila nakabalik, halos maghahapunan na sila kaya pumunta na sila sa malapit na restaurant.
Bumalik na sila sa bahay nila at nakatulog ng maaga. Hindi na nila namalayan na 8 pa lang ng gabi.
To Be Continued
BINABASA MO ANG
Online Class - (COMPLETED)
Short StorySa story na ito, mababasa mo ang kakaibang ugali at kasiyahan ng mga estudyante. Malalaman niyo kung ano nga ba talagang uri ng buhay ang meron ang isang estudyante sa loob at labas ng eskuwelahan. Kung paano siya sa kaniyang mga magulang makitungo...