Chapter five

29 6 1
                                        

V: Trap.......

This is a trapp....

What was this suppose to mean?

I don't understand, paanong trap

"Nag bibiro ka ba?" Tanong ko dahil, I'm not sure if play time toh. But then again ano naman ang makukuha nya kapag nag joke sya?

He shook his head habang nakatingin sakin.

"Paano 'ko makakasiguro na seryoso ka?" Tanong ko. Inexpect ko na magsasalita na sya this time but he only proved my recent suspicion nang kunin nya ang marker na nakakalat sa floor and start writing on the the desk.

Hindi ligtas, umalis na kayo.

"Nag away ba kayo ni Sunshine kagabi?" I asked again still wondering. Kanina ko pa kasi napapansin ang tension between them. Which is possible naman, every relationship has ups and downs. Hindi sya nakasagot doon. "Ayos lang yan, normal lang sa relationship ang mga ganyang di pag kakaintindihan. Don't worry, I won't judge."

He shook his head na para bang may gusto pa syang sabihin. Pero hindi ko talaga sya maintindihan eh.

Sunshine. Hindi ko girlfriend.

Basa ko and was shocked. My gosh, ang bilis naman nila bumitaw. Ni hindi man lang sila nanghinayang sa relationship nila.

"Ano ka ba? Hindi porket hindi ka na pinansin nung tao, eh hindi na kayo. Bakit mo kaagad tinapos?" I don't know but bigla akong nalungkot duon. "Antayin mo sya, at pag-usapan nyo ang problema nyong yan. Just fucking fix it ok?"


Just then I realized na hindi na about kay Sunshine and Tom ang pinag sasabi ko. Instead, it's about me and Aj, tama. I'll call him and talk him out, kahit hindi nya sagutin hihintayin ko padin sya. I want to fix us.

Tom grabbed my arm and pull me from my deep daze, napatingin ako sa lamesa kung saan may bago syang isinulat.

Si Sunshine, she's one them. 

Biglang naging seryoso lahat.


"A-anong sinasabi mo?" Medyo utal kong tanong, part of me already know the answer pero gusto ko padin makasiguro.


Muling nag sulat si Tom sa lamesa this time in a messy stroke pero naunawaan ko padin.

Isa sya sa mga Bargas.

Muli akong tumingin kay Tom, and I can see through his eyes na may takot sa mga ito. He's telling the truth.

As the reality hit me hard on the gut, tsaka namang bumukas ang small hatch at lumabas si Sanya.


"Walang sumasagot sa tawag namin." Bungad ni Sans at kinabahan ako doon.

Pwedeng tama nga si Tom, she wanted me and my team to be separate nang saganon mas madali nya kaming makuha.

'Di pangkaraniwan (Encantadia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon