Chapter eight

34 6 4
                                        

VIII: Not the plan.......

I dragged him on the ground again nung mag reklamo sya na nanakit na daw yung paa nya. It turns out napasama pala ang tackle ko sa kanya kanina.

My bad...


We're walking for about half an hour now. At pati ako napapagod na din sa mga pinaggagagawa ko.

"Pakiusap tama nato..." The man pleaded, he's sweating profusely. I could say dahil sa injury nya. 

"Manahimik ka." Sabi ko, I crouched down to check his left foot. Tinaas ko ang laylayan ng pantalon nya and saw the red swelling under. 

Sprained lang. 

I'm no expert pero alam ko ang itsura ng bale when I see one. "Nothing serious. Maarte ka lang."

Hindi nagustuhan ng lalaki ang mga salita ko. Alam ko, sa isip-isip nya, sinusumpa nya ko ngayon but I don't care. 

Sa dami nilang pinatay katiting lang toh sa dapat na mangyari sa kanya. Sa pain  na dapat maramdaman nya.

Napansin ko ang radio sa tagiliran nya, I grabbed it and show it to Tom and Sanya.

Lumayo muna kami ng konti sa banidido para makapag-usap.

"Guys what should we do?" Tanong ko gesturing at this radio. Nag sulat si Tom.

Sirain mo para wala ng makasunod sa kanya.

"Tama, tapos pakain mo sa kanya." Suggest naman ni Sans.

I glanced at her.

"Sorry gutom na talaga kasi ako eh."

Kung sa ibang pagkakataon baka natawa pako, pero this is a serious matter and we should all get serious right now.

"Guys.." Sabi ko sa kanilang dalawa sabay tingin sa bandido, that now has a horror look on his face. "...I think I have a better idea." 

****

Nasa tapat na kami ngayon ng kuta ng mga Bargas, sa labas palang alam mo ng malinis ang may ari nito.

"Sigurado ka ba talaga dito?" Tanong ni Sanya, we're hiding behind the dumpster just in case something came up.

"Oo, just trust me ok?"

"Paano kung ang mga kasama natin ang nakatakas?" I get her point, it could be them or another trap.

Ang hirap tansyahin.

"Paano kung hindi?" Mag sasalita pa sya sana but I cut her off. "Sans, this plan won't work if you think that way. Basta mag tiwala ka na lang ok?" She nodded, at may inabot sakin si Tom. He said it was a map, sunubukan kong basahin. It's a small paper but it'll do.

Iniwan ko na silang dalawa ni Sanya at bitbit ang bandidong ito. He's taller than me but I'm the stronger kaya hatak hatak ko sya papunta sa kuta nila, when we get to the entrance gate, tinutukan ako ng mga Bargas. 

'Di pangkaraniwan (Encantadia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon