Chapter seven

27 5 0
                                        

VII: The plan............

Nung maliit pa ako kapag meron akong gusto na hindi nila binibigay I used to stay on stairs and cried until someone will notice me at ibigay ang gusto ko.


Simple and easy, kaya nga siguro ako naging artista eh dahil ako ang pinaka maarte saming mag-kakapatid. 

Choss..


What I meant was, napakadali lang ng lahat when you're a little but as I grow old, na realized ko na hindi pala lahat ng bagay pwede mo'ng gamitan ng acting skills.


Na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo in an instant.

Gaya ngayon, I really want to bring back my friends pero hindi ko magawa putsa kung pwede nga lang, I will pretend that this whole thing is a movie. 


Na we're just one of the cast, the infected were the villains, and the latter is just a phase of the story.

But I think I gotta have to give myself a hard slap on the head dahil malabong mangyari yun. Because this whole situation is beyond that, hindi ko kayang mag pretend o umarteng magiging ayos lang ang gagawin naming ito.

The plan of Tom is not the one I expected from him, sabi nya susugod daw kami sa kuta ng mga Bargas, mag papahuli and pag nakapasok na sa loob, duon namin hahanapin ang mga kasama namin then takas agad.

I was like, what the fuck? Yun na yun? I mean seryoso ba sya? Eh parang kumuha nadin kami ng batong ipupukpuk sa mga ulo namin eh.

Umalma ako, I don't like it. I hate the idea of it, wala akong makitang plano duon. Nothing at all. 

I have to think of any options, anything but his.



Lumabas na kami ng coffee shop at nag umpisang mag lakad, mga minuto palang kaming naglalakad when Sanya began to ask.

"Saan tayo pupunta?"


"Ililigtas ang mga kasama natin, ano pa ba?" 


"Oo nga. Saan yun?"


That's when I remembered I don't know the way, oo nga. Saan ba kami papunta?


I look to Tom na may note ng nakaready at pinakita samin.

Papuntang talipapa ito. Sa kabila naman ang mall, kung saan sila nag-kukuta.


"Nakakarinig ka pala?" Puna ni Sanya. Oo nga, parang ngayon ko lang din na pansin yun. "Di ba karamihan ng pipe, eh binge din? Rare yung sayo ano.."

Obviously the topic is sensitive for Tom. Kaya sinubukan ko'ng matahan itong si Sanya para patigilin na sana, pero hindi talaga nag papigil. Madaldal eh.

'Di pangkaraniwan (Encantadia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon