Doremi's POV
Uwian na namin ngayon kasabay kong mag hintay si gil. Nalaman kasi ni gil yung nangyari kahapon saka yung mga girls di na ko sumabay masyado naman kasing nakaka hiya eh.
Syempre kahit konti naman may hiya ako noh hahaha...
"Kaikazi tara mall tayo?" Aya naman ni gil
Umiling iling lang ako "Wag na mag papahinga muna ako saka di naman ako mahilig mag shopping diba"
Totoo naman diba na sasama lang ako ni gaizer kasi mapilit...
Eh teka nga bakit ko ba binababangit yun. Galit nga pala ako dun or nag tatampo lang. Pano ba naman kasi eh mas pinili pa yung sinungaling na yun
Maya maya lang eh may biglang may sasakyan na nasa harap namin. Teka kilala ko yang sasakyan na yan ah...
"Sino yan?" Tanong ni gil. Bigla namang lumabas yung nasa sasakyan at ayun si gaizer nga. "Ahh si ano pala hehe" sabi pa ni gil.
"Tara na" aya ni gaizer ng naka tingin sakin.
Tumingin naman ako sa kaliwa, kanan, at likod ko eh kaming tatlo lang nandito eh
"Ako?" Paninigurado ko pa saka ko tinuro yung sarili ko.
Syempre naninigurado lang baka mapahiya lang ako eh. Tumango naman si gaizer.
Maya maya lang eh biglang hinawakan ni gil yung kamay ko.
0___0
"Hindi mo ba alam kami ang magkasabay diba?" Pa chill na sabi ni gil
"Tsk. Nerd dun ka nga!" Saka kinuha ni gaizer yung kamay ko kay gil. Saka ako hinila.
Nag pumiglas naman ako. Ano yo close close kami agad bati bati agad. Aba naman ano sya sinu swerte
"Teka nga bakit ba ha?!" Sigaw ko kay gaizer
Di naman sya nag salita at bigla nalang akong binuhat.
"HOOOOOOY!!! Ibaba mo ko! Gil tulungan mo ko!"
Si Gil naman wala talaga eh wala na talaga syang nagawa. Ano ba yan pang sauna lang pala si gil eh ano ba yan!
"GIIIIIL!!!" Hingi ko ng tulong habang sumisigaw
"Sorry kaikazi wala akong magawa!" Sigaw sakin ni gil.
Maya maya lang eh bigla akong sinakay ni gaizer sa sasakyan. Ako naman eh nag kakakalampag lang at humihingi parin ng tulong.
"GIIIIL!!! TULONG!" Sigaw ko patin eh baka sakali lang na marinug nya ako.
"GIIIL!!!" Sigaw ko parin saka biglang umandar na yung sasakyan "GIIIIL!!!" Hingi ko parin ng tulong.
Ako eh puro sigaw parin. Susme ayokong makasama tong lalaking toh! Naiirita ako. Patuloy parin ako sa pag sigaw at pag jingi ng tulong.
"WILL YOU PLEASE SHUT UP!" Sigaw ni gaizer kaya napa tahimik ako sandali
"Teka nga ano bang gagawin mo ha?! San ba tayo pupunta?! Kung may pupuntahan ka man wag ako isama mo! Dun ka sa shyreen mo!" Sigaw ko pa
Wala parin syang sinasabi. Maya maya lang eh bigla kam.in g huminto sa isang park di kami bumaba at di parin sya nag sasalita.
"Ano ba talaga gusto mong mangyari ha! San ba talaga tayo pupunta! Kanina ka pa di nag sasalita! Nakuuu gaizer! Wag kang feeling close ha at hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kahapon! Ano ba ha! Bat ayaw mong nag salita! San ba talaga tayo pupunta bat ba ako sinasama mo ha eh diba may shyreen ka na! Dun ka na mag sama kayong dalawa! Grrr nakakinis. Ayoko na bababa na ako!"
Pa baba na sana ako ng bigla nya akong hilahin at....
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
0________0
H---He kiss me... Again... P---pangalawa na... Yun...
"Ano tapos ka na ba mag salita?" Saka nya inandar yung sasakyan at di ko na alam kung san kami pupunta.
Naka tahimik lang ako at gulat parin sa ngyari.
Ng matauhan ako napansin ko nalang na nasa isang car pak na kami
"Nasan tayo?" Tanong ko pa
"Sa condo ko" ha eh gabi na pano yan. Ahe...
"Ayah baka hanapin ako ni mama. Saka baka nandun yung shyreen mo" saka ako nag cross arms
"Sus selos ka lang eh. Tara na wag kang mag alala wala yun dun" saka sya bumaba kaya sumunod na ako.
Aya abo ba yan. Baka magalit sakin si nana eh!. Saka teka hindi pa kami bati ah. Nako nako di nya ako madadaan sa kiss.
Ng makarating na kami sa unit nya eh umupo muna ako sa sofa sa sala
"Teka mag gagabi na mag seseven na eh! Baka pagalitan ako ni mama!" Angal ko naman
"Don't worry nag paalam na ako kay mama ok lang daw" sabi pa nya.
"Teka mama ba kamo? Ikaw pinayagan? As in mama talaga tawag mo?" Teka tama ba yung pag kaka rinig ko
"Yup sabi kasi ni mama yun nalang daw itawag ko sakanya." Ahe pati ba naman nanay ko... Graviii na talaga to lvl 99999 na
"Seriously?" Paninigurado ko pa. Tumango naman sya at ngumuti.
"Bakit ayaw mo ba?" Tch. No comment ako.
"Teka kung dito matutulog eh pano yung nga damit ko?" Oo nga yung mga damit ko.
"Andun sa kwarto mo" Teka kwarto ko?
"Bakit kelan pa naging akin condo mo?"
"Till now" sagot nya.
"Weh? Di nga?" Nababaliw na ata to.
"Oo nga. Pero change topic sorry na" sabi nya
"Nako nako yun lang? Di pwede yun di ko matatanggap sorry mo. Pag tapos mong kapihan yung babaeng yun! Mas pinili mo pa yun! Aba naman kagaling lang" sabi ko naman
"Eto naman ano ba kasing talgang ngyari?" Tanong nya.
"Tignan mo kakampihan mo yun tapos di mo pala alam kung anong buong kwento abay magaling pala." Naiinis kong sabi
"Eto naman. Sorry ba plss..." Saka sya nag puppy eyes
"Heh! Wag ka ngang gumaganyan di bagay sayo!" Saka ako tuamyo at pumunta na sa taas.
Bigla nama akong napahinto ng may maalala ako
"San ba ko matutulog?" Tanong ko
Tumayo din sya at umakyat din "gusto mo sa kwarto ko nalang" maloko nyang sabi.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya "saan nga!"
"Yun oh!" Saka nya tinuro yung isang kwarto sa kaliwa. Kaya pumunta naman ako dun "thanks"
Hindi parin talaga ako makapaniwala. Grabe anong kalaseng nanay si mama pumapayag na matulog ako sa bahay classmate ko at wag ka lalaki pa. Ewan ko ba kay mama. Gusto ata nitong magka anak ako ng maaga eh.
Naku naku... Pero wala pa yan sa isip ko. Di pa pwede yan mag aaral muna ko noh.
At ok nga pala eto pa ang di ako makapaniwala si gaizer tinawag na mama ang mana ko. Malalaking malaking huwaw.
Ade wow
★★★
Be fan ★

BINABASA MO ANG
Musical Name
RandomPaano kung simula elem ka palang eh madalas ka ng binu bully. At lumipat ka ng school para maiwasan ang pam bu bully sayo. Oo ganyan ang buhay ni Doremi Aihara. Madalas syang binu bully. Ano na ang gagawin nya? The more you hate, the more you love n...