Doremi's POV
Maaga ang uwian namin ngayo kasi shorten kami ngayon. Ewan ko ba sa mga teacher namin kung bakit shorten. Yung tatlo nauna na aalis daw sila ng mga Boyfie nila. Asus
"Cge ingat" rinig kong sabi ng nasa likod ko. At syempre alam ko kung kaninong boses yun. Boses ni gil. "Oh nandito ka pa?"
Humarap naman ako sakanya "ay hindi picture ko lang to" yung mukha naman nya parang nag tataka "hehe joke lang"
"So anong ginagawa mo dito?" Tanong nya
Tinuro ko naman yung mga gamit ko "nakalimutan eh masyado kasing akong masipag hahha"
Umupo muna sya at sumandal "so ok ka na ba?"
Tumango lang ako at nguniti "hmm ok lang"
"So asan yung sila?" Huh? Sinong ah... Oo kilala ko na
"Nandon kasama ng mga boyfriend nila hahah"
Kinuha naman nya yung nga gamit ko "so tara na? Ihatid na kita" uy sakto hahaha tipid pamasahe hahah kaso...
"Eh nakakahiya naman" pagtangi ko naman
"Hindi ah ok lang ta---" naputol naman yung sinabi nya ng biglang may humarang samin
"Nope pre ako na" kinuha naman ni gaizer yung mga gamit ko kay gil. Teka nga bakit nandito yan. Napatulala nalang ako ng pinag aagawan nila yung gamit ko.
Si gaizer naman nag tiger look kaya no choice si gil binigay nya kay gaizer yung gamit ko natakot ata. Si gaizer naman hinawakan yung kamay ko at hila hila ako na parang bata. Ako naman naka tulala lang at wala sa sarili. Hindi ko alam kung baket. Ewan ko ba. Ng mabalik ako sa tauhan ko nakita ko nalang na nasa tapat na kami ng mall.
"Hoy anong gunagawa natin dito?" Wala naman syang imik. 'Eh' isnabero. Feeling famous lang. "Huy ano ba?" Bumaba naman sya sa sasakyan kaya sumunid lang ako.
Ano ba yan para akong engot dito na kausap ng kausap sakanya pero ayaw sumagot. Nakarating na kami ng food court inawan nya ako sa pwesto namin at sya naman nasa counter. Anong problema neto parang ewan. Nakarating na sya sa pwesto namin at binigay na yung makakain ko sakin.
"Huy ano ba kanina pa kita tinatanong eh" sya naman nag umpisa ng sumubo pero di parun sumasagot "huuy!!! ano bang g----" naputol yung sasabihin ko ng sinubuan nya ako ng pagkain "hmmm!!!" Natigil naman ako kasi nginuya ko yung sinubo nya sakin.
Nanlaki naman yung mata ko kasi Pero--- pero--- pe--- huwaaah!!! Spoon nya gamit nung sinubo nya sakin yung pagkain!!! Huwaah!!!.
"Ang ingay mo kasi eh kanina ka pa putak ng putak para kang manok o armalite" reklamo naman nya. Ako naman di na nakaimik. "So ano papayag ka na ba? Second vocalist?" Eh bat second lang. Pero mabait naman ako eh.
"Okaaay" yung ngiti naman nya abot tenga "pero" kaso biglang bumagsak yung ngiti nya.
"May pero pa?" Reklamo naman nya
"Abay syempre mabait naman ako eh may condition nga lang" kumunot naman yung noo nya at biglang tumaas yung lips nya
"Cge na cge na ano ba yun" aba aba...
"Eh napipilitan? Wag na nga" loko ko naman sakanya
"Hindi eh sige na ano ba yun...Babe" biglan namang kumunot yung noo ko sa sinabi nya.
"Wag mo nga akong tinatawag tawag na ganyan! Nakakakilabot!" Saka ako nanginig pero kunawari lang
"Sige na ano ba yun"
"Una! Huwag na huwag mo na akong aasarin please lang sawa na ko eh"
"Eh?" Nilakihan ko naman sya ng mata "okay"

BINABASA MO ANG
Musical Name
AcakPaano kung simula elem ka palang eh madalas ka ng binu bully. At lumipat ka ng school para maiwasan ang pam bu bully sayo. Oo ganyan ang buhay ni Doremi Aihara. Madalas syang binu bully. Ano na ang gagawin nya? The more you hate, the more you love n...