15 taon ang nakalipas...
Karamihan sa mga tao ay hindi ginusto ang buhay na kung ano ang meron tayo ngayon. Marahil tayo ay walang ibang choice o hindi lang talaga tayo masaya sa mga bagay na kailangan nating gawin nang dahil sa standards ng iba na kailangan nating sundin.
"Kaia. Pakipuyod ng buhok mo. Sa haba ng buhok mo, hindi tama na nakalugay lang iyan." isa nanamang araw na sapilitan akong pinapagawa ng aking ina ng mga bagay na salungat sa aking kagustuhan. Itatali ko na sana ang aking buhok ng pagsabihan nanaman akong muli ng mahal na reyna, "Kaawaan, Kaia. Kailan pa naging kayumanggi ang puti mong bistida? Kanina lang ay hanggang talampakan iyan, bakit hanggang tuhod mo nalang?"
Napatingin ako sa aking sarili at napansing nadumihan nga ng bahagya ang aking damit. Nanggaling kasi ako pakikipaglaban. "At ang panuelo ay nilalagay sa balikat. Hindi sa baywang. Salamat nalang at dalawa pa ang suot mong bakya." Kagustuhan ko mang depensahan ang sarili, pinili ko na lamang na tumahimik dahil alam ko kung paano magalit ang aking ina. "Magbihis ka. Hindi mo pa nakukuha ang tamang postura ng isang ulirang babae." napatalon na lamang ako ng hampasin ni ina ng manipis na patpat ang sahig.
"Ang agang sermon naman ata nito" Aalis na sana ako ng biglang dumating ang aking kakampi, "Cecilia, alam kong kailangan mong sanayin ang prinsesa, pero maaari ko ba munang hiramin ang aking anak?" paglambing ni ama sa ina upang ito ay pumayag. "Hay nako, Franco. Sasanayin mo na namang makipaglaban ang anak mo eh. Hindi yan gawain ng isang prinsesa!" inis na sabi ng ina habang ang mga kamay ay nasa baywang. "Sandali lang naman ito." hiling ng hari. "Sige na. Basta siguraduhin mong babalik iyan ng maayos. Mag-aaral pa sya ng Ingles pagkatapos."
Itinutok ko ang aking hawak na si Hanan sa kalaban. Hindi inaalis ang apoy sa mga matang nakatitig sa kanya habang minamatyagan ang kinikilos at hinuhulaan ang mga susunod na hakbang. Tumakbo ito papalapit sa akin at tinangkang atakihin gamit ang kaniyang espada ngunit napigilan ko ito sa pamamagitan ng pagsipa ng malakas sa kanyang tiyan na naging dahilan ng kaniyang pagkatumba.
Nilapitan ko ito, itinaas si Hanan at inihampas ito. Inihanda na lamang ng aking kalaban ang sarili sa malakas na pagtama sa kaniyang mukha at pumikit. Nang wala itong naramdaman, napadilat na lamang ito sa pagtataka at bumulagta sa harap ng kaniyang mga mata si Hanan na sinadya kong pigilan.
"Hindi po kita kayang saktan, ama." pagtawa ko ng bahagya at inabot sakanya ang aking kamay hudyat na tutulungan ko sana siyang makatayo. Nang tanggapin nito ang aking kamay, hinila niya ito ng mabilis na sya namang ikinatumba ko. Tumayo ito agad, pinagpagan ang sarili, at humarap sa akin, "Diyan ka nagkakamali, Kaia. Anuman ang mangyari, gawin mo ang lahat upang taluhin ang iyong kalaban. Baliwalain ang sinisigaw ng puso kung tama ang bulong ng isip." seryosong saad nito at tinulungan akong makatayo.
Naputol ang aming usapan nang dumating ang iilan sa mga kawal ng aking ama at yumuko, tanda ng pagrespeto. "Mahal na hari, kailangan po namin kayo makausap." mukhang seryoso ito at mahalaga. Lumingon muna sa akin si ama na tila sinasabing kailangan muna nito umalis. Tumango lang ako rito upang ipahiwatig na naiintindihan ko. "Pakihatid muna si Kaia sa kastilyo." utos nito sa isa sa kanyang mga tauhan at naglakad na palayo. Yumuko muna ang mga ito bilang tugon at sumunod na sa hari.
"Prinsesa Kaia, hindi po pwede. " pagmamatigas ng isa sa mga kawal. "Pagbigyan mo na ako. Ako lang to oh." turo ko sa aking sarili. Para namang wala kaming pinagsamahan nito. "Pasensya na po. Hindi po talaga pwede. Hindi ko po kayo pwedeng pakawalan. Ipinag-uutos po ng hari na ihatid ka sa inyo at walang nakakaalam sa kung anong pwedeng gawin sa akin ng mahal na reyna kapag nalaman nitong wala ka." Kung ayaw mong pumayag, idadaan kita sa dahas.
"Ito naman. Hindi ko nga sinumbong na nahuli ko kayo ng isa sa mga kamarera sa kusina eh." nanlaki ang mga mata nito sa narinig. Napangisi na lamang ako sa aking isip nang mapagtantong naging epektibo ang aking sinabi. Akala mo ha. "Huwag niyo po kaming isumbong, mahal na prinsesa." lalong nanlaki ang ngisi sa aking isipan at pinagpatuloy ang aking pang-blackmail.
![](https://img.wattpad.com/cover/272542446-288-k150943.jpg)
BINABASA MO ANG
Kaia ng Vatike (Kaia of Vatike)
FantasyKaia Dimapilis, ang prinsesa at susunod na mamumuno sa kaharian ng Vatike, ay hindi tanggap ang mabigat na responsibilidad ng pagiging isang reyna. Mas pipiliin pa nitong makipaglaban sa mga "Kaiba" na hindi inaasahan ang biglaang paglakas ng pwers...