Andito kami ngayon sa ilalim ng mahiwang puno ng narra. Nakahiga sa tabi ko si Sibol na natutulog at hindi ko alam kung anong ginagawa ng lalaking iyon. Nakasandal ang ang sa puno at nakapikit. Sinusubukan kong umidlip kaso hindi ko magawa kasi kanina ko pa nararamdaman na mayroong tumitingin sa akin. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita si Marko na nakatitig sa akin. Agad naman nitong binalik ang atensyon sa isinusulat.
"Ano ba yang sinusulat mo at kanina mo pa ko tinitingnan?" iritang sabi ko dito at nilapitan upang tingnan ang pinagkakaabalahan nito. Hindi naman ako nagtagumpay sa binabalak nang agad nito itong tinago sa kaniyang likod. "Ang damot naman nito." pagtataray ko dito at bumalik na sa pagkakaupo ko kanina. "N-Nag-aaral lang." kamot-ulo nitong sabi habang nahihiyang natatawa. "Nag-aaral? Ano pinag-aaralan mo, pagtulog ko?" sarkastiko kong sabi dito. "Basta" maikling sagot nito at natawa. Tiningnan ko na lamang ito ng may pagdududa at tumayo. Nag-unat na lamang ako para mabawasan ang pagka antok. Anong oras na rin kasi kami natapos makipaglaban sa dalawang Kaiba kagabi kaya medyo napagod pa ang katawan. Tatlong linggo ko na rin siya kasamang makipaglaban at masasabi ko rin na nag-improve na rin si Marko sa pakikipaglaban.
"Sandali lang, may ipapakita ako sa iyo." nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong hawakan sa kamay at hinila. "Teka yung mga gamit ko." pagpigil ko dito kaso nang lumingon ako ay nakita ko na lamang si Sibol na suot ang aking bag at hawak ng bibig si Hanan at sumunod sa amin. Naaliw naman ako kay Sibol at napangiti.
Napadpad kami sa isang gubat at hila-hila pa rin ni Marko ang aking mga kamay. Sa tagal ko ng pagala-gala sa Vatike, ngayon ko lang napuntahan ang ganito. Gaya na lamang ng lugar na napuntahan ko ng sinundan ko nung araw na iyon. Hindi ko na namalayan na unti-unti na namang bumabalik yung sakit nang bigla na namang pumasok sa isip ko yung nasaksihan ko noon. Nag-isip ako ng paraan upang i-distract ang sarili.
"Saan ba talaga tayo pupunta? Malapit na mag gabi." tanong ko dito pero nagpatuloy lamang kami sa paglalakad. "Kaya nga dapat bilisan natin baka di na natin maabutan." napakunot naman ang aking noo sa kaniyang sinabi. "Ang alin?" tanong ko sana ng bigla kaming huminto sa paglalakad. "Iyan." sagot ni Marko. Napalingon naman ako sa kaniyang tinitingnan at napaawang ang bibig sa nakikita. Natigil ako sa napakagandang tanawin dito. Mula dito ay tanaw ang kalawakan ng Vatike. Dahan-dahan akong lumaput sa dulo ng bangin at pinakiramdaman ang pagdampi sa aking mga balat ng sikat ng araw. Tumingin ako sa sa ibaba at nalula dahil puro tubig lamang ng karagatan ang aking nakita at rinig na rinig ang pag-alon. Lumingon ako sa aking likuran at nakita si Marko na nakangiti lamang na pinapanood ako habang nakaupo sa isang putol na puno ng kahoy. Nilapitan ko lamang ito at tinabihan. Tumabi naman sa kaniya si Sibol.
Pinagmasdan ko lamang ang langit at kumalma. Kay tagal ko ng hindi nakaramdam ng ganito. Para bang ang lahat ng bigat at sakit na naramdaman ko noon ay pansamantalang naiwan sa loob ng kagubatan pero kapag umalis ka dito ay muli mo itong bubuhatin. Kaya sa ngayon ay ie-enjoy ko na muna ito at pumikit.
"May tanong ako." biglang salita ni Marko. "Ano na naman?" irita kong sabi dito habang patuloy sa pag-pikit. "Ito naman tanong lang eh." parang nagtatampo nitong sabi. Tiningnan ko lamang ito at hinarap. "Oh ano?" mahinahon na ang aking tono. Baka magtampo na naman itong maarte na ito eh. "Kung mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa punong iyon, bakit walang bantay?" nagtataka nitong tanong. "Alam mo naman na masunurin ang mga tao dito. Bukod pa sa takot sa maaaring kaparusahan kung mahuhuli na pumunta doon, katapatan ang pangunahing batas ng Vatike mula pa sa mga ninuno natin. Hanggang sa malaman ko na lang na hindi pala lahat sumusunod sa batas na yun ng--" natigil ako sa aking sinasabi nang magbalikan ang mga sakit na naramdaman ko nung mga araw na iyon. "Hanggang sa?" pagpapatuloy na tanong sa akin ni Marko. "Hanggang sa ma-realize ko na sinuway ko yung pagpasok doon." pag-iiba ko ng topic at natawa naman ito sa aking sinabi.
BINABASA MO ANG
Kaia ng Vatike (Kaia of Vatike)
FantasyKaia Dimapilis, ang prinsesa at susunod na mamumuno sa kaharian ng Vatike, ay hindi tanggap ang mabigat na responsibilidad ng pagiging isang reyna. Mas pipiliin pa nitong makipaglaban sa mga "Kaiba" na hindi inaasahan ang biglaang paglakas ng pwers...